MALAKANYANG: VFA TERMINATION, NASUSPINDE LANG

“NAPAKALALIM ng sagot ko dyan, I defer to SFA.” Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Visiting Forces Agreement nito kasama ang US. “Antayin nyo, bukas kami mag-uusap ni Presidente,” ayon kay Sec. Roque. Inamin ni Sec. Roque na dalawang linggo na niyang alam ang usaping ito ngunit wala siyang narinig mula sa Chief Executive ukol dito. “Alam mo, alam ko na yan two weeks ago, pero I did not hear it from the…

Read More

Ikinukonsidera ng Palasyo sa mga ‘di pa makapasada JOBLESS NA TSUPER GAWING CONTACT TRACERS

MAAARING i-hire bilang contact tracers ang mga out of work jeepney driver sa kampanya ng pamahalaan laban sa novel coronavirus pandemic. “We are actually considering alternative livelihoods for them. There’s a suggestion that they be employed as contact tracers because we do need about 120,000 of them and its only about 30,000 employed so far,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Nangangailangan ang Pilipinas ng 95,000 mahigit na contact tracers para sa COVID-19 response. Sa kabilang dako, sinabi ng health department na ang bansa ay may 38,000 contact tracers sa…

Read More

SENIORS, BUNTIS PRAYORIDAD SA COVID-19 TEST

IPAPRAYORIDAD ng gobyerno sa gagawing mass testing sa COVID-19 sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction (PCR) ang mga senior citizen, buntis at iba ng sektor ng lipunan. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 6865 na inakda ni Iloilo Rep. Janette Garin na pinagtibay na sa ikalawang pagbasa at inaasahang aaprubahan sa huling pagbasa bago ang sine die o pagsasara ng first regular session ng 18th Congress. Bukod sa matatanda at buntis, ipaprayoridad din sa PCR, ang mga health care worker, food handlers, public market vendors, sales people sa groceries…

Read More

Solons: Anyare sa 30K COVID test per day? P353-B PONDO NG BAYANIHAN ACT, I-AUDIT

DESIDIDO ang ilang miyembro ng Senate minority groups na imbestigahan kung nagamit nang tama ang inilaang P353 bilyon para sa Bayanihan Act. Ayon kina Senador Francis Pangilinan at Senador Risa Hontiveros, nais ng mga ito na i-audit ang nasabing pondo kung nakatulong para labanan ang COVID-19. “Dahil sa Bayanihan Act ay isinuko na ng Kongreso ang kanyang ‘power of the purse.’ Kaya kailangang bantayang maigi kung saan napupunta ang pera,” sabi ni Hontiveros. “We should have established sufficient infrastructure and mustered enough human resources to adequately respond to this health…

Read More

PANGAMBA NG PUBLIKO SA ANTI-TERROR BILL, PINAWI NG PALASYO UNFOUNDED.

Ganito kung ituring ng Malakanyang ang pangamba ng publiko na gagamitin ang anti-terrorism bill para sa red-tagging sa oposisyon at progressive groups. Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi tama para sa mga kritiko na kagyat na magbigay ng konklusyon sa “judicial declaration” para sa isang grupo na maikunsidera bilang communist organization. “Red-tagging by just referring you as a communist group will not have any legal effect unless a court has declared you to be a terrorist organization,” ayon kay Sec. Roque. Sa kabila na ang korte ay…

Read More

JEEPNEY PHASEOUT MALAYO PA SA KATOTOHANAN

DPA

MALAYONG-MALAYO pa sa katotohanan ang phase out ng mga pampasaherong jeep na isa sa mga sinisisi noon kung bakit malala ang problema sa trapiko at maruming hangin sa Metro Manila Nakita ng mamamayan ang kahalagahan ng mga pampasaherong jeep nang isailalim na sa general community quarantine ang Metro Manila at hindi sila payagang bumiyahe dahil nanganganib pa ang mga tao sa COVID-19. Kalbaryo ang sumalubong sa commuters sa unang araw nang GCQ dahil wala silang masakyan at ang iba naman ay nagbisikleta na lamang pero ang karamihan ay hindi na…

Read More

HUWAG PAGKAKITAAN PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA BADILLA NGAYON

Badilla Ngayon

ISA sa mga panukalang batas na pinagkakaabalahan ng mga mambabatas ngayon ay kung paano makababawi ang Pilipinas sa negatibong epekto ng iba’t ibang klase ng community quarantine (CQ) o ‘lockdown’ ng iba’t iba’t rehiyon at lalawigan dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID–19) sa ekonomiya ng bansa. Ang pinakamasahol na de sisyon at aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagsasailalim sa Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso 17 hanggang Mayo 15, ngunit obligado itong gawin ng pangulo para sa kaligtasan at proteksyon ng mamamayang Filipino. Napakatindi ng negatibong…

Read More

FRANCHISE TAX NG POGO, GAMITIN SA COVID-19

HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang gobyerno na gamitin sa pakikipaglaban sa COVID-19 ang 5% franchise tax sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ipinaliwanag ni Drilon na nahaharap na ang bansa sa kakapusan ng pondo para sa stimulus measures at nangangailangan na ng dagdag na pagkukunan upang mapondohan ang mga ayudang ibibigay sa mamamayan. Iginiit ng senador na malaking tulong ang 5% franchise tax para sa COVID-19 programs at iba pang aktibidad. Una nang inihayag ng economic managers na aabot na lamang sa P130 billion ang maaaring ipondo…

Read More

ANTI-TERROR BILL, KUKUWESTIYONIN SA SC

KUKUWESTIYONIN ng oposisyon sa Korte Suprema ang Anti-Terror Bill sa sandaling pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging batas dahil sa paniniwalang ‘unconstitutional’ ito. Ito ang kinumpirma ni House minority leader Bienvenido Abante sa virtual press conference ng kanilang grupo, kaugnay ng nasabing panukala na niratsada ng Kamara matapos sertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill. “Yan po ay laban talaga sa Constitution kaya we are thinking of going to the Supreme Court if ever the Anti-Terror bill becomes a law,” ayon sa mambabatas. Habang naghahanda ang oposisyon, pinagtibay naman…

Read More