UPANG mapataas ang kanilang sustainability effort ay dinagdagan ng NLEX Corporation ang mga ikinabit na solar panel sa 36 pang toll plaza ng NLEX-SCTEX. Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay nagkabit ng monocrystalline solar panels sa 21 NLEX toll plaza at 15 toll plaza naman sa SCTEX, na gagamit ng elektrisidad mula sa sikat ng araw na magko-convert sa kuryente sa pamamagitan ng photovoltaic cells o solar cells. Kabilang sa mga lugar na lalagyan ng solar panel ang mga toll plaza sa Mindanao, Karuhatan, Paso de Blas, Marilao, Ciudad de Victoria/Philippine…
Read MoreAuthor: admin 2
Lupang sinasaka napatituluhan ng iba FARMERS GROUP SA BATANGAS NAGPASAKLOLO KAY PBBM
NANAWAGAN ang grupo ng mga magsasaka sa lalawigan ng Batangas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sila ay tulungan sa kanilang suliranin sa lupang kanilang sinasaka, sa ginanap na “Balitaan sa Tinapayan” sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets , Sampaloc, Manila nitong Biyernes ng umaga. Sinabi ni Dorcas Aquino, pangulo ng Samahang Magsasaka ng Balibago, Matabungkay sa Lian, Batangas na sa pamamagitan ng media, umaasa sila na maipapaabot ang kanilang kahilingan na sana ay matulungan sila na hindi tuluyang masakop ng mga makapangyarihan ang lupaing kanilang sinasaka…
Read MoreBOOM TRUCK SWAK SA BANGIN SA QUEZON, BUKIDNON, 4 PATAY
APAT katao ang patay, kabilang ang tatlong empleyado ng munisipyo at isang barangay kagawad ng Quezon, Bukidnon, matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang boom truck noong Huwebes ng hapon, Marso 16. Ayon sa report ng Quezon Municipal Police Station sa lalawigan ng Bukidnon, sakay ng boom truck, nag-deliver ng mga concrete culvert ang mga biktima sa Barangay Linabo at pabalik na sa munisipyo nang mangyari ang insidente. Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng mga biktima ang pakurbada at bulubunduking daan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho. Bunsod nito, nahulog sa bangin…
Read MoreDISMISSAL ITINANGGI NG NCR-CIDG DIRECTOR
NILINAW ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Director Col. Hansel Marantan na hindi siya tinanggal kundi siya ay kusang nagbitiw sa pwesto. Ang paglilinaw ay kaugnay sa mga ulat na sinibak siya sa puwesto dahil sa mga katiwaliang nagsasangkot sa kanyang mga pinangangasiwaang operatiba na nagsagawa ng raid sa Parañaque City. Sa isang pahayag, sinabi ni Col. Marantan na taliwas sa mga ulat ay kusang-loob siyang nag-resign sa kanyang posisyon bilang NCR CIDG Director para mawala ang anomang pagdududa na maaaring maimpluwensyahan niya ang imbestigasyon na kinasasangkutan…
Read MoreNAG-SUICIDE SA DOLOMITE BEACH, SUSPEK SA PAGPATAY SA KA-LIVE IN
NABATID sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad na ang isang lalaki na nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon sa Dolomite Beach sa Manila Bay, ay suspek umano sa pagpatay sa kanyang kinakasama sa Rodriguez, Rizal noong Marso 12. Gayunman, hinihinalang hindi nalunod sa Dolomite Beach si Lito Rubio y Animas, 57, ng Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal, kundi inatake sa puso makaraang tumalon sa Dolomite Beach noong Marso 15 sa Roxas Boulevard, Ermita Manila. Sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ni Police Senior Master Boy Niño Baladjay ng Homicide Section, nadiskubre ang…
Read MoreGUN RUNNER TIKLO SA ENTRAPMENT
ARESTADO ang isang 28-anyos na jobless makaraang mag-alok umano ng baril sa ikinasang gun buy-bust operation sa Mel Lopez Boulevard, Vitas, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang arestadong suspek na si Babymar Salatandol y Angeles, binata, residente sa Pier 18, Tondo, Manila. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division II, Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District, bandang alas-5:50 ng hapon nang magsagawa ang mga awtoridad ng One Time Big Time operation laban sa loose firearms at isa si Salatandol sa kanilang target.…
Read MoreEX-BOC COLLECTOR, 1 PA TIMBOG SA EXTORTION
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating collector ng Bureau of Customs, kasama ang dating empleyado ng business tycoon na si Lucio Tan, sa inilatag na entrapment operation sa waiting shed ng Century Park Hotel sa Vito Cruz St., Malate, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina Atty. Juan Natividad Tan, dating Customs Collector sa Lalawigan ng Batangas, at ang negosyanteng si Benjamin Sebastian. Base sa ulat ng NBI Anti-Organized & Trans-national Crime Division (AOTCD) bandang alas-1:45 ng…
Read MoreMURDER SUSPECT SA ORIENTAL MINDORO, TIMBOG SA CAVITE
HINDI akalain ng isang 38-anyos na lalaki na matutunton ito sa Cavite makaraan umanong gumawa ng krimen sa Occidental, Mindoro, ayon sa Manila Police District (MPD). Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD, ang suspek na si Raymond Candelario y Daprosa, 38, may asawa, residente ng Sitio Punduhan, Barangay Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro. Batay sa ulat ni Police Captain Rufino Casagan, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng MPD, bandang alas-11:50 ng gabi noong Miyerkoles nang mamataan ang suspek sa Malagasang I-G, Imus,…
Read More2 RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA AKSIDENTE SA KALSADA
CAVITE – Patay ang dalawang rider habang sugatan ang isang backrider sa aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na sina Jericho Renzo Benzon y Tumlos, 24, ng Pasong Kawayan Gen. Trias City, Cavite at Fernando Tandas y Cacayuran, 42, ng Naic, Cavite. Sugatan naman si Billy Joe Ojas, 19, ng Gen. Trias City, Cavite, ang naka-angkas sa motorsiklo ni Benzon. Ayon sa ulat, dakong alas-12:58 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan…
Read More