HINDI na pinatagal ng husgado ang asuntong isinampa ng Bureau of Customs (BOC) laban sa dalawang indibidwal na dinakip sa aktong pag-iingat ng mga pambihirang hayop na ipinuslit mula sa mga bansang Poland at Malaysia nito lamang nakaraang taon. Sa kalatas ng tanggapan ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), magkahiwalay na hinatulang “guilty” ng Pasay City Metropolitan Trial Court ang dalawang personalidad na hindi pinangalanan, para sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) and Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).…
Read MoreAuthor: admin 2
DOE AT BOC SANIB-PWERSA KONTRA POWER RATE HIKE
SA hangaring maging bahagi ng solusyon sa kinahaharap na krisis sa ekonomiya, nagsanib-pwersa ang dalawang ahensya para maiwasan ang pagsipa sa presyo ng enerhiyang mula sa inaangkat na karbon mula sa ibang bansa. Sa isang pulong-balitaan, kapwa kinatigan ng Department of Energy (DOE) at Bureau of Customs (BOC) ang pagbabago sa umiiral na sistema – partikular sa pagkukwenta ng buwis (valuation) na kalakip ng imported coal na karaniwang ginagamit ng mga plantang lumilikha ng kuryente sa iba’t ibang panig ng bansa. “The BOC has to use the transactional value, not…
Read MoreBAGONG SANGAY NILIKHA KONTRA GUN SMUGGLING
SA hangaring tutukan at tuluyang wakasan ang operasyon ng mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga baril at pampasabog, isang bagong tanggapan ang nilikha ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz – ang Customs Firearms and Explosives Unit (CFEU). Sa bisa ng nilagdaan ng Customs Memorandum Order 27-2022, nakatakda ring bumalangkas ang ahensya ng mga polisiya at panuntunang alinsunod sa Republic Act 10592 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions and Providing Penalties for Violation Thereof). “The CFEU is an ad interim unit that will effectively monitor the importation and…
Read MoreMalamang sumobra pa P721B TARGET KAYANG-KAYA!
WALANG nakikitang dahilan ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) para hindi malampasan – o maabot man lang ang itinakdang P700-B target collection sa pagsasara ng taong kasalukuyan. Para kay BOC Operations Chief Arnaldo Dela Torre na tumatayong tagapagsalita ng ahensya, kayang-kaya ng kagawarang bunuin ang P83 bilyon o higit pa hanggang sa pagtatapos ng 2022, lalo pa’t maganda ang ipinamalas ng 17 BOC district collection offices mula Enero hanggang Setyembre. Ayon kay Dela Torre, higit pa sa nakatakdang buwanang target ang naitala ng ahensya sa nakalipas na buwan –…
Read MoreEX-AIR FORCE NAHULOG SA BALON, PATAY
QUEZON – Patay ang isang retiradong miyembro ng airforce matapos na mahulog sa balon habang umiigib ng tubig sa Barangay Sumulong, sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Calauag Police ang biktimang si Edgardo Caguimbal, 54-anyos. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:20 ng umaga, nakita na lamang ng kanyang pamilya ang biktima na nasa ilalim ng balon, hindi kalayuan sa kanilang bahay. Wala na itong buhay at hindi na naisugod sa ospital. Ayon sa misis nito, huling niyang nakitang buhay ang kanyang mister…
Read MoreNasagasaan tinakbuhan 2 TRAFFIC ENFORCER, TIMBOG
CAVITE – Natunton ang kinaroonan ng dalawang traffic enforcer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto makaraang takbuhan ang kanilang nasagasaan sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kasong paglabag sa RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code) at PD 1829 (Obstruction of Justice) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Arabelle Sugnan y Yringan, at Abel Sugnan y Yringan, kapwa traffic enforcer. Ayon sa ulat ng Bacoor City Police, alas-12:05 ng gabi noong Sabado nang mangyari ang insidente sa Zapote Road, Brgy. Zapote 1, Bacoor City. Bumaba umano mula sa isang…
Read More5 HVT PATAY SA PNP OPS SA SULTAN KUDARAT
LIMANG itinuturing na most wanted at notorious drug personalities ang napaslang ng mga tauhan ng Philippine National Police sa isinagawang law enforcement operation sa Sitio Mapayag, Lambayong, Sultan Kudarat. Ayon sa ulat, nasa limang high value target ang napatay sa isinagawang police operation noong nakalipas na linggo. Ayon kay Maj. Jenahmeel Tonacao, ng Lambayong PNP, isang joint law enforcement operation ang inilunsad ng magkasanib pwersa mula sa Lambayong MPS, PDEA12, Sultan Kudarat Police Drug Enforcement Unit (KPDEU), 1st Sultan Kudarat Police Mobile Force Company (KPMFC), Regional Special Operation Group (RSOG), Regional Intelligence Division, 1202nd…
Read MoreLaguna PNP strikes again – P/Col. Silvio 22 WANTED PERSONS HULI SA WARRANT DAY OPERATION
INIULAT ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa 22 akusado sa loob ng isang araw na “Warrant Day” operation ng Laguna PNP noong Oktubre 13, 2022. Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipatutupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng mga komunidad at Barangay Intelligence Network (BINs) sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna. Sa kabuuan, nagsagawa ng 22 operasyon ng warrant…
Read MoreBUONG PWERSA NG MPD PLANTSADO NA SA UNDAS
BUONG pwersa ng Manila Police District ang plantsado na ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon para sa pagbibigay ng seguridad sa paggunita ng Todos Los Santos (Undas) sa Nobyembre 1. Bilang paghahanda sa Undas, seguridad ang unang prayoridad ni General Dizon para sa mga gugunita sa mga yumao sa Nobyembre 1, kaya ang buong puwersa ng pulisya ay itinalaga sa loob at labas ng apat na sementeryo sa Manila. Dahil dito, nasa mahigit isang libong pulis ang ikakalat sa loob at labas ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery,…
Read More