(NI HARVEY PEREZ) HINDI pa muna magpo-proklama ngayon araw(Linggo) ng mga nanalong kandidato sa pagka-senador ang Commission on Elections (Comelec). Ito ang nilinaw ni Dir. Frances Arabe, ng Comelec-Education and Information Division (EID), sa isang press briefing dakong 6 ng gabi nitong Sabado sa kanilang canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC). Matatandaan na napaulat na ilang kandidato ang matatag na sa pwesto ang maaaring iproklama ganap na alas-4:00 ng hapon. Sinabi ni Arabe na hindi pa sila handa para magproklama ng mga kandidato dahil kailangan muna nilang matapos ang…
Read MoreAuthor: Jet
LRT 2 TRAINS NAGSALPUKAN: 29 SUGATAN
NAGBANGGAAN ang dalawang train ng Light Rail Transit 2 (LRT 2) sa pagitan ng Cubao at Anonas stations, Sabado ng gabi, ayon sa Light Rail Transit Association (LRTA). May 29 pasahero ang nasaktan at isinugod sa ospital. Ayon sa ilang pasahero, puno ang train patungong Santolan station nang sumalpok sa isa pang train sa riles. Ilan sa mga nabasag na salamin ay nahulog sa ilalim na kalsada. Hanggang hatinggabi ay patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng banggaan, ayon kay Lyn Janeo, LRTA communications officer. 409
Read MoreTAAS-PRESYO NG PETROLYO IPATUTUPAD
(NI ROSE PULGAR) MATAPOS ang dalawang linggong sunod na rollback, magpapatupad na naman ang mga kompanya ng langis sa bansa ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod linggo. Sa abisyo ng ilang insider sa oil industry, ang panibagong dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro. Habang aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin…
Read MorePOWER INTERRUPTION NA NAMAN NG MERALCO
(NI KEVIN COLLANTES) MAGPAPATUPAD na naman ng maintenance works ang Manila Electric Company (Meralco) sa papasok na linggo, na inaasahang magreresulta sa power interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan. Sa paabiso ng Meralco, nabatid na ang maintenance schedule ay nakatakdang isagawa sa loob ng pitong araw o mula Mayo 20, Lunes, hanggang Mayo 26, Linggo. Ayon sa Meralco, apektado nito ang Bel-Air, Guadalupe Viejo at Poblacion sa Makati; Sampaloc at Sta. Mesa sa Maynila; Novaliches, Baesa, Cubao sa Quezon City sa Metro Manila; gayundin ang…
Read MoreREGALO NI KRIS KAY KIM CHIU: CHANEL BAG WORTH P183-K
(NI LOURDES C. FABIAN) ISA si Kim Chiu sa itinuturing ng Queen of all Media na si Kris Aquino as her little sister. Ang Kapamilya star din ang isa sa closest friends of Joshua and Bimby. Kaya naman for her birthday, Kim receives a Chanel bag worth P183K from Kris and sons na may kalakip pang sweet letter from them. Kakaiba talaga si Kris magpakita ng pagmamahal sa kaibigan. Napanatili ni Kim na matatag ang kanilang friendship kahit pa nga umalis na sa Kapamilya network si Kris, she decided to stay beside her and for her through the tough times of…
Read MoreEX-BOC OFFICIAL PINAGMULTA SA ITINAGONG SALN
(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS mag-plead ng guilty at pag amin sa kanyang kasalanan,pinatawan ng P15,000 na multa ng Sandiganbayan ang dating deputy commissioner ng Bureau of Customs dahil sa hindi pagdedeklara ng lahat ng yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth. Si Prudencio Reyes Jr. ay hinatulang guilty sa tatlong kaso ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Sa datos ng kaso nabatid na pumasok sa plea bargaining agreement si Reyes kaya iniurong ng prosekusyon ang kasong falsification laban dito. Lumilitaw na…
Read MorePAGPAPAUWI NG LABOR ATTACHéS SA CANADA PINAG-AARALAN
(NI MINA DIAZ) DAHIL sa hidwaan kaugnay sa tone-toneladang basura, ikinokonsidera ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapabalik na rin sa labor attachés sa Canada. Nauna nang pinabalik ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin ang ambassador at consul ng Pilipinas sa Canada matapos mabigo ang pamahalaan ng Canada na tuparin ang May 15 deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para hakutin ang kanilang mga basura. Ayon kay Bello, kung hindi umano magiging maayos ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa, ikokonsidera na rin nito ang pagpapauwi sa labor attaché na…
Read MoreNO TIME FOR LOVE: MATUTULOG NA LANG AKO – MAYOR VICO
(NI KEVIN COLLANTES) MAS nais pa umano ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto na matulog at magpahinga na lamang sa kanyang libreng oras, sa halip na maghanap ng pag-ibig. Ang pahayag ay ginawa ni Sotto nang matanong sa isang panayam sa telebisyon kung may nobya na ba siya sa ngayon. Sinabi naman ni Sotto na wala pa siyang panahon para sa kanyang love life, lalo na at inaasahang marami siyang kakaharaping problema sa lungsod, sa sandaling tuluyan na siyang manungkulan sa posisyon bilang bagong alkalde ng Pasig City. “Wala talagang…
Read MoreMAGIC 12 POSIBLENG MAIPROKLAMA SA LINGGO
(NI HARVEY PEREZ) MALAKI ang posibilidad na mai-proklama na ngayon araw (Linggo) ng Commission on Elections (Comelec), ang 12 nanalong senador sa natapos na mid-term electons nitong Mayo 13. Ito ay dahil sa nasa 98.08% na ang pumasok na election returns sa Comelec transparency server, dakong alas 9:08 ng umaga ng Sabado. Gayundin, nasa 87.43% na o 146 ng 167 Certificate of Canvas ang nabilang na ng Comelec official tally mula noong alas 7:20 ng gabi ng Biyernes. Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na tentative alas- 4:00…
Read More