PH BASEBALL TEAM: GIRL WONDERS NG BFA CUP  

BASEBALL

BINUO ng Philippine amateur Baseball Association ang pambansang koponan sa women’s baseball para dalhin ang bandera ng bansa sa darating na Southeast Asian Games na idaraos dito. Hindi nakasama ang koponan sa ika-30 selebrasyon ng tuwing ikalawang taong palaro dahilan sa isyu ng teknikalidad. Sa halip ay pinadayo sila sa Guangdong, China kung saan ay umani sila ng tagumpay at karangalang ni sila at ang kanilang mga opisyal ay di man pinangarap na kanilang matatamo. Bumalik ang ating mga babaeng beysbolista noong Sabado na dala ang medalyang tanso tanda ng…

Read More

P4.4-M ‘HOT’ SUGAR NAKUMPISKA NG BOC

HOT SUGAR

(Ni JOEL O. AMONGO) NASABAT ng Bureau of Customs ang P4.4 mil­yong smuggled na asukal na nakalagay sa walong (8) containers noong Miyerkoles (Nob­yembre 13) sa Port of Manila. Sinabi ng BOC, ang mga kontrabando na dumating sa South Harbor noong Agosto 30, 2019 mula China ay pawang Korach Conditioned Refined Sugar na itinago sa container na idineklara sa customs steel coil. Inihayag ng BOC na RZTREC Trading, ang consignee ng asukal na kinumpiska sa bisa ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento, ay sinampahan ng kasong  kaugnay sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff…

Read More

HANDOG NA PALUPA SA RIZALEÑONG MAGSASAKA

FORWARD NOW

Kaisa tayo ng Department of Agrarian Reform sa pamamahagi ng lupang sakahan para sa mga magsasakang walang sariling lupa na unang hakbang ng gobyerno upang mabago ang buhay ng mga benepisyaryo. Sa kabuuan, 807 agra­rian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Rodriguez, San Mateo, Teresa, Morong, Baras, Pililia, Jalajala, Tanay, at Pinugay – mga lugar na sakop ng Ikalawang Distrito ng Rizal, ang tumanggap ng kanilang Certificate of Land Ownership Awards para sa 737.0017 ektarya na lupang sakahan na ipinamahagi noong Setyembre at Oktubre. Tiniyak din natin sa ARBs na ang suporta ng gobyerno ay hindi nagtatapos lamang…

Read More

ILEGAL NA SUGAL HAMON KAY GEN. DANAO

HAGUPIT NI BATUIGAS

Malaking hamon sa liderato ni Region 4-A director Brig. Gen. Vicente Danao ang naglipanang ilegal na sugal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON). Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng kaniyang pagkakatalaga bilang kapalit ni Brig. Gen. Edward Carranza, hinika­yat niya ang hanay ng kapulisan sa CALABARZON na tumulong upang ipatupad ang mga programang kinabibilangan ng Anti-Criminality; Anti-Corruption at Anti-Illegal Drugs na siya ring prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit sa kabila ng ‘No Take Policy’ na iniutos ni Danao, nabalitaan natin na pa­tuloy pa rin ang operasyon ng mga…

Read More

PLASTIK, MATINDING KALABAN NG KALIKASAN

Sa Ganang Akin

Simula Oktubre 1 nitong taong kasalukuyan ay ipinagbawal ng Meralco ang paggamit o pagdadala ng mga single-use plastic (SUP), polystyrene foam o styrofoam at iba pang mga katulad na produkto, sa kanilang mga opisina at corporate events. Ito ay bilang bahagi ng kanilang sustainability initiative at pagsali na rin sa kampanya ng gobyerno para mailigtas ang ating kalikasan laban sa polusyon. Inanunsyo rin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta niya na ipagbawal ang mga plastik na materyales upang makabawas sa polusyon at mailigtas ang kalikasan mula sa malawakang pagkasira.…

Read More

KULTURANG PINOY AT IMPLUWENSYA NG IBANG LAHI

KULTURANG PINOY

Batid natin na ang kultura ng Pilipinas ay nahaluan ng mga kultura ng iba’t ibang lahi. Sa kultura, iba’t iba ang napaloloob dito tulad ng mga kaugalian sa pananampalataya at paniniwala, politika, aktibidad at mga kapistahan, kasuotan, mga pagkain, at kung anu-ano pa. Ang mga kulturang tinutukoy natin ay mula sa mga Kastila, Intsik, Hapon, Amerikano at iba pa. ILANG IMPLUWENSYA MULA SA MGA KASTILA Kung tutuusin ang bansa natin ay nasasakop ng Asya, pero ang kultura natin ay sadyang mas nakuha sa Euro-American. Sa tagal na panahon na sinakop…

Read More

MAGICAL CHRISTMAS SA SM CITY MANILA

MAGICAL CHRISTMAS-2

(Ni ANN ESTERNON) Parte na ng kultura ng mga Filipino na salubungin ang Kapaskuhan nang maaga. Kasama na sa kulturang ito na ang Pasko ay ipinagdiriwang din ng mga establisimyento at maging mismo ng mga mall katulad na lamang ng isinagawang Christmas Launch sa SM City Manila kamakailan. Sa okasyong ito ay pormal na binuksan sa publiko ang Icy Wonderland ng SM City Manila kung saan ito ay pinangunahan nina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Manila City Administrator Felix Espiritu at ng SM executives. Nagkaroon din dito ng pagtatanghal ang NU…

Read More

MALING POSTING SA SSS CONTRIBUTION

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, taga San Jose Del Monte, Bulacan City po ako at nais ko pong ilapit sa inyo ang nakitang pagkakamali sa posting ng aking SSS contribution. Lumabas kasi na ako ay nagtrabaho sa isang pagawaan ng semento rito sa Norzagaray, Bulacan. Samantalang hindi naman po ako nagtrabaho roon. Ang alam ko po ay tatlong kompanya lamang ang aking pinasukan at walang iba kundi ang mga kompanyang Magnolia Ice Cream, Scateh Paper at Mill Inc. Nang aayusin ko po ang akin estado para sa retirement ko, lumabas nang may problema…

Read More

ILOG, SAPA AT ESTERO SA METRO MANILA PINAHAHANAP

PUNA

Pagkatapos ng ­‘clearing operations’ sa Metro Manila, gusto namang ipa­sunod ng mga taga-subaybay natin na hana­pin ang mga ilog, sapa at estero na tinakpan ng mga gusali. Ito raw kasi ang pinagmumulan ng pagbabaha sa Metro Manila kasi nga nawala na ang mga importanteng daluyan ng tubig baha. Kapag umulan nang malakas sa Rizal partikular sa Montalban, San Mateo at Antipolo, ang daloy ng tubig ay sa Marikina River at ­Laguna de Bay na kuma­kalat naman sa ibat ibang sapa, ilog at estero sa Metro ­Manila. Ang tubig-baha ay sa…

Read More