Solon sa planong paglusaw sa party-list system MARGINALIZED SECTOR DEHADO

TUTOL si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes na buwagin ang party-list system sa bansa tulad ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit, paglilinaw agad ni Ordanes, pabor siya na masuri ang sistema at kung may magiging sapat na basehan ay magkaroon ng reporma. Katuwiran ng mambabatas, kapag binuwag ang party-list system, madedehado ang marginalized sector ng lipunan dahil mawawalan sila ng representasyon sa mababang kapulungan ng Kongreso. Dagdag pa nito, tulad ng mga nakatatandang populasyon ng bansa na siya ang kumakatawan at boses sa Kamara. Binanggit din niya ang…

Read More

PAGBAGSAK NG PINAS SA ASEAN INVESTMENT LIST NILINAW NG J.P. MORGAN

NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9. Sa isang pahayag, nilinaw ni Patricia Anne Javier-Gutierrez, Executive Director, Philippines Heads of Communications, J.P. Morgan, na mali ang ulat ng ilang media na ang pagbagsak ay dulot umano ng resulta ng eleksyon. “Our views on the Philippines are driven by long term global and local macroeconomic…

Read More

Comelec hindi nagpatinag HULING HIRIT SA DINISMIS NA DQ VS BBM, BINASURA

TULUYAN nang tinuldukan ng Commission on Elections (Comelec) ang inihaing apela ng isang petitioner kaugnay ng isang hiling na ideklara nuisance candidate si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos. Sa resolusyong inilabas ng poll body, ibinasura ng Comelec en banc ang motion for reconsideration na inihain ng isang Danilo Lihayhay dahil sa kabiguan nitong makapaglahad ng bagong ebidensya at argumentong kalakip ng isinumiteng apela sa kasong una nang napagpasyahan ng komisyon noong Disyembre ng nakalipas na taon. “WHEREFORE, in view of the foregoing, the Commission (en banc) DENIES Respondent’s Motion for…

Read More

PILIPINAS MAY 2 GOLDS NA

MAYROON nang dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ang pangalawang ginto ng bansa ay mula kay Jack Escarpe sa men’s -73kg category sa kurash, Biyernes. Maliban sa gold medal, ang national kurash team ay mayroon na ngayong three silver at three bronze medals. Ang kauna-unahang ginto ng Team Pilipinas ay mula kay Francine Padios ng pencak silat. 193

Read More

UNANIMOUS, PANALO NI PACQUIAO

WAGI si Jimuel Pacquiao sa pangalawang laban niya sa US, Biyernes (Manila time). Tinalo ng batang Pacquiao via unanimous decision si Jonathan Barajas ng Mexico. Umiskor ang eldest son ni boxing legend Manny Pacquiao ng 30-29 sa scorecards ng dalawang hurado, habang 29-28 sa isa pa, kahit dehado si Jimuel sa unang bahagi ng laban. Ginanap ang naturang laban sa Montebello Country Club at naging special attraction amateur bout ng Tom Loeffler’s 360 Promotions at sinaksihan ng ilang kilalang personalidad kabilang si UFC president Dana White. Matapos ang laban ay…

Read More

31st Southeast Asian Games 2 POSSIBLE GOLDS KAY CALOY YULO

Ni ANN ENCARNACION DALAWANG gintong medalya agad ang posibleng mapasakamay ni Caloy Yulo sa artistic gymnastics competition sa Quang Nua Sports Palace, Biyernes sa 31st Southeast Asian Games. Umiskor si Yulo ng 85.150 sa men’s all-around kung saan siya ang defending champion. Dahil sa all-around performance niya, nangu-nguna ang Pilipinas sa 301.600 points, kasunod ang Malaysia na may 295.850. Sinusulat ito ay ­kinu-­­kumpleto pa ng Vietnam at Singapore ang Day One ng gymnastics competition. Masayang-masaya naman ang Gymnastics Association of the Philippines para kay Yulo. “Very happy. He did very…

Read More

Daanan ng mga raliyista BOUNDARIES NG RIZAL SELYADO NG PNP

BANTAY-SARADO ng Rizal PNP ang mga lagusan ng mga raliyista kahit ilang araw nang tapos ang May 9 national and local elections. Batay ito sa kautusan ni Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay sa kanyang 14 chief of police sa 13 bayan at isang lungsod. Sa virtual press conference ng Rizal PNP nitong Biyernes, sinabi ni P/Lt. Mariesol Tactaquin, Rizal PNP Public Information Officer (PIO), tuloy pa rin ang mahigpit na monitoring lalo pa umano at may mga grupo o kandidato na hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ang…

Read More

BRGY. TREASURER, 2 PA BINITBIT SA TONG-ITS

CAVITE – Tila promotor pa ng pagsusugal ang ingat-yaman ng isang barangay nang kabilang ito sa mga dinampot nang maaktuhan habang naglalaro ng tong-its sa kanilang barangay sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) ang kinahaharap nina Nanil Ekit y Dialde, 39; Ana Maria Gonzales y Hernandez, 62, at Jennibeth Limbo y Astorge, 35, barangay treasurer, at pawang residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Ricardo Mendoza ng Rosario Police Station, dakong alas-3:30 ng hapon…

Read More

KANONG PEDOPHILE TIKLO SA ZAMBO

NALAMBAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga del Norte ang isang American pedophile na wanted sa United States of America dahil sa kinasasangkutan nitong kasong child molestation. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Bradley John Moore, 49, naaaresto noong Huwebes sa Dapitan City,  kanyang pinagtataguang bahay. Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Sy, si Moore ay ikinokonsidera na isang overstaying alien, at kinakailangan agad na pabalikin sa America upang panagutan ang kanyang pagkakasala sa batas. Ayon pa kay Sy, dumating si Moore sa Manila…

Read More