QUEZON – Patay ang isang lalaki at isang babae sa pamamaril ng hindi kilalang mga suspek sa gilid ng highway sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Batay sa report ng Tiaong Police, nakasakay ang hindi pa nakikilalang mga biktima sa nakahintong motorsiklo sa terminal ng tricycle sa Maharlika Highway at Tiaong-San Juan Road sa Barangay Talisay, at tila may hinihintay dakong alas-3:30 ng umaga. Ayon sa witness, biglang dumating ang mga suspek at nagbunot ng baril. Nakatakbo pa at humingi ng tulong ang dalawa sa…
Read MoreAuthor: admin 2
12 SENADOR IPOPROKLAMA NGAYONG MIYERKOLES
TULOY na ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 12 nanalong senador ngayong Miyerkoles subalit hindi pa matukoy ang final ranking habang nakabinbin ang resulta ng espesyal na halalan sa Lanao del Sur sa Mayo 24. Ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga senador ay ipoproklama batay sa bilang ng kanilang boto. “There will be no standing or ranking in the meantime since we will wait for the completion of Lanao del Sur [special polls],” sabi ni Laudiangco sa press briefing. Aniya, ang Comelec ay gumawa na ng…
Read MoreTIMBANGAN NG BAYAN BATAS NA
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatatag ng Timbangan ng Bayan centers sa public at private markets para protektahan ang mga mamimili mula sa mapanlinlang at “unfair sales acts and practices.” Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang RA 11706, noong Abril 13, nag-aamyenda sa Chapter II, Title III ng RA 7394 o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines. Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ng Article 62-A ang lahat ng provincial, city, at municipal governments na magtayo ng accessible Timbangan ng Bayan Centers sa lahat ng…
Read MoreP2.4-M DROGA NASABAT SA CAMANAVA
LAGPAS sa P2.4 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska, habang 233 naman ang isinelda, at tatlong children in conflict with the law (CICL) ang nasagip sa kampanya ng pulisya kontra droga at kriminalidad mula Mayo 3 hanggang 16 sa hilagang bahagi ng Metro Manila. Umabot sa 356.83 gramo ng shabu na may presyong P 2,426,444 at 10 gramo ng marijuana na may halagang P1,200 ang nasamsam sa 29 na operasyon kontra droga sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA). Kabilang sa mga hinuli ang 49 durugista, 67 sugarol,…
Read More‘FAILURE OF ELECTION’ INILUTANG SA MAYNILA
NAKIISA ang libong Manilenyo sa ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago nitong Sabado (May 14). Sinamantala ng mga tagasuporta ang pagkakataon upang iparating ang kanilang pagkadismaya sa resulta ng nakalipas na halalan dahil para sa kanila ay si Atty. Alex Lopez ang tunay na nanalong alkalde ng Maynila. Nabatid na dumarami ang nananawagan na ipaglaban ang panalo ni Atty. Alex. Naniniwala sila na dinaya sila dahil marami umanong nilabag na batas ang kabilang kampo noong nakaraang halalan. Ayon sa isang eksperto, “statistically improbable” ang resulta ng halalan sa Maynila. Marami rin…
Read MoreSa pag-upo bilang ika-17 Pangulo PANGAKO TUTUMBASAN NG GAWA – BONGBONG
SA napipintong pag-upo bilang ika-17 Pangulo ng bansa, tiniyak ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutumbasan niya ng katuparan ang pangakong binitawan noong panahon ng kampanya. “Hindi namin kayo bibiguin,” ani Marcos sa kanyang mensaheng idinaan sa isang pre-recorded video na inilabas sa YouTube channel. “Sa 31 milyong Pilipino pong nagtiwala at itinaya ang kanilang suporta sa UniTeam ay hindi po masukat ang pasasalamat namin ni Inday Sara. Hindi sapat ang mga salita upang ipaabot sa inyo kung gaano kami nagpapasalamat,” dagdag pa ng pambato ng Uniteam. Kabilang…
Read MoreEKONOMIYA GAGANDA SA BBM ADMIN – CEPA
KUMPIYANSA ang Chinese Enterprises Philippines Association (CEPA) na gaganda ang takbo ng ekonomiya sa bansa sa pagpasok ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. “We believe the favorable policies and development plan for its people will progress through the new government because that is what the Filipino people are expecting and looking forward to,” pahayag ni CEPA President Deng Jun. Ayon sa CEPA, tiwala silang mas gaganda pa ang bilateral relations ng Pilipinas at China mula sa nagdaang anim na taon. Patunay nito ang biglang paglobo ng bilang…
Read MoreBONGBONG HANGA SA POLL WATCHERS, GURO AT VOLUNTEERS
ISANG linggo matapos ang makasaysayang May 9, 2022 elections, buong kababaang-loob na pinasalamatan ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang daang libong mga guro, poll workers at mga volunteers na nagsakripisyo upang maging mapayapa, tapat, maayos at kapani-paniwala ang nakalipas na halalan. Ayon kay Marcos, kahanga-hanga ang ipinakitang kabayanihan ng lahat ng mga guro, volunteers at mga poll watchers na itinaya ang kanilang mga sarili matiyak lamang na magiging maayos ang nagdaang eleksyon. Maliban sa kanila, sinasaluduhan din ni Marcos ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed…
Read MoreSupporters ni Robredo tuloy sa paninira kay BBM VICTORY PARTY SA AMANPULO FAKE NEWS
WALANG katotohanan ang mga umiikot sa social media na ipinasara ng kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang Amanpulo resort sa Palawan para sa kanilang victory party. Agad naglabas ng paglilinaw si Katrina Razon, anak ng multi-billionaire na si Ricky Razon, matapos pag-usapan ng mga netizen ang ‘magarbo’ umanong victory party. Ayon sa tweet ni Katrina gamit ang Twitter account na @KatrinaRazon, walang katotohanan ang ipinapakalat na balitang ipinasara ni Marcos ang Amanpulo para sa victory party. “Claims of a buyout and victory party at Amanpulo are false.…
Read More