PINAAAMYENDAHAN ng isang grupo ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang batas na nagbabawal sa mga ospital na magdetine ng pasyente o mga labi dahil, sa kabila ng umiiral na batas, patuloy pa rin umano ang ilegal na gawain ng ilang pagamutan lalo na ang mga pribado. Sa House Bill (HB) 6832 na inakda ng mga kongresista ng Akbayan party-list, layong amyendahan ang Republic Act (RA) 9439 o Anti-Hospital Detention Law upang pabigatin ang parusa sa mga hospital officials na ayaw palabasin ang pasyente o ibigay ang labi…
Read MoreAuthor: admin 3
P17.8 BILYON ‘PORK’ NG SENADO IBINUKO
IBINUKING ng Makabayan bloc sa Kamara ang halos P18 bilyong pork barrel umano ng mga senador sa 2026 national budget na inilaan sa local government units (LGUs). Sa isang pahayag kahapon, kinondena ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang hakbang ng Senado na umano’y nagbawas sa benepisyo ng government employees upang pondohan ang tinawag niyang “LGU pork” ng mga senador. Ayon kay Tinio, nakasaad sa National Expenditure Program (NEP) na P111.5 bilyon ang panukalang pondo para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) ng mga kawani ng gobyerno, ngunit binawasan…
Read MoreMARCOS: HOUSING DAPAT MALAPIT SA TRABAHO AT SERBISYO
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na iprayoridad ang paghahatid ng de-kalidad na housing projects na matatagpuan malapit sa workplace, transport terminals, at mahahalagang serbisyong pampamahalaan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagpulong sina Pangulong Marcos at DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, kasama ang iba pang opisyal ng ahensiya, nitong Lunes ng umaga upang repasuhin ang mga nagawa ng departamento at ang mga nagpapatuloy na pipeline programs.…
Read MorePROBLEMA SA TRAPIK WALA NANG SOLUSYON
DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI na ang sumusuko at tinanggap na wala na talagang solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila dahil walang political will ang gobyerno, hindi lamang ngayon kundi sa mga nakaraan administrasyon dahil mas inuuna ng mga lider ng bansa ang kanilang popularidad. Maraming sinubukang programa para maibsan ang pagsikip ng trapiko sa Metro Manila at may isa pa nga na nagsabi na bigyan n’yo siya ng anim na buwan, reresolbahin niya ang problemang ito pero natapos ang anim na taon niya sa Palasyo eh iniwanan…
Read MoreMGA BULAG, PIPI’T BINGI?
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI maintindihan ng mga Pilipino na sa kabila na ang niraralihan ay ang BBM administration, ang sinampahan ng iba’t ibang kaso sa Office of the Ombudsman kamakailan ay si Vice President Inday Sara Duterte at 15 iba pa. Kabilang sa mga complainant sina Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Roberto Reyes, former presidential adviser on the peace process Teresita Quintos-Deles, former Department of Finance undersecretary and economist Maria Cielo Magno, youth leaders Matthew Christian Silverio, John Lloyd Crisostomo at ang anti-corruption advocate na si Christopher…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO NABAHALA SA PAGTAAS NG FARM-TO-MARKET ROADS BUDGET
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS IKINABAHALA ni Senador Erwin Tulfo ang P33 bilyong pondo para sa Farm-to-Market Roads (FMR) sa 2026 o P17 bilyong dagdag mula sa orihinal na mungkahi sa National Expenditure Program (NEP), dahil sa kawalan ng katiyakan na maayos itong maipatutupad. Sinabi ng senador na mayroon siyang pag-aalinlangan dito dahil P33 bilyon ito. Napakalaking halaga nito. Bagaman alam niyang kailangan ito ng mga magsasaka, ang problema ay baka isipin ng publiko na inalis natin ang flood control projects, pero pinalitan naman namin ng farm-to-market roads sa…
Read MoreANTI-POLITICAL DYNASTY BILL IDUDULOG SA SC
NAKATAKDANG dumulog sa Korte Suprema si Caloocan City Rep. Edgar Erice upang igiit na tuparin ng Kongreso ang konstitusyonal na mandato na magpasa ng anti-political dynasty law, sa kabila ng pagsasama nito sa apat na reform bills na inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iprayoridad. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Erice na bagama’t muling nabuhay ang pag-asa sa panukala matapos itong isama ng Pangulo sa priority bills, hindi pa rin aniya sapat ito upang matiyak ang pagpapatupad ng probisyon ng Saligang Batas. “Para sa akin, ito ang…
Read MoreHERBOSA ‘KASABWAT’ SA PHILHEALTH FUND TRANSFER
NANAWAGAN ng pagbibitiw ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang ilang manggagawa sa sektor ng kalusugan sa kanilang inilunsad na kilos-protesta kahapon sa harap ng tanggapan ng DOH sa Tayuman, Maynila. Ayon sa mga nagprotesta, may pananagutan si Herbosa sa paglipat ng halos ₱90 bilyong pondo ng PhilHealth patungo sa National Treasury—isang hakbang na idineklarang ilegal ng Korte Suprema. Binatikos din nila ang umano’y kabiguan ng kalihim na tutukan ang kalagayan ng mga super health center at tiyaking hindi nagiging pulitikal ang paggamit ng pondo para sa serbisyong…
Read MoreSUPORTA SA NEURODIVERSITY AT KARAPATAN NG MAY INVISIBLE DISABILITIES MULING IGINIIT NI VILLAR
MANILA — Muling pinagtibay ni Senator Camille Villar, ang pinakabatang senador ng Ika-20 Kongreso, ang kaniyang matatag na pangako na isulong ang neurodiversity, sensory inclusion, at karapatan ng mga Pilipinong may invisible disabilities. Binigyang-diin niya na ang sensory safety ay hindi lamang usaping pangkalusugan kundi mahalagang karapatang pantao. Pinangunahan ni Villar ang ribbon-cutting ceremony sa pagbubukas ng “iMvisible,” isang digital art exhibit na tampok ang talento ng 24 na neurodiverse artists, bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Disability Day. Sa okasyon, binigyang-pansin ng senadora ang lumalawak na pakikipagtulungan sa mga…
Read More