IDEDETALYE na sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability ang mga ‘atraso’ ng ABS-CBN sa kanilang prangkisa. Ipagpapatuloy ngayong umaga ng mga nabanggit na komite ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN subalit tututok ito sa umano’y paglabag ng nasabing network na tinukoy ni House deputy speaker Rodante Marcoleta noong nakaraang linggo. “Dahilan sa mga conflicting issues na narinig ko mula sa ABS-CBN at kay Deputy Speaker Marcoleta, kinakailangan magkaroon tayo ng exhausted hearing at nang sa ganun talagang makita natin…
Read MoreAuthor: admin
PASYAL BAWAL PA RIN SA GCQ – JTF COVID SHIELD
MULING nagpaalala ang mga awtoridad upang hindi abusuhin ng publiko ang pagsisimula ng general community quarantine na paiiralin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa mula bukas. Base sa direktiba ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nagtakda ng mga alintuntunin ang Joint Task Force COVID Shield kaugnay sa galawan ng mga tao sa ilalim ng GCQ. Ito ay makaraang aprubahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang pagluluwag sa mga pinaiiral na community quarantine restrictions simula bukas (June 1). Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo…
Read MoreSAKRIPISYO NG MAGSASAKA, KILALANIN
NAIS ng isang senador na bigyang halaga ang kontribusyon at sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan. “Isa sa mga napatunayan ng pandemya ang napakahalagang papel ng mga nagpapakain sa atin. Nabuksan ng pandemya ang mga mata natin na hindi tayo mabubuhay kung wala sila. Sana’y maging unang hakbang ang pagkilalang ito sa pagbibigay-halaga sa kanila,” sabi ni Senador Francis Pangilinan na dati ring nanungkulan bilang Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization. “Mapapakita natin ang ating pasasalamat kung patuloy nating direktang tatangkilikin ang kanilang mga produkto katulad…
Read MoreKAPALPAKAN NI PDUTERTE SA OFWs, KINASTIGO
TODO-TODONG binanatan ni Senadora Leila de Lima ang tingin niyang mga kapalpakan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suliranin ng overseas Filipino workers (OFWs) makaraang magkaroon ng lockdown sa maraming bahagi ng mundo, kabilang na sa Pilipinas dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID-19). “Pinapaapura na ni Duterte ang pagpapauwi [sa] mahigit 24,000 OFWs sa kani-kanilang [mga] bahay. Ito ay matapos ang halos dalawang buwang pagkatengga nila sa mga quarantine facility sa Metro Manila. Ito ay matapos maglabasan ang sanlaksang reklamo ukol sa napakatagal na paglabas ng resulta ng kanilang COVID-19 tests. Ito…
Read MoreSOLON, NAGBABALA SA NEGATIBONG EPEKTO NG PAGPAPALIBAN NG KLASE
NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na posibleng magdulot ng mas matinding pinsala sa kinabukasan ng mga estudyante kung ipagpapaliban pa nang matagal ang pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021. Sinabi ni Gatchalian na dapat magpatuloy pa rin ang pag-aaral ng kabataan sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya. Ibinahagi ni Gatchalian ang isang ulat ng World Bank na pinamagatang “The COVID-19 Pandemic: Shocks to Education and Policy Responses,” kung saan binigyang-diin na mas nanganganib na mag drop-out ang mga nangangailangang mag-aaral o yung tinatawag na ‘vulnerable’ at ‘struggling’.…
Read MoreLGUs ‘BIG NO’ SA BALIK PROBINSIYA PROGRAM
MARAMING local go-vernment unit chief executives ang malaki ang tumututol sa “Balik Probinsiya Program” ng Gobyerno. Bakit kamo? Kasi nanganganib daw ang kanilang mga kababayan na mahawaan ng coronavirus disease 2019. Tama nga naman dahil hindi nga sila nakasisiguro na ang mga benepisyaryo ng programang ito ng pamahalaan ay hindi kinapitan ng salot na virus. Noong Mayo 20, 2020, nagkaroon ng ‘send off’ ng 112 katao na benepisyaryo ng Balik Probinsiya Program sa may Manila Seedling, Agham Road, Quezon City na sumakay sa limang bus patungongng Leyte kung saan ay…
Read MoreCALIDA, IPAPAPATAY NG TERORISTANG CPP/NPA/NDFP?
SIMULA nang itatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968, New People’s Army (NPA) noong 1969 at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong 1964 ay marami ng kapwa nating Filipino ang napatay at namatay dahil sa pangmatagalang armadong pakikibaka ng grupong ito. Iyong napatay ay mga taong sinadyang ipapatay ng pamunuan ng CPP/NPA/NDFP, samantalang pumapatungkol naman sa mga taong natodas sa gitna ng labanan ng mga “mandirigma” ng NPA at mga sundalo at pulis ng pamahalaan ang namatay. Ang masama ay mayroong mga kapitalista, opisyal ng…
Read MoreOPERASYON NG SALON, BARBER SHOPS LIMITADO PA RIN
LIMITADO pa rin ang magiging operasyon ng mga barbero at mga salon sa muli nilang pagbubukas sa susunod na linggo. Hanggang gupit lamang at wala pa ring facial, manicure/pedicure, wala pa ring pagtanggal o pag-aayos ng mga kilay. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bagama’t bahagyang magbabalik- operasyon na ang mga beauty parlor at barber shops sa pagpasok ng ilang parte ng bansa sa general community quarantine (GCQ) sa Lunes, ay hanggang pagpapagupit lang muna ang mga serbisyong papayagan dito. “Huwag po kayo masyadong ma-excite dahil limitado po ang…
Read MoreTINAMAAN NG COVID-19 SA MUNDO, 6 MILYON NA
MAHIGIT anim na milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Sa huling ulat, umakyat na sa kabuuang 6,031,023 ang tinamaan ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa. May pinakamarami pa ring kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na nakapagtala na ng 1,793,530 cases. Sinundan ito ng Brazil na may 468,338 kaso. Ang Russia naman ay may 387,623 habang ang Spain ay may 285,644. May 2,659,270 naman ang kabuuang bilang ng mga naka-recover sa sakit sa buong mundo habang ang mga nasawi ay umakyat na sa 366,812. Umabot…
Read More