QUEZON – Paglalamayan na rin ang isang lalaking nakikipaglamay lamang sa pinaslang na kaibigan na isang barangay official, matapos ratratin ng hindi kilalang mga suspek ang pinaglalamayang lugar sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Mark Ellizer Magsino, 34, taga Brgy. Sampaguita, Lipa City, Batangas habang sugatan si Leo Mendoza, residente ng Barangay Bolbok sa nasabi ring lungsod. Batay sa report ng Sariaya Police, bandang alas-11:30 ng gabi, naglalaro ng baraha ang mga biktima sa isang lamesa sa lamay ng…
Read MoreAuthor: admin 2
MAGKAANGKAS, SUGATAN SA MOTOR VS MINIBUS
CAVITE – Kapwa inoobserbahan sa ospital ang magkaangkas sa isang motorsiklo nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang pampasaherong minibus sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa San Pedro Calungsod Hospital ang mga biktimang sina Jocel Salazar Ledesma, 31, ng Brgy. Julugan 1, Tanza, Cavite, at Maria Yzzele Cargullo y Vejerano, 29, ng San Rafael 3, Noveleta, Cavite. Kinilala naman ang driver ng Isuzu minibus na may plakang DXE 303 na si Leonardo Balla Buen, 63, ng Brgy. Salcedo 2, Noveleta, Cavite. Ayon sa…
Read More2 PATAY, 25 SUGATAN SA ROAD MISHAP
ILOILO – Patay ang dalawang lalaki habang 25 iba pa ang nasugatan, dalawa rito ang nasa kritikal pang kalagayan, matapos ang salpukan ng isang 10-wheeler truck at jeep sa Brgy. San Vicente, sa bayan ng Leganes sa lalawigang ito nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat ng Iloilo PNP, kinilala ang dalawang namatay sa insidente na sina Limuel Magbanua, 36, at Rene Consular, 45, parehong nakatira sa Brgy. Tamu-an, Janiuay, Iloilo at sakay ng nabanggang jeep. Habang inoobserbahan sa pagamutan sina Carren Cava-is at Ricca Parpa, ng nasabi ring barangay,…
Read More2 NASAKOTE NG CIDG SA SANGLA-KOLEKTA SCHEME
ARESTADO ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit – NCR ang dalawa katao na sangkot sa “sangla kolekta” scheme sa Pasay City noong Biyernes. Nabatid sa ulat ni ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Jeanette de Leon y Delos Poyos, 43, jobless, ng Guadalupe Viejo Makati City, at Anna Carmela Poral, 37, corporate secretary at residente ng San Antonio Valley Paranaque City. Habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang dalawa pang umano’y kasabwat…
Read MoreILEGAL E-SABONG NAGLIPANA – PAGCOR
MATAPOS suspindehin ng pamahalaan ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa, naglipa naman ngayon ang ilegal online sabong. Ayon kay PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, namonitor nila na naglabasan muli ang ilegal e-sabong matapos suspindehin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang umano sa mga namamayagpag na ilegal online sabong website ang pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet. Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspinde ang operasyon ng online sabong ay mag-i-illegal operation ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon para…
Read More2 TIMBOG SA P.3-M SHABU
DALAWANG hinihinalang tulak umano ng ilegal na droga ang nakumpiskahan ng P.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Sabado sa Caloocan. Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Ben Bisnar alyas “Venzon,” 37, ng Libis Talisay, Brgy. 12, at Jeffrey Estallo alyas “Pilay,” 31, ng PNR Compound, Brgy. 73. Nasakote ang dalawa sa basketball court sa Julian Felipe St., Brgy. 8, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang paiskorin ng P2,500 halaga ng shabu ang isang undercover cop. Nasamsam sa dalawa ang sa 40 gramo ng umano’y shabu na…
Read MoreSa ilegal na pagbebenta ng LPG 2 ARESTADO, 2 PA TINUTUGIS NG CIDG
DALAWA katao ang dinakip habang dalawa pa ang pinaghahanap ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit – NCR kaugnay sa paglabag sa BP 33, RA 8293 at RA 11692 sa Parañaque City. Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo DC Cruz, kinilala ang dalawang naaresto na sina Joy Relucio Salari, cashier ng sinalakay na Lyx LPG Express sa Zone 1, Sta. Ana, Brgy. Sun Valley, Parañaque City; at Roque Frando Belo, manager/cashier ng…
Read MoreSNATCHER NASUKOL NG PARAK
MAKARAANG mahablot ang cellular phone ng isang 36-anyos na binata habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep, agad nadakip ang suspek ng isang pulis na namataan ang insidente habang nagpapakarga ng gasolina sa isang gasoline station sa Sta. Ana, Manila noong Biyernes ng hapon. Hindi nakapalag nang posasan ang suspek na si Eljean Cardaño, alyas “Ging-Ging”, binata, ng Punta, Sta. Ana, Manila. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Warrant and Subpoena Section, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila.…
Read MoreARMADO NG SUMPAK SWAK SA KARSEL
SWAK sa karsel ang isang lalaking namasyal habang may dalang sumpak sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda ang suspek na si Cresencio Tismo y Castro, 46, ng Barangay 134, Bagong Barrio, ng lungsod. Inaresto ang suspek sa Ponce St., Barangay 134, Bagong Barrio, dakong alas-6:50 ng gabi noong Mayo 10 matapos may magnguso sa mga parak na may isang armadong lalaking palakad-lakad sa nasabing lugar. Pagresponde ng mga parak ay nabulaga si Tismo na kinasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition in relation to the Omnibus Election Code makaraang nakumpiska…
Read More