ANTIPOLO CITY – Arestado ang isang high value individual (HVI) na ginang makaraang makumpiskahan ng 11 kilo ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City. Ayon ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang suspek na si Maria Victoria Perito y de Guzman, alyas “Mabet”, nakatira sa San Roque, Antipolo, nadakip dakong alas-6:00 ng gabi sa Grand Heights Road, Brgy. San Roque sa lungsod. Nakumpiska sa suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 11 kilos at nagkakahalaga ng P1,320,000, isang cellphone, eco bag…
Read MoreAuthor: admin 2
9 ILLEGAL MINERS ARESTADO SA BULACAN
SIYAM na ilegal na mga minero ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, matapos silang maaktuhan na ilegal na nagmimina ng ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao kamakailan. Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga arestado na sina Victor Sta. Rosa, may-ari at operator ng quarry, mga tauhan na sina Virgilio Cabucoy, Jesus Cabucoy, Pelagio Cuervo, William Lorenzo, William Jocson, Melchor Carida, Jerry Abunda at Jun Pasios. Ayon kay Atty. Julius Victor Degala, hepe…
Read More6 SUNDALO PATAY, 8 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MASBATE
MASBATE – Dead on the spot ang anim na sundalo ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang maaksidente ang sinasakyang military truck sa Brgy. Buenasuerte, sa bayan ng Uson, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi, Oktubre 16. Walong kasamahan din ng mga namatay, ang nasugatan sa insidente. Ayon sa inisyal na ulat ng Bicol PNP, galing sa Barangay Baclay, Milagros, Masbate ang military truck papunta sa kanilang detachment sa Brgy. Paguihaman, Uson, Masbate para mag-deliver ng supplies, nang biglang sumabog ang kaliwang gulong ng kanilang sasakyan na naging…
Read MoreLAS PIÑAS LGU UMANI NG PARANGAL SA MAAYOS NA HEALTHCARE PROGRAMS
KINILALA ng Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa kanyang mataas na kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan. Ang lokal na pamahalaan ay kinilala sa kanyang Outstanding Financial Compliance dahil sa maayos na paggamit ng pondo ng DOH gayundin sa maagap at wastong liquidation nito. Ginawaran din ang Las Piñas City ng Plaque of Appreciation dahil sa suporta nito sa iba’t ibang healthcare programs na nagbibigay ng de-kalidad at abot-kayang health care services na naaayon sa universal health care.…
Read More2 BUNTIS, 1 PA TIMBOG SA P.5-M SHABU
UMABOT sa halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek pasado alas-10:00 ng gabi noong Linggo sa ikinasang operasyon ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, sa pamumuno ni SPD District Director, P/Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft, sa Makati City. Isinagawa ang buy-bust operation ng isang lady police officer na tumayong poseur buyer, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang babae at isang lalaki sa Pateros Street, Barangay Olympia, Makati City. Katuwiran ng dalawang buntis, wala silang hanapbuhay at kailangan nilang kumita para…
Read MoreMANGINGISDA NILIKIDA SA KALSADA
PATAY ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Namatay habang itinatakbo sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Rolando Suangco, 43, ng Brgy. Navotas West, Navotas City. Dakong alas-12:10 ng madaling araw, nakaupo si Suangco sa gutter ng kalsada sa Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat, Malabon nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng isa sa mga ito ang biktima saka tumalilis. Natagpuan sa crime scene ang apat na…
Read MoreOMICRON SUBVARIANT XBB POSIBLENG MAKAPASOK NA SA PILIPINAS
POSIBLENG makapasok na sa bansa ang bagong COVID- 19 Omicron Subvariant XBB, ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante Naniniwala ito na maaaring makapasok na ang bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB sa bansa dahil sa maluwag na polisiya ng pamahalaan sa “border control” at pagpasok ng mga biyahero. Ayon pa rito, hindi maaaring maisantabi na ang patuloy na pagkakatala ng mga bagong kaso kada araw sa bilang na 2,000 ay epekto na ng XBB subvariant. “Hindi natin ma-rule out ‘yan kasi unang-una, ang mga tine-test natin ngayon for sequencing,…
Read MoreCONCEPCION: OFWS MAKIKINABANG SA MALAKAS NA DOLYAR NGUNIT DAPAT MAGING WAIS SA PAMUMUHUNAN
Habang lubhang naaapektuhan ng mahinang piso ang paggastos ng mga mamimili, naniniwala si Go Negosyo founder Joey Concepcion na may kaakibat itong positibong epekto na magtataguyod sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho sa Pilipinas. “Nakikita ng OFWs ang 12 hanggang 13 porsiyentong dagdag sa bawat dolyar na kanilang naiipon,” wika niya sa Laging Handa Public Briefing noong ika-14 ng Agosto. Bukod sa pagpapagaan ng remittance sa hagupit ng malakas na dolyar, maaaring mapakinabangan ang mas mataas na kita para maabot ang pangmatagalang kaunlaran kung mamumuhunan ang Overseas Filipino…
Read MoreSIBUYAS BANTAY-SARADO SA MERKADO, PANTALAN
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bantay-sarado na sa mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) – sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA) – ang anomang tangkang pagpupuslit ng sibuyas sa mga pantalan pinangangasiwaan ng kawanihan. Ayon sa BOC, maging ang mga pamilihang bayan kung saan karaniwang bumabagsak ang mga smuggled onion, minamatyagan na rin anila ng pamahalaan mula pa noong buwan ng Hulyo. Samantala, sinabi naman ni Assistant Secretary Kristine Evangelista na tumatayong tagapagsalita ng DA na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kanilang…
Read More