VAN TUMALON SA BANGIN, 8 SUGATAN

QUEZON – Walong pasahero ang sugatan nang isang L300 van ang mahulog sa bangin sa Maharlika Highway, Barangay Lungib sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, dakong alas-10:00 nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa report ng MDRRMO Calauag, galing Bicol ang van at pabalik sa Antipolo City nang dumiretso ito sa bangin sa pakurbang bahagi ng highway. Kabilang sa mga sugatan ay mga bata. Mabilis namang silang nasagip. Maswerteng walang dumanas ng grabeng pinsala sa katawan. Ilan sa mga nasugatan ay isinugod sa pagamutan sa bayan ng Calauag. Ayon sa…

Read More

PAF TRANSPORT PLANE NAG-EMERGENCY LANDING

NAPILITANG magpatupad ng emergency landing procedures ang piloto ng isang turbo prop light transport plane ng Philippine Air Force kahapon ng umaga nang biglang sumabog ang gulong nito sa Laoag International Air Port sa Ilocos Norte. Ayon kay Air Force Public Affair Office chief, Col. Maynard P. Mariano, ligtas lahat ang limang sakay ng eroplano nang sumadsad ito sa nasabing paliparan bandang alas-10:32 ng umaga. Sa inisyal na ulat, sumabog umano ang gulong ng Indonesian made Turbo Prop NC212i with tail Nr 2119 habang nagsasagawa ng routinary landing roll sa…

Read More

5 DRUG PUSHERS TIKLO SA NAVOTAS

BAGSAK sa kulungan ang limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Ayon kay Malabon police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, ng buy-bust operation sa C-4 Road, Brgy. Taňong. Agad dinamba ng mga operatiba sina Remy Fernando alyas “Tikang”, 44, (pusher listed); Alvin Aguillon alyas “Amben”, 38,…

Read More

2 empleyado ng city hall timbog BIG BIKE, NINAKAW SA IMPOUNDING AREA

NAHAHARAP sa kasong carnapping ang dalawang empleyado makaraang tangayin ang isang big bike na nasa impounding area ng Traffic Unit sa Makati City. Bukod sa carnapping, nahaharap din sa kasong obstruction of justice na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI)  sa Office of the Ombudsman ang mga suspek na sina Anselmo Atienza, dating officer-in-charge ng Impounding Unit, at nakatalaga sa Makati City-Public Safety Department (PSD), at Reynaldo Ponce, nakatalaga naman sa Makati City-General Services Department. Batay sa ulat na ipinarating kay NBI OIC-Director Eric Distor, dumulog sa kanilang tanggapan ang may-ari ng Honda…

Read More

Bet and Win Gaming Corp. Inks Contract with PCSO

Photo shows, actual contract signing led by PCSO Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma (middle), together with Renel S. Bernaldo (wearing blue and red polo shirt), President, Bet and Win Gaming Corp., and Enrico S. Malang, Corporate Secretary, Bet and Win Corp. (Right) Mandaluyong City. In expansion of the agency’s fund generation, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma led the contract signing between the PCSO and Bet and Win Gaming Corporation represented by their President, Mr. Renel S. Bernaldo and Corporate…

Read More

COVID-19 SURGE ASAHAN NGAYONG BUWAN

covid

BABALA ng isang infectious disease expert, asahan ang muling paglobo ng kaso ng mga positibo sa nakamamatay na sakit bunsod ng pagdagsa at pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa katatapos pa lang na 2022 general elections. Panawagan sa publiko ni Dr. Rontgene Solante, na tumatayong miyembro ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH), maging mapagmatyag lalo pa’t tatlong ulit na mas nakakahawa umano ang mga Omicron sub variants na nakikitang dahilan sa muling paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Estados Unidos at South Africa. “Sa dami ng superspreader…

Read More

PASAWAY, TINADTAD NG SAKSAK NI TATAY

LUCENA CITY – Sugatan ang isang 22-anyos na binata matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang tatay sa kanilang inuman sa Lucena City nitong Huwebes ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Jony Abenoja Tamayo, pedicab driver, residente ng Barangay Dalahican. Batay sa report ng Lucena City Police, dakong alas-11:30 ng tanghali, nasa kasagsagan ang inuman sa kanilang bahay dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ng biktima nang makasagutan nito ang kanyang tatay na si Eladio Tamayo, 56-anyos, isa ring pedicab driver. Sa tindi ng galit, tuluyang nagwala ang anak, naglabas ng kutsilyo…

Read More

Hirit ng BARMM sa Comelec TAKE 2 SA 3 BAYAN SA LANAO

TATLONG bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur ang kailangan magdaos ng isang special election bunsod ng mga karahasang naganap sa mismong araw ng halalan. Sa rekomendasyong inihain ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Deputy Director for Operations Teopisto Elnas, kinatigan ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagang ideklara ang “failure of election” sa mga bayan ng Tubaran, Binidayan at Butig kung saan hinarang umano ng mga politiko ang pagpasok ng mga balota patungo sa itinakdang polling places. Naitala rin ang insidente ng pagwasak ng vote counting machines…

Read More

PAGBUWAG SA PARTY-LIST SYSTEM IPINASA NI PDU30 SA BBM ADMIN

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na administrasyon na kaagad simulan ang proseso ng pag-amiyenda sa Saligang Batas na may rekomendasyon na i-abolish ang party-list system. Para sa Pangulo, sobra itong inabuso ng makakaliwang grupo. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat nang trabahuhin ng susunod na Pangulo ng bansa ang Charter change (Cha-cha) upang sa gayon ay hindi mabigyan ng impresyon ang publiko na nakikipagtunggali sila para sa panibagong termino. “Kung sino ang mag-presidente ngayon na papasok, it could…

Read More