Sa kawalan ng pondo sa Pantawid Pasada TRANSPORT CRISIS IBINABALA NG SOLON

HINIMOK ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na magbigay ng karagdagang suporta sa mga driver at operator ng public utility vehicles sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produkto dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine. “Hindi talaga sapat at paubos na ang natatanggap na tulong sa ating mga bus, jeep, at tricycle. Kapag pinabayaan natin silang tumigil sa pasada, wala tayong masasakyan,” ani Hontiveros. Nagbabala rin ang senador na ang mga kasalukuyang driver at operator ng mga tradisyunal na PUV ay unti-unting napapatalsik…

Read More

VARGAS HINDI NATITINAG SA DEATH THREAT

BAGAMA’T nakatanggap ng death threat kamakailan, sinabi ni Konsehal PM Vargas na handa na siyang harapin ang mga hamon ng Kongreso at kumpiyansa siya na ang kanyang karanasan sa konseho ng Quezon City ang isa sa mga rason para rito. Sinabi ni Vargas na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas sa mga LGU upang matugunan nito ang mga pangangailangan ng mamamayan. Magsusulong din siya ng mga batas na magpapataas ng sweldo ng health workers at pagtaas ng antas at lakas ng serbisyo ng mga pampublikong ospital. “Kailangan tayo mag-focus sa…

Read More

NCR MAYORS LATEST SURVEY INILABAS NG RPMD

INILABAS kahapon ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang kanilang pinakahuling survey sa mga tumatakbong alkalde sa National Capital Region (NCR). Sa survey ng RPMD, muling mananalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos makakuha ng 64 na porsiyentong boto habang si Congressman Mike Defensor na kanyang katunggali ay may 33 percent. Si outgoing Navotas City Mayor Toby Tiangco na may 94% voters preference ay siguradong magwawagi sa kanyang dating posisyon sa Kongreso at ang lungsod ay ookupahan ng kanyang kapatid na si Congressman John Rey Tiangco na nakakuha…

Read More

4 BINITBIT SA P61K SA CAVITE

CAVITE – Binitbit ng Cavite Police ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasamsam ang tinatayang P61,200 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Angelica Torrecampo y Pojas, Christopher Florantes y Apolinar, Victor Algabe y Arcilla, at Mary Jhane Garcia y Florido, pawang nasa hustong gulang. Nabatid sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang magsagawa ng…

Read More

Sarhento ng Phil. Army sugatan ARMADO NAPATAY SA CHECKPOINT

LAGUNA- Isang sarhento ng Philippine Army ang nasugatan at napatay ang suspek na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa isang checkpoint ng Commission on Election (COMELEC) noong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigang Ito. Ayon sa ulat ng Laguna Police Provincial Office (LPPO), ang biktima ay si Staff Sergeant Joel Rellosa na nakatalaga sa Parang ng Buho Army Detachment sa naturang bayan. Samantalang ang suspek ay si Rolando Villegas Lopez, residente ng Barangay Namunga, Mabitac, Laguna. Ayon sa ulat, dakong alas-8:05 ng umaga, ang biktima kasama ang…

Read More

FOCUS UMALMA SA SUMBONG NA VOTE BUYING SA BULACAN

INALMAHAN ng grupong Filipinos Opposed to Corruption and Unjust System (FOCUS), isang anti-corruption watchdog ang napaulat na pamimili ng boto ng ilang kandidato sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Jun Braga, tagapagsalita ng grupo, nakarating sa kanilang tanggapan ang umano’y pamimili ng boto ng kampo ni Bulacan 4th District Board Member Allan Ray Baluyot gamit ang Short Message Service (SMS) o text message. Bukod kay Baluyot, napaulat na nasangkot din sa parehong alegasyon sina San Jose Del Monte (SJDM) vice mayoral candidate Irene Del Rosario, congressional bet Ray San Pedro…

Read More

2ND BOOSTER SHOTS SA SENIORS PINAMAMADALI

UMAPELA sa gobyerno si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes na madaliin ang pagbibigay ng 2nd booster shots sa mga nakatatandang populasyon ng bansa. Ginawa na ni Ordanes ang apela dahil marami nang senior citizens ang ‘eligible’ ng 2nd dose sa kadahilanang may tatlong buwan nang lumipas nang maturukan sila ng kanilang booster shot. Nabanggit din ng namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens na milyon-milyong COVID 19 vaccines ang malapit nang mag-expire at upang hindi masayang ang inutang ng gobyerno para makabili ng mga bakuna, makabubuti kung…

Read More

Mungkahi ng WFC sa next admin NAGPOPONDO SA ‘DIRTY ENERGY’ SAWATAIN

ILANG araw bago ang gaganaping local at national elections, hinimok ng  energy advocacy at bank watchdog group na Withdraw from Coal (WFC) ang susunod na administrasyon na sawatain ang mga bangko na patuloy na nagpopondo o namumuhunan para sa ‘dirty energy’ o ‘coal’ para sa enerhiya. Mula pa noong 2020, ang WFC ay naglalabas ng kanilang annual Coal Divestment Scorecard upang alamin ang ‘financing activities’ ng mga ‘domestic banks’, sukatin ang kanilang kasalukuyang ‘divestment efforts’ sa industriya ng coal o uling at suriin ang kanilang ‘climate action policies.’ Sa report,…

Read More

5,000 PULIS IKAKALAT SA ELEKSYON SA MAYO 9

NASA 5,000 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang idi-deploy sa iba’t ibang panig ng Maynila sa May 9 national and local elections. Ayon kay P/Major Philipp Ines, hepe ng MPD-Public Information Office, umabot sa 12,000 augmentation force mula sa iba’t ibang ahensiya ang makatutuwang ng MPD sa pagbabantay sa darating na halalan. Tiniyak naman ni P/Major Ines na nakalatag na ang security measure ng MPD para sa nalalapit na eleksyon. Nakahanda na rin ang mga kagamitan gaya ng mga sasakyan ng MPD na maaaring gamitin sa hindi inaasahang mga pangyayari…

Read More