NANDO NAGING SUPER TYPHOON, PREVENTIVE EVACUATION IPINAG-UTOS

AGAD na ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na agad magsagawa ng preemptive evacuation sa mga lugar na tatamaan ni Super Typhoon Nando. “With Nando now stronger, LGUs must waste no time in moving families out of danger zones,” ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, na nagpapaalala ring ipatupad agad ang evacuation, liquor ban, no-sail policy, at paghahanda ng evacuation centers. Nabatid na bandang alas-8:00 kahapon ng umaga ay inihayag ng PAGASA, ang state weather ng bansa, na tuluyan nang naging…

Read More

2 NPA NAPATAY, 3 HIGH POWERED FIREARMS NABAWI

DALAWANG nalalabi pang kasapi ng communist terrorist group ang napatay ng militar habang tatlong mataas na kalibre ng baril ang nabawi makaraan ang sagupaan sa Barangay Katipunan, Tapaz sa lalawigan ng Capiz, ayon sa ulat ng Philippine Army. Ayon sa ulat nitong nakalipas na linggo, nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng Army’s 82nd Infantry Battalion, 61st Infantry Battalion, at 12th Infantry Battalion ang grupo ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Katipunan, sa bayan ng Tapaz. Napag-alaman, naglunsad ng combat operation ang tropa ng pamahalaan matapos na makarating ang sumbong hinggil…

Read More

CASH, GADGETS NG REAL ESTATE AGENT, NILIMAS NG MENOR DE EDAD

CAVITE – Nilimas ng hinihinalang isang menor de edad ang cash, IPad at cellphone ng isang real estate agent habang nakaparada ang kanyang kotse sa Brgy. San Miguel A, sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktimang si alyas “Francis”, 26, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa salaysay ni Francis, ipinarada nito ang kanyang kotseng Toyota Veloz na may plakang NUC 7597, sa nasabing lugar upang sunduin ang kanyang live-in partner bandang alas-2:35 ng hapon. Pero ilang…

Read More

MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE; 1 PATAY, 1 SUGATAN

CAVITE – Nasawi ang isang mister habang nakaligtas naman ang kanyang misis na naka-angkas nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Trece Martires City noong Sabado ng madaling araw. Isinugod sa ospital ang mag-asawang sina Reiner, 36, isang security guard, at Pamela, 36, kapwa residente ng, Brgy. Aguado, Trece Martires City, subalit hindi umabot nang buhay ang mister dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa asawa ng biktima, binabagtas nila ng kanyang mister ang kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Conchu, Trece Martires City, sakay ng motorsiko…

Read More

LALAKI NASABUGAN NG IMPROVISED FLASHLIGHT

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki nang sumabog ang isang improvised flashlight sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Ron” ng Sahud Ulan, Tanza, Cavite dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa ulat, lumabas sa kanilang bahay ang biktima nang mapansin ang isang umiilaw na tila flashlight sa isang plastic bag bandang alas-9:00 ng umaga. Dahil sa kuryusidad, nilapitan nito ang plastic bag at bumungad sa kanya ang tila flashlight kaya tinangka nitong kalikutin…

Read More

ICI HEARING SA FLOOD CONTROL ANOMALY PINASASAPUBLIKO

IGINIIT ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na dapat gawing public hearing ang pag-iimbestiga ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects. Ayon kay Diokno, mahalaga ito para hindi magduda ang taumbayan na baka may cover-up o whitewash na nagaganap. Ginawa ng kongresista ang panawagan matapos lumabas na hindi bukas sa publiko ang pagdinig ng ICI—kabilang na ang naging pagharap kamakailan nina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at dating Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez ng Bulacan First District Engineering Office. “Ang panawagan natin…

Read More

SUNDAY PROTEST WARNING SA MGA OPISYAL NG GOBYERNO – SEN. E. TULFO

“LOUD and clear! Kailangan ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasan mahulog sa korapsyon”. Ito ang tugon ni Sen. Erwin Tulfo, hinggil sa kanyang reaksyon sa kilos protesta nitong linggo sa Luneta sa Maynila at People Power Monument sa EDSA, Quezon City. “That they (people) are watching and they are tired of corruption,” dagdag pa ng mambabatas. Aniya, “mensahe ng sambayanan ito sa gobyerno na shape up or we will take control”. Libo-libo ang dumalo sa nasabing protesta sa Maynila at Quezon City upang kondenahin ang pagnanakaw…

Read More

TULFO HINIKAYAT SINA DISCAYA AT ALCANTARA NA ‘KUMANTA’ SA ICI

TULAD ng ginawa ni dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, nais ni Senate Blue Ribbon Vice-Chairman Erwin Tulfo na ituro na rin ng contractor na si Curlee Discaya at District Engineer Henry Alcantara sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga kasabwat nila na matataas na opisyal sa pamahalaan. “Si Brice nagbigay na raw ng mga sensitibong impormasyon sa ICI ani Mayor Magalong, so dapat gayahin na rin nina Discaya at Alcantara ito,” ayon kay Sen. Tulfo sa isang panayam. Aniya, “Kung natatakot silang kumanta sa Blue Ribbon, e…

Read More

PNP INIIMBESTIGAHAN PAGBABALIK NG NINJA COPS SA MAYNILA

INIUTOS ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon laban sa mga miyembro ng Manila Police District-Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) na inakusahang sangkot sa ilegal na pag-aresto, pananakit, at pagnanakaw sa ilang delivery riders sa Sampaloc, Maynila noong Setyembre 9. Lumabas ang hinala na nabuhay ang mga tinaguriang ninja cops matapos magsumbong ang dalawang delivery riders na sila’y dinampot ng mga pulis, pinahirapan, at kinuhaan ng pera, gamit, at maging ng kanilang motorsiklo. Isa sa kanila ang nakatakas at agad nagsumbong sa National Police Commission…

Read More