NPA ATTACK SA MASBATE KINONDENA NI ROMUALDEZ

MARIING kinondena ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sunud-sunod na pag-atake ng mga komunistang rebelde sa Masbate na malapit pa sa mga paaralan. Ayon kay Romualdez, nagtataka siya kung bakit tila wala nang pinipiling lugar na aatakihin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil kahit malapit sa mga paaralan at may madadamay na mga kabataan ay umaatake pa rin ang mga ito. “Di ko talaga makita ang logic sa pag-atake nila (NPA) sa mga lugar ng mga sibilyan at pagtatanim nila ng mga bomba doon,” anang lider…

Read More

NAGPALIPAS NG INIT SA BREAKWATER, NALUNOD

NALUNOD ang isang 13-anyos na dalagita habang naliligo sa breakwater sa Happy Land, Brgy. 105, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Nicole, estudyante, ng Barangay 108, Tondo. Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente. Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima, naisipan nila ng kanyang ate na maligo sa breakwater dahil sa sobrang init ng panahon. Ngunit habang sila ay nagtatampisaw ay napansin niyang hindi na lumulutang ang kanyang kapatid. Agad nagpasaklolo…

Read More

BINATA NAGBIGTI SA ROOFTOP

NAGBIGTI sa rooftop ng kanilang bahay ang isang binata sa Brgy. 128. Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Alvin Manalo, helper, ng nasabing lugar. Base sa ulat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso, bandang alas-3:50 ng hapon nang madiskubre ni Romelito Mercado, 45, habang nakabigti ang biktima sa rooftop. Ayon kay Mercado, nagtungo siya sa rooftop nang magulantang siya nang makitang nakabitin ang biktima. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang mabatid kung nangyaring may foul play. (RENE CRISOSTOMO)…

Read More

Celebrating beauty with empowerment at Miss Aura PHL 2023

It is said that to every woman, behind her good looks and vivacious spirit lies that special character that generates from the inside and permeates out: that special thing that is called AURA. It is that very same aura that develops her innermost strengths that will radiate into something more productive, more transforming and more inspiring to the rest of humankind. And, it is here where a one-of-a-kind pageant generates that renewed sense of  confidence,  compassion,  service,  dedication  and  spirit  among  its contenders as it transcends the common notions of…

Read More

2 TIRADOR NG KABLE NASILO SA MAYNILA

ARESTADO ang dalawang lalaki nang maaktuhan habang pumuputol ng kawad ng kuryente na pag-aari ng lokal na pamahalaan, sa center island sa pagitan ng Pedro Gil at Malvar Streets, Taft Avenue, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga nadakip na sina Octhuart Culaban, 34 , binata, construction worker at residente ng Quezon City, at Jeffrey Ocampo, 29, binata, jobless, ng Paco, Manila. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division- 2, Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District, bandang alas-9:40 ng gabi nang maaktuhan ng…

Read More

CLOSED VAN NG KUMPANYA TINANGAY NG APAT

kulong

CAVITE – Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap ang tatlo pa nitong kasamahan na mga suspek sa pagtangay sa isang Isuzu closed van sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang naarestong suspek na si Lester Arcado habang pinaghahanap ang mga kasamahan nito na sina John Aeron Barba, Libert Tindoy, at Leo Albert Tindoy, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa reklamo ni Sally Chen y Ogeda, 28, kay Corporal Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police, nadiskubre nilang nawawala ang isang Isuzu…

Read More

WANTED SA HOMICIDE SA LAS PIÑAS NATUNTON SA PAROLA

MAKARAAN ang halos dalawang taong pagtatago, isang 51-anyos na most wanted person sa kasong homicide sa Las Piñas City, ang natunton sa Parola Compound sa Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Joselito De Vera, may asawa, jobless at residente ng Barangay CCA, Las Piñas City. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-5:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Block 14, Area B, Parola Compound, Tondo. Makaraang madiskubre ang lugar na pinagtataguan ng…

Read More

Top Gov’t and Cabinet officials, Senators scored ‘high’ in nationwide survey— RPMD

SA “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) lumabas na si Pangulong Bongbong Marcos ay may 88% performance at 90% trust ratings. Si Vice President Sara Duterte ay mayroong 86% approval at 92% trust ratings. Nakuha naman ni Senate President Migz Zubiri ang 60% job satisfaction at 65% trust ratings, habang si House Speaker Martin Romualdez ay nakatanggap ng 60% performance at 63% trust ratings. Ang performance ratings nina Pres. Marcos at VP Duterte “significantly increased” +5% mula December 2022. Ang approval ratings nina…

Read More

SERYE NG PAGSABOG INIULAT SA MASBATE

CAMP ELIAS ANGELES, San Jose, Pili, Camarines Sur – Ginimbal ang mga residente ng magkakasunod na pag-atake ng hinihinalang Communist Terrorist Group (CTG) na gumamit ng ipinagbabawal na anti-personnel mines (APMs) sa Masbate nitong Marso 22. Ito’y kasunod ng naitalang magkahiwalay na engkwentro sa nasabing lalawigan. Una rito ay sa Barangay Locso-on, Placer, kung saan dalawang sundalo ang nasugatan habang isang M16 rifle at tatlong magazine ang narekober ng tropa ng pamahalaan matapos ang pangyayari. Kasunod nito, ay dalawang pulis rin ang nasugatan sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang…

Read More