CBCP, IBA PANG GRUPO TULOY SA PAGTAGUYOD NG BUHAY

CAPTION: Nasa larawan si Abp. Jose Cabantan (gitna, naka-blue polo) kasama ang mga parish priest ng Archdiocese ng CDO at mga miyembro ng MFC (humahawak ng banner ng Buhay).   NAKUHA ng Buhay Party-list ang pag-endorso sa kanila ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na siyang pangunahing grupo ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) na kumakatawan sa mga lider at miyembro ng iba’t ibang organisasyon ng Katolikong simbahan sa buong bansa. “Malaking puntos ito sa aming mga adhikaing maka-Diyos at maka-Buhay na matagal na naming ipinaglalaban sa Kongreso,” ani…

Read More

Pneumo vax strategy pinarerepaso ng health experts

HINILING ng medical experts, sa pangunguna ng mga researcher mula sa University of the Philippines College of Public Health (UP-CPH), Southeast Asian Ministers of Education Organization Tropical Medicine and Public Health Regional Centre for Public Health, Hospital Administration, Environmental and Occupational Health (SEAMEO TROPMED Philippines), ang pagrepaso sa 10-year-old pneumonia vaccine strategy nang sa gayon ay maprotektahan ang mga bata laban sa isa sa nangungunang killer diseases para sa mga bata. Ang Philippines ay panlima sa buong mundo na may pinakamaraming pneumonia deaths. Sa isang forum kamakailan, sinabi ni UP-CPH…

Read More

BBM CAMP SA SUPPORTERS: HUWAG MAKIPAGTALO AT MANATILING KALMADO

NANAWAGAN ang kampo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., nitong Biyernes na manatiling kalmado at iwasan ang anumang pakikipagtalo sa ilang hanay na may kakaibang pananaw pampulitika, lalo’t nalalapit na ang inaabangang May 9 elections. Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos, na mahalagang mapanatili ang ‘mutual respect’ sa bawat isa. Ang pahayag ni Rodriguez ay inilabas matapos ang nangyaring komprontasyon ng Marcos supporters sa mga tagasuporta ng ilang katunggali sa isang mall sa Makati City. Nauna nang sinabi ni…

Read More

KAHANDAAN SA KALAMIDAD PAIIGTINGIN NI BONGBONG

TINIYAK ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na higit pang palalakasin ang kagalingan, kapabilidad at mabilis na aksyon ng pamahalaan sa lahat ng uri ng kalamidad sakaling manalo sa darating na May 9 presidential elections. Ani Marcos, bahagi ito ng kanyang plano upang kahit papaano ay malabanan ang hindi mapigilang climate change o global warming. Ang pahayag na ito ni Marcos, standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ay isinagawa nang magkaroon ng virtual press conference sa local mediamen mula sa Bicol at Western Visayas Regions nitong nakalipas…

Read More

GEOTHERMAL PLANTS DADAGDAGAN NI BBM

BUKAS si presidential frontrunner dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa plano na kunin bilang ka-partner ang pribadong sektor upang dagdagan pa ang mga geothermal plants sa bansa. Sa isang pahayag, napansin niya ang mabagal na pag-usbong ng geothermal energy industry na dahilan kung bakit mataas ang singil ng kuryente na siya namang pumipigil sa mga foreign investors na maglagay ng negosyo sa bansa. “Accelerating the development of our geothermal resources needs the participation of the private sector.  As it stands, the risks and capital requirements in the early stages of…

Read More

GIMIK NI LENI ‘DI PAPATULAN NI BBM – SPOX

bbm

HINDI sagot sa problema ng lipunang nagkawatak-watak bunsod ng pulitika ang debateng hamon ni Vice President Leni Robredo sa leading presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, ayon sa tagapagsalita ng pambato ng tambalang BBM-Sara UniTeam. Sa isang kalatas, hayagang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na taliwas sa panawagang pagkakaisa ni Marcos ang pagpatol sa hamon para sa isang debate, lalo pa’t galing sa isang kandidatong aniya’y milya-milya ang hinahabol, siyam na araw bago sumapit ang takdang araw ng halalan. “Sa debateng hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay…

Read More

LANDSLIDE WIN NI BBM TINIYAK NG MGA GOBERNADOR

ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay. Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng Cavite at Ramil Hernandez ng Laguna, kasama ng iba pang mga gobernador na titiyakin nila ang kanyang panalo sa kanilang mga lalawigan. Kapwa nasa talaan ng may  pinakamaraming botante sa mga probinsya sa buong  bansa ang Laguna…

Read More

Para sa mas maikling oras ng biyahe BRIDGE AND ROAD PROJECTS SA BICOL ITUTULOY NI BBM

KASAMA sa plano ni presidential frontrunner at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng mga proyektong dagdag na tulay at kalsada sa Bicol Region na maaaring magpaikli sa oras ng biyahe mula sa rehiyon papuntang Maynila vice-versa. Sa isang press conference na ginanap kamakailan kasama ang mga local media mula sa Bicol at Panay, naitanong kay Marcos kung posible pang maipagpatuloy niya ang planong pagtatayo ng tulay mula sa malalayong lugar sa Bicol Region. Isa sa mga proyekto ay ang tulay mula Naga City papuntang Maynila na nasimulan…

Read More

5 KASAPI NG CRIME GROUP, PATAY SA ENGKWENTRO

LIMANG mga kasapi umano ng isang organized crime syndicate na kumikilos sa apat na rehiyon sa Luzon, ang napatay matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Tabuk City, Kalinga, ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng PNP sa Quezon City. Sa report ni Police Major Garry Gayamos ng Kalinga Police Provincial Office, sangkot ang mga napaslang sa carnapping at robbery holdup operation. Dead on the spot ang dalawang suspek habang ang tatlong kasamahan nila ay sinubukang pang mailigtas kaya’t itinakbo sa pagamutan subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng…

Read More