ESTUDYANTE, 8 PA DINAKMA SA TUPADA

kulong

CAVITE – Siyam na indibidwal, kabilang ang isang 17-anyos na estudyante, ang binitbit ng Cavite police nang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operations ang Intelligence operatives ng Gen. Trias City Police sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na mananabong sa aktong nagsasagawa ng tupada. Nakuha sa kanila ang P3,300 halaga ng taya, dalawang tari at dalawang panabong. Dakong alas-5:00 naman…

Read More

NAG-ALBUROTONG LALAKI TODAS SA BIYENAN

BATANGAS – Patay ang isang lalaki nang saksakin ng biyenang lalaki nang magwala at atakehin ng biktima ang kapamilya sa Barangay Putingbuhangin, sa bayan ng San Juan, sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Namatay bago mairating sa ospital ang biktimang si Joshua Babao Araño. Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima at nagsimulang gumawa ng kaguluhan. Napagdiskitahan umano nito at pinagsusuntok ang kanyang misis na si Charlene Rubia Araño at isa niyang bayaw. Tinangka naman itong awatin…

Read More

P10-M DAGDAG TULONG NG US SA APEKTADO NG OIL SPILL

NAGBIGAY ang United States Agency for International Development (USAID) ng karagdagang P10 milyong halaga ng tulong sa Oriental Mindoro para tugunan ang epekto ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Sa pagbisita sa Calapan City, Oriental Mindoro ni USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn, inanunsyo nito ang karagdagang tulong para sa pagsasanay sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay dahil sa fishing ban. Ang mga mangingisda ay tuturuan na maging citizen scientists para makatulong sila sa pagsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng oil spill sa coastal habitat…

Read More

IBA’T IBANG AKTIBIDAD INIHANDA SA PAGDIRIWANG NG 116 ANIBERSARYO NG LAS PIÑAS

IPINAGDIRIWANG ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang kanyang ika-26th cityhood at ika-116 taon ng pagkakatatag kasabay ng mga inihandang aktibidad para sa mga residente. Ayon kay Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar, iba’t ibang aktibidad ang inihanda para sa cityhood at founding anniversary ngayong Marso 27 mula alas-8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Sinabi pa ni Mayor Aguilar na isinasagawa ang health and wellness programs sa Verdant covered court kabilang ang libreng laboratory test sa FBS, cholesterol and blood typing, HIV screening, nutrition education, dental services, immunization…

Read More

TSERMAN INARESTO SA REKLAMONG KORAPSYON

HINDI na nakapalag ang isang 54-anyos na barangay chairman nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest, ng mga tauhan ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa mismong barangay hall  nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Roberto Icuspit Corpuz, may asawa, punong barangay ng Brgy. 569, Zone 56, Sampaloc. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-9:45 ng umaga nang arestuhin ang chairman sa loob mismo ng barangay hall, sa…

Read More

PINIRATANG PANTALON BISTADO SA MINDANAO

HUDER ang kabuhayan ng negosyante sa likod ng bigong tangkang magpuslit sa bansa ng mga piniratang tatak ng mamahaling pantalon sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental. Sa ulat ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO), tumatagin­ting na P48.9-milyong halaga ng pantalong inangkat pa mula sa bansang Bangladesh ang kinumpiska sa pinagsanib na operasyon ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang mga kinatawan mula sa Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI). Ayon kay BOC-CDO District…

Read More

P4.9M SMUGGLED YOSI SABAT SA ZAMBOANGA

TUMATAGINTING na P4.9-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyong lulan ng bangkang-de-motor ang nasabat ng mga ope­ratiba ng Bureau of Customs (BOC) sa karagatang sakop ng lungsod ng Zamboanga. Ayon sa BOC-Port of Zamboanga, kumpiskado ang nasa 141 master cases ng iba’t ibang klase ng mga imported na sigarilyong naispatan sa sabayang pagpapatrolya ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company ang kontrabando habang naglalayag sa karagatan ng Barangay Arena Blanco. Nang sitahin ng mga nagpapatrolyang opetratiba, walang…

Read More

CLAIMANT ARESTADO SA IMPORTED DROGA

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., muling ipinamalas ng Bureau of Customs (BOC) ang agresibong tugon laban sa malawakang pagpupuslit ng droga sa bansa. Sa pahayag ng BOC, timbog sa pinagsanib na operasyon ng BOC-Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang claimant ng drogang ikinubli sa kargamentong idineklara bilang ‘universal engine’, batay sa kalakip na dokumento. Kinilala ni BOC-NAIA Dis­trict Collector Carmelita Talusan ang claimant sa pa­ngalang ‘Ashley Alonzo’ batay sa ID na nakuha sa suspek. Sa imbestigasyon…

Read More

Importers, customs broker sinampolan AGRI SMUGGLERS, SAPUL SA ASUNTO

Ni JOSE OPERARIO PATUNAY na seryoso at determinado ang gob­yerno sa hangaring ganap na mapuksa ang mga mandarayang kumpanya, sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang importers at kasapakat na customs broker kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng asukal sa bansa. Sa kalatas ng BOC, pormal na inihain sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) asunto laban sa hindi tinukoy na kum­panya sa tahasang paglabag ng mga umiiral at batas at reglamento ng kawanihan. Unang kinasuhan ang isang importer at…

Read More