AABOT sa 75,000 jeepney drivers ang aagawan ng ruta at hanapbuhay sa Metro Manila matapos umarangkada ang mga modernong PUV o Public Utility Vehicles kahapon, Lunes. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, at kung ipapalagay aniya na may 5 miyembro sa pamilya ng bawat driver na ito ay halos kalahating milyon katao ang magugutom dahil sa PUV modernization program ng gobyerno. Kahapon ay nagsimula nang bumiyahe ang mga bagong PUV ngunit hindi pa rin pinapayagan ang mga pampasaherong jeep at vans na ang patuloy na idinadahilan ay…
Read MoreAuthor: admin
Tinatamaan ng COVID-19 patuloy sa pagdami HEALTH WORKERS SA CEBU, DINAGDAGAN
TINUTUTUKAN ngayon ng National Task Force against coronavirus ang lungsod ng Cebu na itinuturing nang coronavirus epicenter bunsod ng mabilis na paglobo ng bilang ng COVID-19 cases. Ito ang isa sa mga dahilan ni National Action Plan (NAP) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr., para magpadala pa ng dagdag na medical personnel sa Cebu City. Ayon kay Galvez, layunin nito na matulungan ang mga medical frontliner na matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu City na kinailangang ibalik sa enhanced community quarantine. Bukod dito ay nagdagdag…
Read MoreLABOR VIOLATIONS NG ABS-CBN HIHIMAYIN NA
HAHALUKAYIN na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga labor violation umano ng ABS-CBN kasama na ang totoong bilang ng kanilang empleyado dahil hindi makapaniwala ang mga mambabatas na umaabot sa 11,000 ang kanilang pinasusuweldo. Ngayong araw, Martes ay ipagpapatuloy ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability ang pagdinig sa prangkisa at paglabag ng ABS-CBN sa batas. Noong Miyerkoles, inatasan ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang ABS-CBN na isumite na ang mga dokumentong hinihingi ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta tulad ng bilang ng…
Read MorePAG-ABUSO SA CALL CENTER AGENTS, BUSISIIN
NAIS ni Senador Imee Marcos na busisiin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga call center, bunsod ng kanilang flexible na oras ng trabaho dulot ng pandemyang COVID-19. Ayon kay Marcos, maaaring ginagamit ng mga call center ang inilabas na advisory ng DOLE, bago magpatupad ng lockdown nitong Marso, para ipitin ang sahod ng kanilang mga empleyado o kaya ay ipasa sa mga ito ang operational costs ng kumpanya para hindi malugi. Kabilang sa mga reklamong natanggap ni Marcos ay ang hindi pagbibigay…
Read More3-year modernization program MORE TATAPOS SA ILOILO CITY BROWNOUT
TINIYAK ng kasalukuyang power distribution utility sa Iloilo City na More Electric and Power Corp. (More Power) na matatapos na ang mga nararanasang brownout sa lungsod sa ipinatutupad nilang 3-year modernization program bilang tugon sa napabayaang power distribution facilities ng pinalitan nilang Panay Electric Company (PECO). Ipinaliwanag ni More Power Chief Operating Officer and President Roel Castro na sa ilalim ng kanilang ikinasang modernization program ay nasimulan na nila ang pagsasaayos ng power distribution system pangunahin na rito ang paglalagay ng looping system sa 69-kilovolt sub- transmission facility na siyang…
Read MoreOpinyon ng OSG ginagamit para makaiwas sa buwis PALUSOT NG POGO OPERATORS, SINOPLA
SINOPLA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang depensa umano ng ilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na hindi sila dapat singilin ng 5% na franchise tax dahil nakabase ang kanilang negosyo sa ibang bansa. Ayon kay House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers, mistulang ginagamit na ng ilang POGO operators ang legal opinion ng Office of the Solicitor General (OSG) para makaiwas sa pagbabayad ng franchise tax. Base sa legal opinyon ng OSG, lahat ng gaming firms na nakabase sa ibang bansa ay hindi dapat singilin ng 5%…
Read MoreRobredo nasupalpal sa Palasyo SCHOOL OPENING SA AGOSTO, ITINAKDA NG BATAS – ROQUE
MISTULANG ipinaalala ng Malakanyang na ang batas ang nagtakda ng pagbubukas ng klase sa Agosto ngayong taon. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag at pakikiisa ni Vice President Leni Robredo sa panawagan na i-reschedule ang pagbubukas ng klase upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga guro na makapaghanda sa alternatibong ‘modes of teaching’ ngayon. Ang pagbubukas ng klase ay itinakda sa Agosto 24. “As far as the actual date of classes, may batas po ‘yan [Republic Act 7797]. We have to comply with the…
Read MoreHirit ng PECO sa ERC na balik-operasyon hinarang SISTEMANG PALPAK ‘WAG IBALIK – MORE
HINARANG ng distribution utility na More Electric and Power Corp. (MORE Power) sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang inihaing motion for reconsideration (MR) ng Panay Electric Company (PECO) na humihiling na maibalik ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na una nang kinansela at pinawalang bisa. Sa inihaing komento ng MORE Power sa apela ng PECO sa ERC, iginiit nito na wala nang dahilan para ibalik ang operational permit ng PECO dahil napaso na rin ang kanilang legislatve franchise gayundin kanselado na ang kanilang business permit mula sa…
Read MoreCHINA BANK NAHAHARAP SA DOSRI COMPLAINT
NAGSAMPA ang DOSRI (directors, officers, stockholders, and their related interests) ng reklamo laban sa mga director at opisyal ng China Banking Corporation (CBC), China Bank Savings Inc. (CBSI), at China Bank Capital Corporation (CBCC) dahil sa umano’y paglabag sa Section 36 ng General Banking Law. Ito ay kaugnay umano sa umaabot sa mahigit apat na bilyong pisong halaga ng pautang sa Philippine Primark Properties Inc. (Primark), isang mall development company na naging 51% na pag-aari ng SM Investment Corporation (SMIC) nang ibigay ang mga pautang. Isinampa ang reklamo noong Hunyo…
Read More