SA gitna nang pagsuspinde ng mga pribilehiyo sa pagbisita sa bilanggo dahil sa coronavirus pandemic, ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nagpaabot ng pasasalamat sa inyong lingkod bunsod nang pagsisikap nating matiyak na ang mga bilanggo ay may ‘access’ pa rin sa konsultasyon sa abogado at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng digital na teknolohiya. Kamakailan lang, tayo ay nag-donate ng 40 computer para sa malalayo at sobrang masisikip na mga kulungan sa buong bansa. Labis itong ikinagalak ng BJMP dahil makatitiyak ang mga bilanggo…
Read MoreAuthor: admin
Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 LOCALIZED LOCKDOWN PAIIRALIN PA RIN
AMINADO ang National Task Force against COVID-19 na hamon sa kanila ang mga restriction ng batas para sa tuloy-tuloy at mas madaling contact tracing sa mga nalantad sa COVID-19. Kaya naman patuloy nilang isusulong ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga barangay at lugar na may mga kaso ng virus infection, ayon kay National Action Plan (NAP) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr. “Mayroon tayong tinatawag na rapid response, kung saan ila-lockdown natin ang isang building, pwedeng ila-lockdown din natin yung isang block, isa o dalawang barangay. At…
Read MorePatakaran ng IATF kinastigo sa Senado SENIORS PALAYAIN SA GCQ
KINASTIGO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang ilang patakaran ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na naghihigpit sa paggalaw ng senior citizens kahit pinapayagan ito ng batas. Sa pahayag, ipinaalala ni Angara sa lahat ng nagpapatupad ng batas na pinapayagang lumabas ng bahay ang mga senior citizen upang bumili at kumuha ng serbisyo ng kanilang pangangailangan. Sinabi ni Angara na mayroong mga ulat na nahihirapan ang ilang senior citizen na kumilos sa ilalim ng general community quarantine kahit malinaw ang patakaran na ipinalabas ng pamahalaan. “The…
Read MoreIMBESTIGASYON SA OVERPRICED MED EQUIPMENTS GUMULONG NA
SINIMULAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito kaugnay sa diumano’y overpricing na pagbili ng medical equipment sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) crisis. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes sa kanyang weekly report sa Kongreso. Ani Pangulong Duterte, ang mga indibidwal na idinawit sa sinasabing overpricing ng automated extraction machines ay ipinatawag ng NBI upang tiyakin kung mayroong paglabag sa Price Act at sa Bayanihan to Heal as One Act. Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye pa ang Pangulo. Samantala, sa…
Read MoreABS-CBN exec, umamin sa House hearing TOTOONG AMERIKANO SI GABBY LOPEZ
INAMIN mismo ng pamunuan ng ABS-CBN na American citizen at may American passport ang kanilang dating chairman na si Eugenio “Gabby” Lopez III. Sa pahayag ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at House Blue Ribbon committee, inamin nito na American citizen ang dating kapitan ng nasabing network. “Totoo po na may US passport si Mr. Lopez. Ito ay dahil ipinanganak siya sa Amerika at sa batas ng Amerika, kahit hindi Amerikano ang magulang mo, kapag ipinanganak ka sa US, automatic…
Read MoreAlphalist ng mga empleyado pinasusumite sa Kongreso ABS-CBN ‘HUHUBARAN’ SA PAGSISINUNGALING
PINASUSUMITE ng isang mambabatas sa Kamara sa ABS-CBN ang alphalist ng kanilang mga empleyado para malaman kung totoo ang ipinangangalandakan ng mga ito na mahigit 11,000 ang kanilang empleyado. Sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at House Blue Ribbon committee, inatasan ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na isumite ang alphalist ng kanilang binayarang kontribusyon sa Social Security System (SSS) mula 2018 hanggang 2019. Maging ang alpha list ng mga empleyado ng nasabing kumpanya sa kontribusyon ng mga ito sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Pag-IBIG funds…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA PINAS: HALOS 19,000 NA
NAKAPAGTALA ngayong araw ng 359 na kaso ng COVID-19 sa bansa kaya sumampa na sa kabuuang 19,000 ang bilang nito. Batay sa panibagong ulat mula sa Department of Health, sumampa na sa 18,997 ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang tinamaan ng pandemic virus sa bansa. Sa naitalang 359 kaso, 176 ang fresh cases o test results na lumabas at na-validate ng DOH sa nakalipas na tatlong araw. 183 naman ang late cases o test results na lumabas sa nakalipas na apat na araw o higit pa pero late na na-validate…
Read MoreGLOBE: PAG-USAD SA DIGITAL MULA CASH PANAHON NA
NGAYON na ang panahon para gawing digital mula cash ang pamamaraan ng pagbabayad. Ang malawakang paggamit ng cash ang magiging pangunahing balakid sa kampanya ng bansa para sa digitalization. Ito ang ipinaliwanag ni Globe President and CEO Ernest Cu sa isang panayam kamakailan hinggil sa ‘new normal’. Ayon kay Cu, magiging mahirap ang mag-iskala kung ang mga negosyo, lalo na yaong may kinalaman sa e-commerce, ay mananatiling umaasa sa cash bilang bayad para sa goods at services. Bagama’t patuloy na tumataas ang online transactions, karamihan sa mga Pinoy at maraming…
Read MoreBARANGAY HEALTH WORKERS GAWING CONTACT TRACERS
“MAS madali ang contact tracing kung sisimulan sa tinitirhan at iniikutang barangay ng COVID-19 victim.” Ito ang paniniwala ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran makaraang imungkahi na gawing contact tracers ang mga barangay health worker upang agad maresolba ang kakulangan sa mga ito. Ayon sa Department of Health, nangangailangan sila ng 126,224 contact tracers o isang contact tracer kada 800 katao. “Isailalim lang ang barangay health worker sa online training ng DOH para mas accurate ang pamamaraan ng contact tracing,” ayon kay Taduran. Pinayuhan din ng House Asst. Majority Leader…
Read More