KAWING NG 2 BONDI SHOOTERS SA TERROR GROUPS SA PINAS INAALAM PA NG AFP

HINDI pa batid ng Armed Forces of the Philippine kung may kawing sa local extremist group sa Pilipinas ang mag-amang nagsagawa ng shooting spree sa Bondi Beach sa Australia na kumitil ng labinglimang katao sa isang Jewish events. Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP, nakarating sa kanilang kaalaman ang lumabas na media report hinggil sa biyahe umano ng foreign individuals sa Pilipinas at sa posibleng link sa terrorist groups. Ang mag-amang shooter na kinilalang si Sajid Akram, 50-anyos, at anak nitong si Naveed Akram, 24-taong gulang, ay…

Read More

MPD PRESS CORPS NAGSAGAWA NG CHRISTMAS GIFT-GIVING

NAGSAGAWA ng Christmas gift-giving activity ang MPD Press Corps katuwang ang Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni District Director PBGen. Arnold Abad. Halos 200 ang benepisyaryo na pawang street dwellers, homeless individuals at street sweepers na nasa paligid ng lungsod ng Maynila. Ilan sa mga ipinamahagi o laman ng Christmas gift packs ay 3 kilong bigas, canned goods, noodles at mga bundle ng snacks. Isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng simpleng tulong ang mga taong nasa lansangan ngayong kapaskuhan. Ayon sa pahayag ng MPD Press Corps, ang…

Read More

BUCANA BRIDGE, PASSABLE NA! MOTORISTA PUWEDE MULA 6 A.M. HANGGANG 5 P.M.

MAY initial agreement na maaaring magamit ng mga motorista ang 1.3-km Bucana Bridge araw-araw mula 6 a.m. hanggang 5 p.m., ayon sa Malacañang. “At ang sinasabi po dito, ang initial agreement ay maaari pong buksan, passable ang two lanes at maaari pong magamit sa umaga – 6 a.m. hanggang 5pm,” pahayag ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang pahayag ni Castro ay tugon sa pagpuna ni Acting Davao City Mayor Sebastian Duterte sa napaulat na “premature” opening ng Davao City Coastal Road Segment B nitong Lunes. Ayon…

Read More

SEC. GIBO UMALMA SA PAMBOBOMBA NG CHINA SA MGA MANGINGISDANG PINOY

PINALAGAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Martes ang “mapanganib” at “di-makataong” kilos ng China laban sa mga Pilipinong mangingisdang naghahanapbuhay malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay Teodoro, nasira ang ilang bangkang pangisda bunsod ng water cannon at pagputol ng anchor lines, habang tatlong mangingisda ang nasugatan at nangangailangan ng lunas. “Mahigpit na kinokondena ng Department of National Defense ang mapanganib at di-makataong aksyon ng Chinese maritime forces… Ang paggamit ng water cannon, agresibong manobra, at pagputol ng anchor lines na nagdulot ng pinsala sa…

Read More

P.3-M CASH TINANGAY SA FOOD SHOP

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong cash ang natangay ng dalawang kalalakihan na nanloob ng isang tindahan ng karne sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang suspek na pumasok sa Sustamina Food Shop sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite bandang alas-4:50 ng madaling araw. Ayon sa ulat, pinasok ang dalawang suspek ang nasabing tindahan ng karne sa pamamagitan ng pagputol sa shutter ng roll-up door saka binasag ang salaming bintana nito. Nang nakapasok, tinangay ng mga suspek ang laman ng…

Read More

OFW SA DAMMAM MULING NA-HOLD AT NAKULONG SA JIZAN, PAMILYA UMAPELA NG AGARANG REPATRIATION

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MULING dumulog at humingi ng saklolo ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) matapos umanong ma-hold sa immigration at muling makulong sa Saudi Arabia ang kanilang mahal sa buhay. Ang OFW na kinilala bilang si Al Arcillas, 42-taong gulang, may asawa, ay nagtatrabaho bilang Safety Officer sa Dammam, Saudi Arabia. Ayon sa detalyadong salaysay ng kanyang asawa na si Cristelle, nag-ugat ang kasalukuyang sitwasyon sa isang insidenteng naganap noong 2019 kung saan na-deport si OFW Al matapos masangkot sa isang drug case…

Read More

PARENTS NG 5 BATANG ISASALANG SA LIVER TRANSPLANT SA INDIA NAGPASALAMAT KAY YORME ISKO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NOONG Biyernes, Disyembre 12, inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, ang paglalabas ng P7,419,965 mula sa Special Health Fund upang makober ang liver transplant ng limang bata sa India. Apat sa mga batang pasyente ang isasailalim sa operasyon sa Indraprastha Medical Corporation Ltd., na nagkakahalaga ng $29,000 ang bawat pamamaraan. Isa pang bata ang tatanggap ng paggamot sa Max Healthcare Institute Limited, na mangangailangan ng $8,400 para sa transplant. Sa isang dayalogo kasama ang mga magulang, sinabi ni Domagoso na sumusuporta ang…

Read More

CUSTOMS BINAYPASS NA ANG DMW SA ISYU NG BALIKBAYAN BOX!

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI na nahintay ng Bureau of Customs ang Department of Migrant Workers na ilabas ang natitirang abandonadong balikbayan boxes. Stressed na ang mga OFW sa pagkakaloko sa kanila ng pamunuan ng Makati Express Cargo at Tag Cargo, nadagdagan pa ang stress nila sa DMW na tila wala nang ginagawa upang tulungan silang makuha ang kanilang mga bagahe. Matatandaang bibong-bibo itong DMW nang ilabas nila sa Davao Port ang mga container at i-deliver sa mga may-ari nito, pero ito ay habang dinidinig ng Kongreso ang kanilang budget.…

Read More

MGA NAKUHANG PARANGAL NI DPWH ILOCOS REGION DIRECTOR RONNEL TAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang panahong madalas mas napapansin ang maiingay kaysa mahusay, may mga lingkod-bayan na mas pinipiling magsalita sa pamamagitan ng gawa. Isa si Engr. Ronnel Tan, Regional Director ng DPWH Ilocos Region, sa mga patunay na ang tunay na liderato ay hindi kailangang ipagsigawan. Ito’y nakikita, nararamdaman, at napakikinabangan. Ang sunod-sunod na pagkilala sa DPWH Ilocos Region bilang Most Outstanding Regional Office ay hindi bunga ng pagkakataon. Ito ay resulta ng disiplinadong pamumuno, malinaw na direksyon, at matibay na paninindigan laban sa mediocrity. Sa ilalim…

Read More