EX-DPWH SEC. MANUEL BONOAN, NAKALABAS NA NG PNP-GH

NAKALABAS na ng PNP General Hospital (PNP-GH) si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Biyernes ng umaga matapos ilabas ng Sandiganbayan ang kanyang release order.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang lumabas sa PNP-GH ang tatlong sasakyan, kung saan sakay si Bonoan sa isa sa mga ito matapos siyang sunduin ng kanyang pamilya.

Ayon kay CIDG-NCR Chief Police Colonel John Guiagui, masaya si Bonoan dahil malaya na siya at wala nang police escort nang tuluyang makalabas ng ospital.

Sinabi ni Guiagui na hindi agad nakalabas si Bonoan dahil bineripika pa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung mayroon pa itong outstanding warrant mula sa ibang korte bago tuluyang palayain mula sa kustodiya ng PNP.

Matatandaang batay sa kautusan ng Sandiganbayan, inalis si Bonoan bilang co-accused ni Senator Jinggoy Estrada sa mga kasong plunder at graft na may kaugnayan sa mga umano’y maanomalyang flood control project.

(TOTO NABAJA)

87

Related posts

Leave a Comment