(NI AMIHAN SABILLO) WALANG magbabago sa pagpapatakbo ng Philippine National Police (PNP) sa Anti-Crime campaign ng kanilang pagpapatupad ng kautusan ng Pangulo na ipasara ang lahat ng gambling operations ng PCSO. Pagtitiyak ito ni PNP Chief Police general Oscar Albayalde makaraang batikusin ni Senador Nancy Binay ang PNP at sinabing sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang pagpapasara ng mga lotto outlets, mas mabuting asikasuhin nalang nila ang pagresolba ng mga patayan sa Negros Oriental. Iginiit ng hepe ng pulisya na hindi nauubos ang oras ng PNP o iginugugol lamang…
Read MoreAuthor: Jet
TUBIG SA ANGAT PATULOY SA PAGTAAS
(NI DAHLIA S. ANIN) MULING tumaas ang antas ng tubig sa Angat ngayong Martes. Mula sa 162.40 meters noong Linggo umakyat ito sa 163.34 meters ayon sa monitoring ng Pagasa. Patuloy din sa pagtaas ang lebel ng iba pang dam sa Luzon. Tumaas sa 74.10 meters ang antas ng tubig sa La Mesa dam mula sa 73.98. Maging ang Ipo dam ay tumaas din sa 100.93 mula sa 100.66 meters. Ang tubig sa Ambuklao dam ay tumaas din sa 745.73 mula sa 745.14. Gayundin ang Binga dam mula sa 571.61…
Read MoreDOH KAILANGAN NG 26,000 HEALTH WORKERS
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGBUKAS ng mahigit sa 26,000 posisyon ang Department of Health (DoH) para maging community health workers. Aabot sa 26,035 kontraktwal na posisyon ang binuksan ng ahensya matapos aprubahan ang budget para sa deployment program ng DoH. Kasama sa mga posisyong maaring aplayan ay doktor, nurse, dentista, medical technologist, nutrionist-dieticians, pharmacist, physical therapist at midwife. Ayon sa Director of Health Human Resource Development ng Bureau ng DoH na si Kenneth Ronquillo, “Ito yung mga profession na kailangan natin sa rural health unit usually. Sa highly-urbanized and independent…
Read MoreP47-M PINSALA; APEKTADO SA LINDOL SIKSIKAN NA SA TENTS
(NI AMIHAN SABILLO) MAHIGIT P47 milyon at posibleng tumaas pa ang halaga sa paunang naitala ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa naganap na lindol sa lalawigan ng Batanes. Kasabay nito, nananawagan ang pamahalaan ng Batanes na magpadala ng karagdagang tents sa kanilang lugar dahil siksikan na umano ang mga apektadong pamilya sa evacuation centers. Sa inilabas na datus ng NDRRMC, P40 milyon ang naitalang pinsala sa Itbayat District Hospital at nasa P7 milyon naman ang pinsala sa Itbayat Rural Health Unit. Bukod pa ito sa dalawang eskwelahan…
Read MoreP40-M PANGAKO NI DU30 SA BATANES
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng P40 milyon kasunod ng kambal na pagyanig sa Batanes nitong Sabado. Ang Pangulo, na nagtungo sa Batanes ng Linggo para alamin ang pinsala ng lindol sa Itbayat, ang bayan na pinakanapinsala, ay personal din na inalam ang kalagayan ng mga residente. Sinabi ng lokal na gobyerno na ang ospital sa bayan ay hindi na magagamit dahil napinsala rin ng lindol. Idinagdag ng Pangulo na hindi na maganda kung aayusin lamang ang ospital kundi, kailangang magtayo ng bago at matibay. “Magbibigay ako ng…
Read MoreDU30 SA COAST GUARD: BANTAYAN N’YO ANG BATANES
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Coast Guard (PCG) na bantayan ang mga isla ng Batanes province upang matiyak na mananatiling sa bansa ang mga ito. Sa press briefing sa Batanes provincial officials, sinabi ng Pangulo na kailangang magpatrulya sa lugar ang PCG kahit hindi araw-araw basta maiparamdam na sa Pilipinas ang mga isla roon. “I’ve been flying here in the area of the epicenter,” he said. “There are two islands — big ones. I told the mayor [Raul de Sagon]: It is ours? I don’t see any —…
Read More8 FLIGHTS KINANSELA NG NAIA SA SAMA NG PANAHON
MANILA — WALONG domestic flights ang kinasela ngayong Linggo dahil sa masamang panahon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA). Kabilang sa kanseladong flights ang: CEBU PACIFIC 5J 771 Manila-Pagadian-Manila 5J 772 Manila-Pagadian-Manila 5J 781 Manila-Ozamiz-Manila 5J 782 Manila-Ozamiz-Manila SKYJET M8 511 Manila-Camiguin-Manila M8 512 Manila-Camiguin-Manila M8 713 Manila-Busuanga-Manila M8 714 Manila-Busuanga-Manila 491
Read More20% DISCOUNT, VAT-FREE SA MGA BAGETS
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang ang mga senior citizens sa bansa ang maililibre sa value added tax (VAT) at discounts a kanilang mga pangangailangan kundi ang mga kabataang Filipino. Ito ay kung magiging batas ang House Bill (HB) No.67 o ang Junior Citizens Act na iniakda ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers upang matulungan umano ang mga kabataan. Lahat ng mga batang edad 0 hanggang 12 anyos na anak ng mga Filipino na hindi tumatataas sa P250,000 ang kanilang income o kita kada taon ang target ng panukala…
Read MoreGERALD, JULIA: KAILAN KAYA MAGSASALITA?
(NI ASTER AMOYO) PATULOY pa ring pinag-uusapan ang “break-up” ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson at ang itinurong dahilan ng paghihiwalay nila ay ang ex-girlfriend at best friend ngayon ni Joshua Garcia na si Julia Barretto. Naging underdog si Bea lalo pa’t wala silang formal break-up ni Gerald na tumigil na lang na makipag-usap at makipagkita sa kanya. Tinawagan umano ni Gerald si Dennis Padilla, ama ni Julia, at inamin umano ng ex-“PBB”-housemate-turned-actor na break na sila ni Bea at nililigawan niya ngayon ang anak nito sa kanyang ex-wife…
Read More