BOC DOBLE-KAYOD NA VS. AGRI-SMUGGLERS

MATAPOS ang lumabas ang anunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa P42.8-bil­yong pondong inilaan para palakasin ang produksyon ng lokal na sektor ng agrikultura, inatasan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang 17 district collectors na paigtingin ang pagtugis laban sa mga smugglers. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), ibinida ni Rubio ang pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa malawakang agri-smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula nang italaga sa pwesto ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr., noong nakaraang Pebrero. Bukod aniya sa mga nasamsam na…

Read More

NIKE BILIB SA OPLAN TUGIS-PEKE NI RUBIO

KUNG magtutuloy-tuloy ang agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa mga namimirata ng produktong gawa ng mga lehitimong kumpanya, hindi malayong mas marami pa ang piliing magnegosyo sa Pilipinas. Ito ang buod ng naganap na pagpupulong sa pagitan ng Nike Asia Pacific at Customs Deputy Commissioner Juvymax Uy matapos ang tagumpay na pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega kung saan nakumpiska ng mga operatiba ang hindi bababa sa P11.5 bilyong halaga ng mga ‘counterfeit products – kabilang ang mga sportswear na tatak ‘Nike’. Partikular na tinukoy ng mga bumisitang…

Read More

35 INDIBIDWAL ARESTADO SA ANTI-CRIME OPS

CAVITE – Umabot sa 35 indibidwal ang arestado sa ikinasang daily anti-criminality operations sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Christopher F. Olazo, Provincial Director, Cavite PPO, lima ang inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkumpiska ng 15 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Sa kampanya sa ilegal na sugal, 26 ang inaresto sa aktong naglalaro ng cara y cruz, mahjong, tong-its, at sakla. Naaresto naman ng Tanza Police Station ang rank no.1, municipal level suspect na si Joel Mehila y…

Read More

LALAKI TODAS SA SALPOK NG BUS SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na masagasaan ng pampasaherong bus sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marlon Del Rosario, residente ng nasabing barangay. Batay sa report, dakong alas-11:00 ng gabi nang mahagip ang biktima ng DLTB bus na patungong Bicol habang papatawid sa kalsada. Sinubukan pa itong iwasan ng bus subalit nasalpok din ito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. Naaresto naman ng mga tauhan ng Tagkawayan Police ang driver ng bus…

Read More

HIGANTES NG ANGONO BUMIDA SA DAVAO

BILANG tugon sa paanyaya ng tubong-Davao City na si Vice President Sara Duterte, rumampa – at bumida – sa ika-86 Araw ng Dabaw ang mga makulay na Higantes ng baybaying bayan ng Angono na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines. Nobyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Duterte kay Angono Mayor Jeri Mae Calderon ang pakikilahok ng mga Higantes ng Angono para sa kapistahan ng Davao City – bagay na positibong tinugon ng lokal na pamahalaan. “I am so amused with what I just saw. In fact, I’m…

Read More

GO NAKIISA SA ANIBERSARYO NG ROMBLON

NAKIISA si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 78th Liberation at 122nd Founding Anniversary ng lalawigan ng Romblon noong Huwebes, (Marso 16)— dalawang kaganapan na nagpatingkad sa pagkakaisa ng  mamamayan nito na nagtagumpay sa mga hamon at nagtutulungan upang bumuo ng isang maunlad at masiglang komunidad sa buong taon. Sa ilalim ng Republic Act No. 9642, na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang Marso 16 ng bawat taon ay idineklara bilang Romblon Foundation Day. Samantala, ang Proclamation No. 430, na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino, ay nagdeklara…

Read More

KUMPANYANG SANGKOT SA OIL SPILL DAPAT MAGBIGAY NG AYUDA – SOLON

HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay rin ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro. Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”. “Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito,” ani Yap. Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanapbuhay. I am…

Read More

Banta ni Romualdez KULONG SA MAGSISINUNGALING SA CONGRESSIONAL INQUIRY

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na diretso sa bilangguan ang mga magsisinungaling sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on agriculture and food ngayong Martes kung saan inaasahang makikilala ang mga nasa likod ng kartel ng sibuyas at iba pang mga produktong pang-agrikultural na nagpapahirap sa bansa. “Inuulit ko, sa kulungan kayo dadamputin kung hindi kayo magsasabi ng totoo,” babala ni Romualdez. Sinabi ni Romualdez,  malinaw ang misyon ng mga kongresista sa pangunguna ni Quezon Rep. Mark Enverga sa pagsasagawa ng imbestigasyon para maibaba ang presyo ng sibuyas…

Read More

MWP SA MURDER TIKLO SA QC

TIMBOG ang isang 50-anyos na tricycle driver na suspek sa pagpatay, sa ikinasang “One Time Big Time” operation ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sa pinaglulunggaan nito sa Quezon City. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Arnold Laon, may asawa, ng Parola Compound, Brgy. 20, Tondo. Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, bandang alas-4:30 ng hapon nang matunton ang suspek sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of…

Read More