Patayan ng magkatunggali 4 PATAY, 8 SUGATAN SA CAGAYAN, ILOCOS

patay

Ni FERNAN ANGELES APAT na katao ang naitalang patay habang walo naman ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na pananambang sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Cagayan, 48 oras bago ang takdang araw ng halalan. Unang pumutok ang sagupaan sa pagitan ng mga tagasuporta ng mga magkakatunggaling kandidato nito lamang nakaraang Sabado sa bayan ng Masingal sa Ilocos Sur, kung saan napaslang ang mga biktimang kinilalang sina Lerry Pol Torda, Recto Bagani at dalawa pang kalalakihang hindi pa tinukoy ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan. May apat ding nasugatan sa…

Read More

Navotas Food Hub Community inendorso ang mga Tiangco

INIHAYAG  kamaikailan ng Navotas Food Hub Community ang pagendorso sa kandidatura nina John Rey Tiangco bilang alkalde at Toby Tiangco bilang kinatawang sa Kongreso sa Lungsod ng Navotas dahil sa walang sawang pagsuporta nila sa mga maliliit na Negosyo sa pagkain. Ayon kay Marvin Robles na kinatawan ng Navotas Food Hub Community Page sa Facebook na may 54,000 na miyembro, binibigyan nila ng halaga ang pagtulong ng magkapatid na Tiangco sa mga maliliit na negoyanteng tulad nila. “Nakita po naming patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Toby…

Read More

BBM, 64% RUNAWAY WINNER SA MAY 1-4 LAYLO RESEARCH; 40% ANG LAMANG SA PINAKAMALAPIT NA KATUNGGALI

DALAWANG araw bago ang halalan sa Lunes, napanatili ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na numero siyete (7) sa balota, ang malaki niyang kalamangan matapos makapagtala ng 64% voter preference sa final survey ng Laylo Research na isinagawa nitong Mayo 1-4. Si Marcos ay nakapagtala rin ng 64% nitong Abril 14-22 sa Laylo survey, at napanatili ang malaking kalamangan na 40 percentage points laban sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Leni Robredo, na nasa malayong pangalawang puwesto pa rin na mayroong 24% voter share. Tabla naman sa malayong…

Read More

Drug war ni PRRD itutuloy ni BBM REHAB CENTERS ITATAYO SA BAWAT REHIYON

PAIIGTINGIN ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang ‘war on drugs’ na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, subalit gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng regional rehabilitation centers upang tuluyan nang mawala ang problema ng droga sa bansa. Sa inilabas na ulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, bumaba ng 73.76% ang crime rate sa bansa simula nang maupo si Pangulong Digong matapos ang matagumpay niyang kampanya kontra droga. Ayon kay BBM kailangan ituloy ang kampanya kontra droga upang tuluyan ng…

Read More

Ayon sa BizNewsAsia 26M LAMANG NA BOTO MAGHAHATID KAY BBM BILANG IKA-17 PANGULO

bbm

INIHAYAG ng BizNewsAsia, ang pinakamalaking weekly news at business magazine sa bansa na lahat ng major survey sa bansa ay nagsasabi na si presidential frontrunner, dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at numero siyete (7) sa balota, ay mananalo bilang pangulo sa halalan sa Mayo 9 na may malaking lamang na posibleng umabot ng 20-26 milyon. Sa kanilang voter page na isinulat ng beterano at iginagalang na mamamahayag na si Antonio Lopez, iniulat din ng magazine na “game over” na para kay Leni Robredo sa darating na halalan. “It’s game…

Read More

Panalo ni BBM sa halalan … TAGUMPAY NG PAGKAKAISA AT MAUNLAD NA PILIPINAS

HINIKAYAT ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang lahat ng mga botante sa buong bansa na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa darating na Mayo 9. Ito ang panawagan ni BBM sa ikalawang miting de avance ng UniTeam na ginanap sa Tagum, Davao del Norte. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos, na number 7 sa opisyal na balota ng Comelec, na ang botong ibibigay sa kanya at sa kanyang running mate na si Mayor Inday Sara Duterte ay ang boto na makakatulong upang mapagkaisa at lalong mapaunlad ang bansa…

Read More

TULAK PUMALAG SA BUY-BUST, TODAS

LAGUNA – Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos na umano’y makipagbarilan sa mga pulis sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Luisiana sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang napatay na si Michael Lalusin Asis na umano’y isang kilalang tulak ng shabu sa nasabing bayan. Batay sa report ng Luisiana Police, ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay San Jose kung saan nakabili ang poseur buyer ng sachet ng shabu mula sa suspek. Subalit nang aarestuhin na, bigla nagbunot ng baril ang suspek at tinangkang iputok sa…

Read More

P27-M DROGA NASABAT SA EX-GUARD NG POGO, 2 PA

RIZAL – Mahigit P27 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba Rizal Drug Enforcement Unit (RDEU) sa isang dating security guard at dalawang kasabwat nito sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Ayon ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A-Regional Director P/BGen. Antonio C. Yarra, kinilala ang umano’y mga bigtime tulak na sina Aries Apeleña y Eburlas alyas “Axel”, residente ng Malabon City, umano’y dating guwardiya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO); Dennis Delo Santos y Morallos, at Mariz Sedaya y Dela Cruz…

Read More

Idinemanda ng mga sariling kaalyado TAYTAY MAYORAL BET NO-SHOW SA PISKALYA

HINDI sinipot ng isang mayoralty bet ang patawag ng piskalya kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga sariling kaalyado kaugnay ng P104-milyong pondo ng pinakamayamang barangay sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal. Sa kasong inihain ng lima sa walong miyembro ng Sangguniang Barangay ng Dolores, Taytay laban kay Kapitan Allan de Leon na tumatakbo sa posisyon ng alkalde ng naturang lokalidad, pinaratangan ng iregularidad ang umano’y pagpapasa ng 2022 operating budget nang walang naganap na sesyon sa hanay ng mga kagawad ng nasabing pamayanan. Kabilang sa mga nagsampa ng…

Read More