“PINAYAGAN na po ang dine-in operations pero hindi po nangangahulagang piyesta at inuman na,” Ito ang inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque makaraang pumayag ang pamahalaan sa gradual reopening ng mga food establishment with dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ). Kailangan lamang na masiguro na maipatutupad at masusunod ang health protocols sa ilalim ng dine-in setup alinsunod sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ang IATF ang highest policymaking body ng pamahalaan sa pagtugon sa…
Read MoreAuthor: admin
BRGY. OFFICIALS PINATUTULONG SA PAGTIYAK NA NASUSUNOD ANG HEALTH PROTOCOLS
NANAWAGAN ang isang mambabatas mula sa Kongreso sa lahat ng punong barangay sa bansa na lalong higpitan ang pagpapatupad ng quarantine protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing kahit sa ilalim ng umiiral na general community quarantine. Ang panawagan ay ipinaabot ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran partikular sa mga barangay leader na pag-ibayuhin ang pagpapaalala sa kanilang nasasakupan hinggil sa health protocol na maaaring makaligtaan na dahil sa pagiging abala ng tao ngayong marami na ang balik-trabaho. “We are still in quarantine and COVID-19 is still…
Read More‘WAG MAKIPAG-AGAWAN SA LIBRENG COVID TEST
KUNG mayroon pinamaka-suwerteng empleyado sa buong mundo kasama na ang Pilipinas ay ang mga state employees dahil tuloy tuloy ang kanilang sahod kahit walang kita ang gobyerno. Taliwas sa mga manggagawa sa pribadong sektor lalo na ang no work-no pay employees o ang mga tinatawag nating contractual employees na nawalan ng kita sa nakaraang halos tatlong buwan. Sa government employees maliban lang siguro sa mga contractual at job order employees, tuloy-tuloy ang kanilang sahod at naibigay pa ang kanilang mid-year bonus. Oo, nagtatrabaho sila sa panahon ng community quarantine sa…
Read More76% NA ANG CONTACT TRACING ABILITY SA NCR – DILG
NASA 76% na ang contact tracing ability ng National Capital Region sa mga posibleng infected ng COVID-19. “Sa tracing po natin, ang overall natin ay maganda na, umabot na tayo sa 96%, ‘yung tinatawag na contact tracing ability. Dito po sa Metro Manila, nasa 76% po tayo,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa Laging Handa public briefing. “Ano po ang ibig sabihin noon? Ang ibig sabihin noon ay sa 100 na positive, mayroon pa po tayong hindi nate-trace na 24% at ito po ay kailangan nating pag-ibayuhing mahanap,” dagdag…
Read MoreKASO NG COVID-19, HIGIT 18K NA
SUMAMPA na sa 18,086 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kasunod ng nadagdag na 862 cases nitong Linggo. Ngunit paglilinaw ng DOH, sa bilang na 862, 16 lamang ang bagong kaso. Ito ay dahil ang ibang bilang ay mula sa resulta ng pagsusuri sa mga pasyente o COVID-19 test results na isinagawa sa mga nakalipas na linggo. Sampu sa fresh cases ay naitala sa iba’t ibang lugar, anim naman ang galing sa National Capital Region. Habang 846 ang late cases o test results na ni-release sa mga…
Read MorePAGBUBUKAS NG KLASE, HAHARANGIN NG SENADO
INAPRUBAHAN na ng Senado sa pangatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng awtoridad kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na dapat ay sa buwan ng Agosto. Sinabi ni Senador Win Gatchalian, co-author at sponsor ng Senate Bill No. 1541, na nagawang maihabol ng Senado ang panukala bago ang sine die adjournment ng Kongreso. Aniya, sa oras na maipasa at maging batas ang panukala bago ang pagbubukas ng klase, magkakaroon ang Department of Education (DepEd) at si Pangulong Duterte ng sapat na panahon para…
Read MoreMALAKANYANG TIWALA NA MAITUTULOY ANG BBB PROJECTS
TIWALA ang economic managers ng pamahalaan na kakayanin ng bansa na maitawid ang mga proyekto sa Build, Build, Build program para paganahin muli ang ekonomiya sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19. Ito’y sa harap ng posibilidad na hindi agad maibigay ng official development assistance partners tulad ng China at Japan ang kanilang suportang pinansiyal sa Pilipinas sapagkat matindi rin silang tinamaan ng pandemya. Ayon kay Finance Usec. Tony Lambino, pinanghahawakan ng pamahalaan ang magandang performance ng bansa sa debt management strategy o programa sa pangungutang. Ani Sec. Lambino,…
Read MorePahaharapin sa Kamara GABBY LOPEZ GIGISAHIN SA PAGIGING KANO
MAGIGISA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang dating chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III matapos hilingin ng isang mambabatas na padaluhin ito sa susunod na pagdinig sa prangkisa ng nasabing network. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability o Blue Ribbon committee ng Kamara, hiniling ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na paharapin sa susunod na pagdinig si Lopez. Hindi kasama si Lopez sa mga opisyales na inimbitahan ng dalawang komite sa pagdinig ng mga ito sa…
Read MoreURSABIA, BAGONG PCG COMMANDANT
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay George Villareal Ursabia, Jr. bilang commandant ng Philippine Coast Guard (PCG). Tinintahan ng Pangulo ang appointment paper ni Ursabia ngayong araw, Hunyo 1. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na sa pagkakatalaga kay Ursabia bilang bagong commandant ng PCG ay mapaglalapit nito sa pananaw na ‘world-class guardian of the sea’ ang institusyon. “We wish the new Commandant good luck as he begins to lead the PCG in this challenging time,” ayon kay Sec. Roque. CHRISTIAN DALE…
Read More