OFW DEPARTMENT UNANG AAPRUBAHAN

cayetano12

(NI BERNARD TAGUINOD) UUNAHIN umanong pagtitibayin ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para maitayo na ang Depatment of Overseas Filipino Wokers o OFW Deparment. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano ukol sa tatlong bagong departamento na nais itatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon. Kabilang sa tatlong bagong departamento na nais itayo ng administrasyon ay Department of Disaster Resilience na tutugon sa problema sa kalamidad at Department of Water para naman maresolbahan ang krisis sa tubig. “Sa OFW Department muna, ito…

Read More

NEGROS KILLINGS SENARYO NG ML SA VISAYAS REGION?

NEGROS ORIENTAL22

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGAMBA ang isang militanteng mambabatas na may gumagawa umano ng senaryo sa Negros Oriental upang maisailalim umano ang Visayas region sa Martial law. Ayon sa katutubong mambabatas na si Eufemia Cullamat, ng Bayan Muna party-list group, sinabi nito na hindi malayong isunod ang Visayas region sa Mindanao na nasa ilalim ngayon ng Martial Law. “Nakalulungkot na mukhang hindi lang Mindanao ang target nilang may Martial law sa bansa pati ang Negros ay mukhang ginagawan ng scenario ng nga ahente ng gobyerno sa pagtindi ng mga patayan doon,”…

Read More

ALDEN BILIB KAY MAYOR ISKO

alden3

(NI RONNIE CARRASCO III) HINDI man aminin ni Alden Richards pero halatang sobra ang pag-hanga niya kay Manila City Mayor Isko Moreno. Nitong Martes ay sorpresang bumisita ang Kapuso actor kasama ang ilan pa nitong co-stars in an upcoming teleserye ng GMA. Bukod sa courtesy call, ipinaalam (as in humingi ng permiso) ni Alden na sa Maynila kukunan ang tatampukan niyang teleserye. Nah, Alden won’t edge out former Manila City Mayor Lito Atienza as host of the afternoon program, “Maynila.” Kung agad matutuloy ang proyekto, ito ang kauna-unahang pagsilip sa…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM TUMAAS SA CRITICAL LEVEL

ANGATDAM

(NI DAHLIA S. ANIN) MULING tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam at naitala ang 162.49 meters ngayong umaga na mas mataas kaysa sa 161.46 meters noong Sabado. Mataas na ito ng mahigit dalawang metro sa critical level nito na 160 meters. Patuloy naman ang pagtaas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon tulad ng La Mesa dam na ngayon ay 73.98 mula sa 73.96 noong Sabado. Ang Ipo dam ay tumaas sa 100.66 meters mula sa 100.65 meters noong Sabado, gayundin ang Ambuklao na mula sa 744.59…

Read More

3,000 RESIDENTE APEKTADO NA SA BATANES QUAKE

batanes44

(NI JG TUMBADO) HALOS pumalo sa tatlong libong indibidwal o nasa 911 pamilya ang apektado ng magkakasunod na paglindol sa lalawigan ng Batanes nitong araw ng Sabado. Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 2,963 katao ang labis na naapektuhan dahil sa serye ng pagyanig bunsod sa naranasang lindol partikular sa bayan ng Itbayat, Batanes kung saan nasa walo ang nasawi at ikinasugat pa ng nasa 60. Patuloy pa rin ang manu-manong maghuhukay sa mga guho sa posibilidad na may makuha pang may…

Read More

PWDs, SENIORS PWEDE NA MAGTRABAHO SA MAYNILA

iskomoreno44

(NI HARVEY PEREZ) HINDI na hadlang ang edad at may kapansanan para makapagtrabahong muli sa Maynila. Ito ay makaraang atasan ni   Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso si Public Employment Services Office Head Fernan Bermejo na kausapin ang management ng  mga fast food chain para  tumanggap ng mga manggagawang  senior citizen at Person with Disabilities (PWDs). “Kayong mga senior, mag-exercise na kayo. Dahil si Fernan Bermejo ay inatasan ko nang tupdin ‘yung commitment natin na tumanggap ang mga Jollibee, McDonald’s, lahat ng food chains ng senior citizen including PWDs,” ani…

Read More

HAMON KAY DU30: CASINO ISUNOD NA IPASARA

(NI BERNARD TAGUINOD) IKINATUWA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan  ng Kongreso ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng uri ng sugal sa bansa kasama na ang pagpapasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit dapat aniyang isama na dito ang mga casino. Ayon kay Cibac party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva, good news aniya ang pagkansela ni Duterte sa permit ng mga Lotto at Small Time Lottery (STL) sa buong bansa dahil maaari na umanong makaiwas ang Pilipinas bilang gambling Center of the World. “Sana pati mga Casinos…

Read More

DEPT. OF DISASTER RESILIENCE NASA KAMAY NA NG SENADO

(NI BERNARD TAGUINOD) NASA kamay na ng mga senador ang desisyon sa pagtatatag ng Department of Resilience dahil tiniyak ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na makakapasa ang panukala ngayong 18th Congress. Ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda ang pahayag sa gitna ng kalamidad sa Itbayat, Batanes na nilindol noong Sabado ng madaling araw na ikinamatay ng walo katao at pagkasugat ng mahigit 60 iba pa. Noong 17th Congress, partikular na noong Oktubre 2018, ay pinagtibay ng Kamara ang nasabing panukala subalit hindi ito inaksyunan ng mga senador kaya…

Read More

2-K LOTTO, STL OUTLETS NAIPASARA; CRACKDOWN, TULOY

lotto44

(PHOTO BY RAFAEL TABOY) UMAABOT na sa mahigit 2,000 lotto at small town lottery ang naipasara ng Philippine National Police kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malawakang korapsion sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). “Umabot na ng 2,000 outlets ang napasara ng PNP kahapon. Wala pa tayong tala kung ilan ang tala ng mga outlets nationwide,” sabi ni Philippine National Police spokesperson Brigadier General Bernard Banac. GRAND TOTAL = 1,780 NPD: Total- 361 CALOOCAN CITY: 215 MALABON CITY: 111 NAVOTAS CITY: 29 VALENZUELA CITY: 6   EPD:…

Read More