(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAITUTURING na banta sa seguridad ng bansa ang talamak na pagnanakaw sa kaban ng bayan kaya maaaring iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanselasyon ng pasaporte ni dating House Appropriations Committee Chair at Ako-Bicol party-list rep. Zaldy Co. Sa gitna ng pagpalag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at mga tagapagtanggol ni Co sa panawagang kanselahin ang kanyang pasaporte, sa katwirang walang legal na batayan sa ilalim ng batas hanggat walang “court order,” hinimay ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and…
Read MoreAuthor: admin 3
POLONG KAY BRAWNER: BUHAY NG PINOY ‘WAG ISUGAL PARA MAGPASIKAT SA US
BINANATAN ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa pahayag nito na kayang umabot sa China ang US-made Typhon missile system na nakadeploy sa Pilipinas. “So is this now our idea of defense? Showing off for America even if it’s clear that Filipinos will be the first to burn from another nation’s retaliation?” patutsada ni Duterte. Ayon kay Brawner, may kakayahan ang US Mid-Range Capability missile system na umabot hanggang mainland China. Ngunit para kay Duterte, hindi ito garantiya ng seguridad…
Read MoreKAAYUSAN AT SEGURIDAD PARA SA UNDAS 2025 INILATAG NG RIZAL PNP
INILATAG na ng pamunuan ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO) ang mga paghahanda para sa kaayusan at seguridad ng nalalapit na Undas ngayong taon. Ayon kay PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal PNP, ilalatag ang mahigpit na seguridad sa 83 sementeryo at 7 columbarium sa lalawigan mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2, 2025, kung saan inaasahang aabot sa mahigit 405,000 katao ang dadalaw. Mahigit 2,300 pulis at force multipliers ang ipakakalat sa buong Rizal, pinakamarami sa Antipolo (369), Taytay (315), San Mateo (202), at Angono (182) — mga…
Read MoreHikayat ni Solidum sa Manila officials BUMUO NG DISASTER IMAGINATION, ‘DI TAKOT SA ‘THE BIG ONE’
NANAWAGAN si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum Jr. noong Sabado, Oktubre 25, sa mga opisyal ng lungsod ng Maynila na palakasin ang imahinasyon at kahandaan sa sakuna sa halip na takot, sinabing ang epektibong paghahanda ang pinakamahusay na depensa laban sa isang malakas na lindol tulad ng “The Big One.” Sa kanyang keynote session “The Big One: What LGU Manila Needs To Know” sa pagbubukas ng Executive Course on the Incident Command System, sinabi ni Solidum na ang paghahanda ay dapat magsimula sa kaalaman, koordinasyon,…
Read More4 HVTs ARESTADO, DRUG DEN WINASAK NG PDEA
ROXAS CITY – Apat na high-value targets (HVTs) ang naaresto sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Sabado ng hapon, Oktubre 25, 2025, sa Sitio Railway, Barangay Punta Tabuc sa lungsod. Sa nasabing anti-narcotics operation na pinangunahan ng PDEA Capiz Provincial Office, katuwang ang Police Regional Intelligence Unit 6 – Capiz, ay nalansag din ang isang drug den. Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P225,000, kasama ng ilang non-drug items gaya ng marked money, lighter,…
Read MoreMINOR PHREATOMAGMATIC ERUPTION NAITALA SA TAAL
MULING nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng isang minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal dakong alas-8:00 nitong Linggo ng umaga. Ngunit ayon sa Phivolcs, nanatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang nasa mababang antas ng pag-aalburuto at wala pang senyales ng malawakang pagsabog. Pero nagdulot pa rin ito ng pagkatakot sa mga nakasaksing residente. Noong Sabado ng hapon, isa ring minor eruption ang naitala dakong alas-5:31 ng hapon. Ayon sa ulat ng ahensya, ang naturang pagputok ay lumikha ng plume…
Read MoreP714K ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA LUCENA
QUEZON – Isang itinuturing na high-value target sa bentahan ng ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (QPDEU) sa Barangay Silangang Mayao, Lucena City pasado alas-singko y medya ng hapon, noong Biyernes. Kinilala ang suspek sa alyas “Boy”, 44 na taong gulang, at residente ng Barangay Mayao Crossing. Naaresto ito matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang buyer. Sa isinagawang paghalughog, nakumpiska mula rito ang kabuuang tatlong sachet at isang plastic bag na naglalaman…
Read MoreP6-M MARIJUANA PLANTS SINUNOG NG PDEA
ILOCOS SUR – Tinatayang umabot sa P3.7 milyong halaga ng cannabis sativa plants ang sinunog sa lalawigan sa isinagawang joint marijuana plant eradication sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Huwebes. Ayon sa ulat, limang marijuana plantation ang sinalakay ng mga operatiba ng PDEA sa Brgy. Licungan, Sugpon ng nabanggit na lalawigan na pinagbubunot bago tuluyang sinunog. Naging katuwang sa marijuana eradication mission ang mga tropa ng Sugpon MPS (lead unit), ISPDEU, 1st ISPMFC, 2nd PMFC, PDEA RSET, PDEA RO1-ISPO, PDEA RO1-INPO, ISPIU, at ISPIDMU (KIMAT members) nang madiskubre…
Read MoreUNIBERSIDAD SA CAVITE NAKATANGGAP NG BOMB THREAT
CAVITE – Nabulabog ang mga empleyado, faculty at mag-aaral ng isang kilalang unibersidad matapos nakatanggap ng tawag na umano’y pasasabugin ang campus sa Carmona City noong Sabado ng umaga. Ayon sa isang estudyante na si “Athena”, papasok siya sa CAVSU, Carmona Campus sa Brgy. Maduya, nang tawagin siya ng isang lalaking nakasuot ng maong pants, itim na t-shirt, itim na jacket, blue bull cap at itim na face mask bandang alas-8:42 ng umaga, Noong una’y hindi nito pinansin, subalit nang tanungin kung nag-aaral ito sa CAVSU at sinagot niya ng…
Read More