NASAKOTE ng mga parak ang isang lalaking wanted sa kasong attempted murder sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City. Swak sa hoyo ang suspek na si Vincent Revidad y Delos Angeles, 20, residente ng Alupihang Dagat, Barangay Longos, ng lungsod. Dinakip mga alagad ng batas na armado ng warrant of arrest ang suspek na si Revidad dakong alas-11:40 ng umaga noong Mayo 12 sa Alupihang Dagat, Barangay Longos. Hindi na nakaporma ang suspek nang daluhungin ng mga parak at animo ay napiping kuting nang bitbitin sa presinto. (ALAIN AJERO) 145
Read MoreAuthor: admin 2
MAY PAGMAMAHAL SA BANSA, PINAKAMAHALAGANG KATANGIAN HINAHANAP SA GABINETE NI BBM
NASA proseso na nang paghahanap ang kampo ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ng pinakamagaling at pinaka-qualified na opisyal na hahawak ng ibat-ibang posisyon sa gabinete ng papasok na administrasyon. Kasabay nito, iginiit ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos, na ang pinaka-importanteng hinahanap nila sa isang aplikante ay ang pagmamahal sa bansa ng mga aplikante. “Apart from being competent and qualified, of course yung sinasabi ko kahapon pa ay yung may pagmamahal sa bansa, yung kinikilala ang watawat ng Republika ng Pilipinas, yung rumerespeto sa…
Read MoreHULING HIRIT KONTRA DROGA
SA kabila ng nakaambang kastigong banta ng International Criminal Court (ICC), nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong pakikidigma ng kanyang administrasyon laban sa kalakalan ng mga ipinagbabawal na gamot. Aniya, nais niyang magpatumba ng tatlo hanggang limang drug lord bago siya tuluyang bumaba sa pwesto. Wala rin aniya siyang pinagsisihan sa kanyang polisiya kontra illegal na droga. Ang totoo, dapat lang naman talagang iwaksi ang droga sa lipunan. Subalit hindi dapat limitado sa mga pipitsuging kriminal ang kampanya ng pamahalaan. Kung nais ng Pangulo na tuldukan ang kalakalan ng…
Read MorePAG-ABOLISH SA PARTY-LIST, PANAHON NA?
NOONG 1995, pinirmahan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang Republic Act 7941 o Party-List System Act para magkaroon ng kinatawan ang mga marginalize sector sa Kongreso. Kasama ang party-list system sa nabuong 1987 Constitution na ang orihinal na layun nito ay magkaroon ng representasyon ang mga community sector at iba pang grupo tulad ng labor, magsasaka, urban poor, katutubo, kababaihan, kabataan, at iba pang sektor maliban sa religious sector. Pinaglaanan ng 20% seat ang party-list group sa Kongreso at kailangan lang nilang makakuha ng 2% votes sa cast vote para…
Read MorePAGBAGSAK NG PINAS SA ASEAN INVESTMENT, ISINISI SA PANALO NI BBM?
IBANG klase talaga itong mga tao na ayaw tumanggap ng pagkapanalo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,(BBM), pati ba naman ang pagbagsak ng Pilipinas sa listahan ng ASEAN investment ay isinisisi nila sa batang Marcos. Kundi ba naman mga ungas! Itong mga nakaka-high blood na walang mga kwentang tao na lahat na lang ng negatibo ay ibinabato nila kay BBM. Ayan, nagsabi na ang American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian na…
Read MoreABOLISYON NG PARTY-LIST, DAPAT LANG!
NANG isabatas ang Republic Act 7941 (Party-list System Act) noong taong 1995, layon nitong bigyan ng tinig ang mga abang sektor ng lipunan sa Kongreso – mga obrero, magbubukid, mangingisda, maralitang tagalungsod, katutubo, senior citizens, kabataan, may kapansanan, kababaihan, beterano ng digmaan, mga manggagawang Pilipino na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat at mga propesyonal. Bagama’t mayroon din namang tunay na kumakatawan sa kanilang sektor na kinabibilangan, higit na marami ang naging kongresista gamit ang mga sektor na hindi naman nila kinabibilangan. Ang totoo, marami sa kanila’y mula sa malalaking angkan sa…
Read MoreNANALONG SENADOR IHAHAYAG SA LINGGO
NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 pinalad manalo sa posisyon ng senador sa Linggo, Mayo 15,2022. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, inaasahang matatapos ang canvassing ng mga botong kalakip ng nalalabing 52 Certificates of Canvass sa Biyernes. Bukod sa mga senador, plano aniya ng komisyong iproklama na rin ang ilan sa mga partylist groups na nakapagtala ng higit pa sa 2% na botong hudyat ng kanilang pagkapanalo. “Kung magkakaganon, hindi po siguro lalagpas ng Linggo, makakapag proklama na tayo ng ating nanalong senador at siguro nga…
Read MorePULIS NA GUILTY SA KASO MID-YEAR BONUS TABLADO
WALANG matatanggap na mid-year bonus ang lahat ng pulis na nahatulan sa mga kasong administratibo at criminal. Pahayag ito ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Ltgen Vicente Danao Jr., matapos i-release ang P7.3 bilyong alokasyon para sa mid-year bonus ng mahigit 222 libong tauhan ng pambansang pulisya. Ang nasabing halaga ay mula sa regular appropriation ng budget ng PNP para sa taong kasalukuyan. Nilinaw ni Lt Gen. Danao na hindi kasama sa mabibigyan ng bonus ang mga tauhan nila na nahatulan ng “guilty” sa administratibo o kriminal na…
Read MoreLEGARDA PASADONG MAGING SENATE PRESIDENT
SA gitna ng mga pag-uusap sa posibleng susunod na Senate President sa pagpasok ng bagong administrasyon, dumarami ang naniniwala na ang pinaka kwalipikado ay ang nagbabalik sa Senado na si Deputy Speaker Loren Legarda. Bagama’t walang pahayag kung interesado si Legarda sa posisyon ay marami na ang naggigiit na siya ang pinaka-angkop na maging lider ng Senado sa 19th Congress. Ito ay dahil si Legarda ay matalino, may karisma, may leadership at masipag magtrabaho. Bukod dito, si Legarda ang pinaka-senior sa magiging bagong komposisyon ng Senado bilang three term senator, natatanging…
Read More