GUN OWNERS BINALAAN SA INDISCRIMINATE FIRING NGAYONG HOLIDAY SEASON

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan at may-ari ng lisensyadong baril laban sa pagpapaputok ng baril ngayong holiday season. Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., maaring harapin ang kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing. “Ang pagkakaroon ng lisensyadong baril ay may kaakibat na responsibilidad—tama ang pagtatago, may self-control, at mahigpit na pagtupad sa batas,” ani Nartatez. Nauna nang ipinatupad ang one strike policy sa hanay ng PNP bilang bahagi ng pinaigting na hakbang sa seguridad para sa Kapaskuhan.…

Read More

DISCAYA, POSIBLENG DALHIN SA DAVAO KAPAG LUMABAS ANG COMMITMENT ORDER

MANILA — Posibleng anomang araw mula ngayon ay ilipat patungong Digos City, Davao del Sur si kontratistang Sarah Discaya sakaling lumabas ang commitment order laban sa kanya at ma-raffle ito ng korte. Sa kasalukuyan, nananatili si Discaya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) habang inaantay ang proseso ng paglilipat sa kulungan. Ito ay kasunod ng boluntaryong pagsuko ni Discaya sa ahensiya noong December 9, 2025 upang tiyakin ang kanyang kaligtasan laban sa posibleng banta sa buhay matapos masangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay NBI Acting Director…

Read More

PLM, UdM STUDENTS, LGU WORKERS, HEALTH PERSONNEL PALDO SA INSENTIBO SA MAYNILA

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na aabot sa P648.8 milyong cash aid ang ilalabas sa susunod na mga araw o bago mag-Pasko para sa benepisyo at insentibo ng mga estudyante ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) at Unibersidad de Manila (UdM), local government units workers at health personnel. Sa flag raising ceremony nitong Lunes, una munang pinasalamatan ng alkalde ang mga nagbabayad ng buwis at negosyo sa lungsod at sa pagsuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan. “Itong P648 million saan galing? Gusto ko lang ipaliwanag sa inyo…

Read More

BATANG NAHULOG SA ILOG, NATAGPUANG PATAY

NATAGPUAN ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng isang batang nawawala, matapos ang malawakang paghahanap sa Mayag River sa Mainit, Surigao del Norte. Iniulat na nawawala ang bata simula noong Sabado matapos umanong mahulog sa ilog sa Purok Mahusay, Barangay Matin-ao sa nasabing bayan. Una nang sinuspinde ang paghahanap sa bata ng Coast Guard Station Surigao del Norte, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) noong Sabado ng gabi dahil sa mababang visibility at malakas na ulan. Pinag-ibayo ng team…

Read More

12 MANGINGISDA NA-RESCUE NG PCG

ZAMBALES – Sa gitna ng nagngangalit na panahon at hampas ng malalakas na alon, naglunsad ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard para iligtas ang 12 mangingisda sakay ng distressed fishing vessel sa baybayin ng Sabangan Point sa Subic, sa lalawigan. Ayon sa pamunuan ng PCG, nakatangap sila ng distress call hinggil sa nasirang FB Goldan (Bagito) na may 12 tripulante kasama ang kapitan nito, na pinaglaruan ng malalaking alon matapos makaranas ng engine trouble habang naglalayag. Agad ipinadala ng PCG ang BRP Cape San…

Read More

CHINA KINONDENA NG US SA PANANAKIT SA PINOY FISHERMEN

MARIING kinondena ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang pananakit ng China Coast Guard sa tatlong Pilipinong mangingisda at paglalagay sa peligro sa 20 fishing vessel na kanilang dinahas sa Sabina o Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Sa ibinahaging pahayag ng U.S. Embassy in Manila sa media, agresibo at ilegal ang mga aksyon na ginawa ng China Coast Guard laban sa mga mangingisdang Pilipino sa loob ng pinagtatalunang teritoryo ng Pilipinas. Base sa isang pahayag sa kanyang official X account, sinabi ng US envoy na…

Read More

2 KUMPANYA NI REP. ANG NAKAKUHA NG 5 KONTRATA SA ANTIQUE

NAKAKUHA ng tatlong proyekto ang mga kompanyang inuugnay kay Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang Jr. sa Antique. Batay sa 20-pahinang listahan na nilabas ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, nakakuha ang Allencon Development Corp. ni Ang ng tatlong road maintenance contracts sa Antique na nagkakahalaga ng P86 milyon. Kabilang dito ang dalawang preventive maintenance at asphalt overlay projects sa Bantayan–San Pedro–Cubay Road sa San Jose de Buenavista, at isa sa kahabaan ng Bugo–Gen. Fullon Road sa San Remigio. Bukod pa riyan, nabigyan din ang International Builders Corporation…

Read More

PAG-ATAKE SA ESCODA SHOAL HAYAG NA KARAHASAN SA WPS – GOITIA

MANILA — Hindi maaaring ituring na karaniwang insidente ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng dalawang bangkang pangisda sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, isa itong hayagang pananakit at sinadyang karahasan laban sa mga Pilipinong legal at payapang naghahanapbuhay sa sarili nilang karagatan. “Hindi armado ang mga mangingisda. Wala silang nilalabag na batas. Maliit ang kanilang mga bangka at malinaw ang pakay—mangisda para may maipakain sa pamilya,” ani Goitia. “Pero hinarap sila ng high-pressure water cannons at mapanganib na…

Read More

RISA, ROMUALDEZ SUPPORTERS TUMITINDI ATAKE KAY TOBY TIANGCO SA SOCIAL MEDIA

PINAIGTING ng mga tagasuporta ni Senador Risa Hontiveros at Leyte Rep. Martin Romualdez ang pag-atake laban kay Navotas Rep. Toby Tiangco, sa pagsasabing wala siyang moral na posisyon para magsalita laban sa korapsyon at binansagan pa bilang traydor. Sa isang post sa social media, hinamon ni Jam Magno, isang kilalang tagasuporta ni Rep. Romualdez at endorser ng Tingog Partylist, si Tiangco na patunayan ang kanyang mga pahayag at ipinagtanggol ang rekord ng mga inisyatibang sinuportahan ni Romualdez. Kinuwestiyon din niya kung may maipapakitang kaparehong programa ang Navotas, sa pagsasabing nananatiling…

Read More