P680K SHABU NASABAT SA TRIKE DRIVER

BATANGAS CITY – Kalaboso ang isang 34-anyos na tricycle driver makaraang mahulihan ng P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Balagtas sa lungsod na ito. Arestado si John Christopher Abulencia y Oliver, 34, residente ng Blk. 3, Lot 5, Console 1, Pisces St., Brgy. San Lorenzo Ruiz, San Pedro, Laguna. Batay sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng mga miyembro ng Office of the Provincial Director Drug Enforcement Unit (OPD-DEU), at Batangas City Police Station dakong alas-7:45 ng gabi noong Sabado…

Read More

3 TODAS SA AKSIDENTE SA BATANGAS

BATANGAS – Tatlo ang patay sa dalawang magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo at dalawang truck sa lalawigang ito, noong Sabado. Unang namatay sa aksidente sa Brgy. Manghinao Proper, sa bayan ng Bauan ang 21-anyos na si Raeniel Garcia, isang production operator. Sa report ng Bauan Police, dakong alas-1:45 ng madaling araw, minamaneho ng biktima ang kanyang Suzuki motorcycle sa national highway nang sumalpok ito sa kaliwang bahagi ng kasalubong na Freightliner trailer truck na minamaneho ni Joel Nayre, residente ng Masambong, Quezon City. Tumilapon ang biktima at ang backrider…

Read More

CPP-NPA CAMP NAKUBKOB, MGA ARMAS NASAMSAM

SURIGAO DEL NORTE – Nakubkob ng mga tauhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion ng Philippine Army ang pinagkukutaan ng mga teroristang New People’s Army (NPA) kasunod ng ilang minutong bakbakan sa liblib na lugar sakop ng Barangay Pungtod sa bayan ng Bacuag sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-6:45 ng umaga nang masabat ng 30th Infantry Battalion ang mga armadong kasapi ng communist terrorist group habang nagsasagawa ng combat security patrol matapos na makatangap ng sumbong hinggil sa presensya umano ng teroristang grupo ng NPA na…

Read More

3 SUNDALO SUGATAN SA SAGUPAAN SA SULU

SUNDALO-8

SULU – Tatlong sundalo ang nasugatan nang makasagupa ng mga tauhan ng 100th Infantry Battalion ng  Joint Task Force (JTF) Sulu ang isang grupo ng mga teroristang Abu Sayyaf (ASG) sa Barangay Tumatangis sa bayan ng Indanan sa lalawigang ito. Ayon kay  Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, commander ng  Joint Task Force (JTF) Sulu at 11th Infantry “Alakdan” Division,  “Based on a report submitted by Col. Giovanni Franza, commander of the 1102nd Infantry Brigade, operating troops of the 100th Infantry Battalion received information of ASG bandits presence near the community. While…

Read More

BADING PATAY SA BUGBOG NG 4 TOTOY

patay

BATANGAS – Namatay ang isang miyembro ng LGBTQ matapos na pagtulungang bugbugin ng apat na menor de edad na lalaki sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Malvin Araja, kilala sa mga alyas na “Marga”, “Janine” at “Eva”, umano’y isang bading. Batay sa report ng Taal Police Station, nakasagutan ng biktima ang apat na menor de edad na sina Gander, 16; Ram Rein, 15; Jayvee, 15, at Mark John, 16, pasado alas-dose ng madaling araw sa Brgy. Zone 5, sa nasabing bayan. Binugbog umano ng…

Read More

P33 WAGE HIKE SA NCR LALAMUNIN LANG NG PHILHEALTH

MAPUPUNTA lang sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang idadagdag na sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) kapag hindi inatras ang premium hike. Ito ang pahayag ni House assistant minority leader Arlene Brosas kaugnay ng ipatutupad na pagtataas sa kontribusyon sa susunod na buwan. “Nasa P400 hanggang P3,200 ang bagong kaltas sa sahod nyan, at lalamunin lang nito ang dagdag sahod na P33 kada araw sa NCR,” ayon sa lady solon. Dahil dito, kailangan aniyang ipagpaliban ang dagdag na singil ng PhilHealth sa mga miyembro upang…

Read More

PARAMILITARY IDE-DEPLOY SA NEW CLARK CITY

NAKATAKDANG mag-deploy ng mga sundalo at paramilitary ang Northern Luzon Command sa dine-develop na 9,450 hectares New Clark City para matiyak na walang magiging sagabal dito at mapanatili ang katahimikan sa lugar sa susunod mga taon. Ito ay makaraang hilingin ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang tulong ng Philippine Army sa pangangalaga ng itinatayong bagong metropolis sa gitnang Luzon. Dahilan kaya muling pumasok ang BCDA sa isang memorandum of agreement sa panig ng militar upang masustinahan ang nauna nilang ugnayan hinggil sa peace and order. “Recognizing the need to ensure…

Read More

ABU SAYYAF NASABAT SA NAIA

NASABAT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang umano’y miyembro ng Abu Sayyaf Group na pinaniniwalaang kasama sa pagsalakay at pagkubkob ng simbahan, ospital, at mga pasyente sa bayan ng Lamitan noong taong 2001. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Omar Bin Harun, 52-anyos, at na-intercept noong May 10 ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Anti-Terrorist Group (AG) sa arrival area ng NAIA terminal 2. Si Omar ay lulan ng Philippine Airlines flight (PAL) galing sa Kuala Lumpur, gamit ang fraudulently acquired Malaysian passport, nang ma-intercept…

Read More

1K sumbong natanggap ng Comelec WALANG VOTE-BUYING PROBE KUNG WALANG GUSTONG TUMESTIGO

WALANG ilulunsad na imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa mahigit 1,000 sumbong ng vote-buying na natanggap kaugnay ng nakalipas na halalan. Ang dahilan – walang naglakas-loob na humarap sa komisyon para magpatunay sa mga alegasyon. Pag-amin ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino, nakapagtala ang kanilang Anti-vote-buying task force na ‘Kontra Bigay’ ng hindi bababa sa 1,000 sumbong. Gayunpaman, walang kalakip ng ebidensya at testimonya ang mga alegasyon. “Many of the reported vote buying incidents na dinulog doon, takot naman mag-testify, o walang witness, o walang ebidensya,” ani Ferolina. Hindi rin…

Read More