IKAAPAT NA MANILA COFFEE FESTIVAL, DINAYO

Halos dalawang taon ding nakakulong sa bahay ang mga tao, kung kaya sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ay senyales naman ito ng ating pagbangon at pagbalik sa normal na pamumuhay. Muling pormal na binuksan sa publiko ang Manila Coffee Festival na ginanap sa makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros sa Maynila. Nagsimula ito noong Abril 29 hanggang Mayo 1, 2022, mula alas-4:00 ng hapon hanggang ala-10:00 ng gabi. Ang pagbubukas na ito ng taunang proyekto ay sinusportahan ng Department of Tourism sa pangunguna ni Secretary Berna Romulo-Puyat. Mahigit sa 30 exhibitors…

Read More

Masahista pumalag sa ‘extra service’ VICE MAYOR SA BATANGAS INIREKLAMO SA DOJ

NAGHAIN ng pormal na reklamo sa Department of Justice (DoJ) ang isang masahista laban kay Mataas na Kahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Manalo dahil sa kahalayan umano habang nagpapamasahe ang opisyal sa kanyang bahay sa nasabing bayan. Sa tulong ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang biktimang itinago sa pangalang Marites ay nagharap ng kasong ‘Act of Lasciviousness’ at ‘Grave Threat’ laban kay Manalo. Isinampa ang kaso nitong nakalipas na Martes, April 26, sa National Prosecution Service (NPS) ng DOJ at ipinadala na…

Read More

P1-M NATANGAY SA NILOOBANG HARDWARE

LAGUNA – Tinangay ng mga kawatan ang P1 milyong halaga ng mga kagamitan at salapi sa mula sa niloobang hardware sa bayan ng Pila sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, nilooban ng hindi kilalang mga suspek ang Lucky 178 Hardware Store na pagmamay-ari ni Andy Co, 54, sa Purok 2, Brgy. San Antonio ng naturang bayan. Nadiskubre ang insidente nang magising si Co bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Huwebes. Nang tingnan ang CCTV footage, dalawang ‘di kilalang lalaki na nakatakip ng t-shirt ang mukha…

Read More

MIYEMBRO NG CRIME GROUP HULI SA CIDG-OPLAN PAGLALANSAG

ARESTADO ang isang miyembro ng Ozamis criminal group na responsable sa bentahan ng mga baril at nagpanggap na kasapi ng Philippine National Police (PNP), sa isinagawang Oplan Paglalansag  sa Bacoor City, Cavite noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat kay PNP-CIDG Director P/MGen. Eliseo DC Cruz, kinilala ang suspek na si Alvin Romero y Quimbo, 50, isang matchmaker, ng Martin Compound, San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite Nabatid sa ulat, dakong alas-6:00 noong Sabado ng gabi nang magsagawa ng Oplan Paglalansag ang mga operatiba ng CIDG SMMDFU (lead unit) , Cavite PFU at  Philippine…

Read More

ONLINE APPLICATION NG VOTERS SA RIZAL, ‘DI NAAPRUBAHAN

MALAMANG na hindi makaboto ngayong May 9, 2022 national and local elections ang ilang botante sa lalawigan ng Rizal makaraang hindi maproseso ng lokal na Commission on Elections (Comelec) ang kanilang online application na isa sa dahilan ay ang kawalan ng ‘internet signal’ ng mga opisina ng komisyon. Noong Marso 2022, nagpadala ng liham ang Provincial Election Supervisor ng Rizal sa Comelec en banc na humihingi ng rekomendasyon kung ano ang gagawin sa mga hindi naaprubahang online application. Dito ay pinagpaliwanag ng en banc ang PES ng Rizal kung bakit hindi naproseso…

Read More

Magtiyuhin nilikida sa Abra BAYAN NG PILAR INILAGAY SA COMELEC CONTROL

ISINAILALIM ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang kontrol ang bayan ng Pilar sa lalawigan ng Abra matapos na ikonsidera itong nasa red category at ma-validate ang incident report na natanggap Ito ay bunsod ng shooting incident sa nasabing bayan na ikinamatay ng bodyguard ni Pilar Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono. Nagkaroon muna ng stand-off sa pagitan ng mga pulis at mga tauhan ng alkalde bago tuluyang napayapa ito. Inihayag ni Comelec Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) Commissioner Aimee Ferolino, isang sensitibong usapin ang…

Read More

PAGBAWI NI ESPINOSA IPINAUBAYA SA KORTE

BAHALA na ang korte sa pagtimbang sa maaring epekto ng pagbawi ng drug suspect na si Kerwin Espinosa sa kanyang mga testimonya laban kay Senador Leila de Lima, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Dagdag pa ng PDEA, wala silang kinalaman sa mga isinampang kaso laban kay de Lima, gayundin kay Espinosa. Matatandaang inakusahan ni Kerwin ang senadora na sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). “The agency is dispassionately interested in uncovering the truth and prosecuting those involved in the illegal drug-trade,” sabi pa sa…

Read More

PNP HINIMOK MAGING NEUTRAL SA MAY POLLS

NANAWAGAN si ACT-CIS at Benguet Caretaker Eric Yap sa Philippine National Police (PNP) na maging “neutral” o walang kinikilingang political groups ngayong halalan. Sa isang radio interview, sinabi ni Cong. Yap,” may mga balita at sumbong na rin ang nakakarating sa amin na tila may pinapaborang grupo ang ilang provincial commanders at chiefs of police sa mga lalawigan.” “Pag pinagbigyan ang isang grupo na mag-rally sa isang lugar, dapat payagan din ng mga hepe natin yung kabilang partido,” ani Yap. Dagdag pa ng Chairman ng committee on appropriations ng Kongreso,…

Read More

Multi-sectoral groups sa Samal Island inayudahan ni Sen. Go BAYANIHAN TUNGO SA PANDEMIC RECOVERY

PATULOY ang pagkakaloob ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga nangangailangang residente sa Island Garden City sa Samal, Davao del Norte sa kanyang huling pagbisita sa lugar noong Biyernes, kung kailan pinangunahan pa niya mismo ang pagsasagawa ng relief operations para sa mga magsasaka, solo parents, mangingisda, senior citizens at iba pang sectoral groups sa Brgy. Sta. Cruz. Sa kanyang mensahe, muling tiniyak ni Go ang kanyang commitment na matulungan ang mga nangangailangang kababayan kahit nasaan man silang lugar sa bansa. “Mga kababayan ko, mayroon lang akong kaunting…

Read More