NAKAAALARMA ang nangyari noong nakaraang Lunes, Hunyo 1, matapos dumagsa ang maraming tao sa kalye sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila. Hindi na naipatupad ang physical distancing na sinasabi dahil sa pagdagsa ng mga tao na nag-aabang ng kanilang masasakyan. Kitang-kita sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City na halos kalahati ng kalsada ay sinakop na ng mga taong nag-aabang ng kanilang mga masasakyan. Kaya hindi na nakontrol ng mga awtoridad ang pagdagsa ng tao at sala-salabat na hindi na malaman kung paano gagawin ng…
Read MoreAuthor: admin
ORAS NANG PANININGIL SA BALASUBAS NA FOREIGN EMPLOYERS
HALOS tumigil ang ikot ng mundo ng mga OFW simula pa lamang ng buwan ng Marso ngayong taon dahil sa kaliwa’t kanang pagdedeklara ng lockdown sa buong mundo. Maraming mga reklamo at paghingi ng saklolo ang hindi mabigyan ng aksyon kahit pa paulit-ulit ang panawagan ng mga OFW. Dahil ito sa maraming bansa sa Middle East ang nagdeklara ng lockdown kung kaya hindi makalabas at makakilos ang mga opisyal ng Philippine Oveseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Philippine Embassy. Isa nga sa mga welfare office…
Read MoreCASH AID SA HEALTH WORKERS, BINIGYAN NG ULTIMATUM SA BAYANIHAN
NAIS makatiyak ng mga senador na hindi na mauulit sa binabalangkas na Bayanihan Act II ang kabiguan ng Department of Health (DOH) na maibigay ang kompensasyon sa mga health worker na namatay o tinamaan ng COVID 19. Sinabi ni Senator Ralph Recto na isinulong nila sa Bayanihan Act II na mapabilis ang pagbibigay ng tax-exempted na cash aid sa mga health worker. Sa bagong probisyon anya sa panukala, malinaw na inilagay ng mga senador ang patakaran na dapat matanggap ng health workers ang cash aid sa loob ng 90 araw…
Read MorePEDICAB PAPADYAK NA SA HIGHWAY
MAAARI nang bumiyahe sa mga national highway ang mga sidecar. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puwede nang bumiyahe ang mga sidecar sa mga highway ngayong karamihan ng lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ). “Pinapayagan na po ngayon ang mga sidecar sa national highways,” ani Sec. Roque. “‘Yan po ay para maibsan ang kakulangan ng transportasyon ngayong nag-GCQ na at MGCQ sa maraming areas,” dagdag pa niya. Matatandaang ipinagbawal kamakailan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga tricycle at…
Read MoreRUTA NG BUS, DARAGDAGAN
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga transport official na magdagdag ng bus routes sa Metro Manila para maginhawaan ang mga mananakay na labis na dumaraing ngayong general community quarantine dahil sa kawalan ng masasakyan. Ang Metro Manila ay isinailalim na sa ‘less stringent GCQ’ ngayong linggo subalit ang public transport services ay nananatiling limitado dahilan para mapilitan ang mga mananakay na maglaan ng ilang oras sa lansangan para lamang makarating sa kanilang destinasyon. “Ramdam din po ng Presidente ang hirap ni Juan dela Cruz sa pagko-commute,” ayon kay…
Read MoreSIMBAHAN BUBUKSAN NA SA MGCQ
MAAARI nang magdaos ng religious gatherings ang mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine. Iyon nga lamang, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kailangan na maximum ng 50%’ worship venue capacity lamang. Ani Sec. Roque, ang desisyon ay ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases matapos umapela ng partial reopening ang mga lugar ng sambahan. Tanging limang katao ang maaaring dumalo sa religious gathering sa lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine at 10 katao naman sa mga lugar na…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA BANSA, HIGIT 20K NA
LUMAGPAS na sa 20,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos magtala ng karagdagang 634 ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH). 321 sa 634 ang late confirmed cases habang 313 naman ang fresh cases at nasa 20,382 na ang kabuuang bilang nito. Sa ngayon ay umabot na sa 984 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit matapos magtala ng 10 karagdagang bilang. Samantalang umakyat naman sa 4,248 ang bilang ng mga nakarekober na sa naturang sakit matapos madagdagan ng 95. D. ANIN 230
Read MoreHB No. 78 isang pagtatangka para alisin ang telcos bilang public utilities – Carpio CHINA TELECOM THIRD TELCO?
PINALUSOT ang House Bill No. 78 para makakawala ang telcos mula sa 60 percent Filipino ownership requirement ng Konstitusyon, ayon kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio. Ang HB No. 78 ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Marso 10, 2020, isang linggo bago isailalim ang Metro Manila at ang ilang bahagi ng bansa ni Presidente Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. “That House bill, if approved by the Senate, will amend the Public Service Act to exclude telcos…
Read MoreKumilos na kaya ang DOTr? SOLON: UPAHAN, AYUDAHAN ANG MGA TSUPER
KIKILOS na kaya sa pagkakataong ito ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) sa panawagan ni Senadora Grace Poe hinggil sa pagtulong ng kagawaran sa mga tsuper ng mga dyip? Sumulpot ang importanteng katanungang ito nang manawagan si Poe sa pamunuan ng DOTr, sa pangunguna ni Kalihim Arthur Tugade, na upahan at ayudahan ang mga tsuper ng dyip na sumunod naman sa mga alituntunin at kahilingan ng pamahalaan sa magiging itsura at sistema ng mga bibiyaheng pampublikong sasakyan ngayong hindi pa rin natutuldukan ang suliranin ng bansa sa coronavirus disease-2019…
Read More