KAPANATAGAN AT SIGLA IBABALIK SA MAYNILA

NANGAKO si dating Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na ibabalik ang sigla at kalinisan ng Maynila bilang kabisera ng bansa sakaling siya ay makabalik bilang alkalde ng lungsod sa darating na May 12 elections. Bukod dito, tiniyak din ni Domagoso sa The Manila Press forum na ibabalik niya ang kapanatagan at pamumuhay na bawat Manilenyo. Ayon sa dating alkalde na muling sumasabak sa mayoralty race sa Maynila, ipagpapatuloy niya ang nasimulan kung saan may gobyerno ang Maynila- ang kaayusan, kalinisan. “Aalisin ko ang kadugyutan,” pahayag ni Domagoso at sinabing ibabalik niya…

Read More

RAPE SUSPECT SA VALENZUELA, NATUNTON SA MINDORO

NAGWAKAS ang sampung taong pagtatago sa batas ng isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa sa Valenzuela City, nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Mamburao, Occidental Mindoro. Ayon sa Valenzuela City Police, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa nasabing lugar ang akusadong si alyas “Jonathan”, 30, na kabilang sa most wanted persons sa lungsod, kaya agad bumuo ng team mula sa Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Unit. Nakipag-ugnayan sila sa 402nd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion (MC-RMFB), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at…

Read More

MARY GRACE PIATTOS MAY KAANAK NA NAKINABANG SA INTEL FUNDS?

HINDI nag-iisa si Mary Grace, na may apelyidong ‘Piattos’, na kasama siya sa mga recipient ng intelligence funds mula sa tanggapan ni Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio. Bukod dito, isiniwalat ni House Deputy Majority Leader Francisco Paolo Ortega V ng Unang Distrito ng La Union na isa sa mga tumanggap ng intelligence fund ay kapangalan ng isang cellphone brand na gawa sa China. “New documents from the impeachment complaint show that Mary Grace Piattos was not alone. Two other names, seemingly linked to her, have surfaced—’Pia Piatos-Lim’ and ‘Renan Piatos’,”…

Read More

Kinastigo ng kababaihan sa pagkapit sa political dynasty VILLAR NAGSISILBI SA SARILI HINDI SA TAO

LALONG nabanas ang mga progresibong grupo kay Senadora Cynthia Villar matapos nitong sabihin na walang masama sa political dynasty kagaya ng kanyang pamilya kung nagsisilbi naman ng tapat sa bayan at hindi nanloloko ng mga tao. Sa mga katagang ito’y sadyang nadismaya ang mga kritiko para ipunto kay Villar na “walang mabuting political dynasty na tunay na nagsisilbi sa tao” at “modelo ng burukratang kapitalismo ang mga Villar.” Reaksyon ito ni Amihan secretary-general Cathy Estavillo na hindi nagustuhan ang tila pagmamalinis umano ng graduating senator. “May amnesia ba si Villar…

Read More

TAUMBAYAN SALAT SA TRANSPARENCY AT ACCOUNTABILITY NG GOBYERNO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) “SALAT ang taumbayan sa gobyerno sa transparency at accountability,” ayon kay senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez. Sa isang panayam sa SMNI matapos ang oral argument sa Korte Suprema ukol sa kwestyonableng bicameral committee report ng 2025 national budget, muling ipinaliwanag ni Rodriguez ang kahalagahan ng pagpapanagot sa mga nasa gobyerno. Marapat lamang aniyang hanapin ng taumbayan kung paano at saan dinadala ng gobyerno ang perang awtomatikong kinukuha sa kanila bilang mga taxpayer. Sa nasabing oral argument kamakalawa, inatasan ng Korte Suprema si Marikina 2nd District Rep.…

Read More

Para sa agri transformation program $1-B UUTANGIN NG PINAS SA WORLD BANK

(CHRISTIAN DALE) PANIBAGONG utang ang nakatakdang lagdaan ng Pilipinas ngayong Hulyo. Ito ay kaugnay sa record-high $1-billion loan agreement ng bansa (mahigit sa ₱57 billion) mula sa World Bank para pondohan ang agricultural transformation program. Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakipagdayalogo na si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel kay World Bank Country Director Zafer Mustafaoğlu noong nakaraang buwan para repasuhin ang progreso ng kasunduan. Muling pinagtibay ni Mustafaoğlu ang commitment ng bangko na magbigay ng pondo para sa Philippine Sustainable Agricultural Transformation (PSAT) loan program. Ang dokumentong inilathala sa…

Read More

LAKAS-CMD IDINEKLARANG DOMINANT MAJORITY PARTY NG COMELEC

IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) ang Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD) bilang dominant majority party habang ang Nacionalista Party naman ang dominant minority party para sa 2025 National and Local Elections (NLE). “On the basis of the foregoing considerations, the dominant majority party and the dominant minority party, and the accredited majority political parties for the May 12, 2025 national and local elections (NLE) are: Dominant majority party — Lakas-CMD; Dominant minority party — Nacionalista Party,” nakasaad sa resolusyong inilabas ng Comelec nitong Huwebes. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin…

Read More

PROFESSIONAL FEES NG MGA DOKTOR DAPAT SAGUTIN NA RIN NG PHILHEALTH – CONG. TULFO

ISUSULONG ni senatorial candidate Erwin Tulfo ang batas na naglalayong sagutin na rin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang professional fees ng mga doktor. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na ang professional fees ang isa sa mga laging problema ng mga pasyente kapag lalabas na ng ospital. Aniya, “ang PhilHealth kasi, ang sasagutin lang ay yung mga gamot at room charge ng pasyente.” “Iyong ayuda naman na nakukuha ng mga mahihirap nating kababayan mula sa medical assistance sa DSWD (Department of Social Welfare…

Read More

ONE ID SYSTEM ISUSULONG SA PASIG CITY PARA SA MAS MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA SERBISYO

ISUSULONG sa Pasig City ang pagkakaroon ng One ID system para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga residente. Ayon kay mayoralty candidate Sara Discaya, makatutulong ang pagkakaroon ng One ID system para sa mabilis na access sa mga serbisyo kabilang ang mga tulong-pinansyal, complimentary medical check-ups, at iba pang benepisyo ng lokal na pamahalaan. “As we enter 2025, we are actively transforming Pasig into a city that prioritizes efficiency, speed, and modernity. We are committed to ensuring that no Pasigueno faces difficulties in accessing vital services,” aniya.…

Read More