TULUYAN nang ihahain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste at iba pang indibidwal kaugnay ng kasong qualified human trafficking.
Kinumpirma ito ni NBI Director Atty. Melvin Matibag matapos ang isinagawang case build-up sa naturang usapin.
Ayon kay Matibag, may kaugnayan ang reklamo sa umano’y pagkakasangkot ni Leviste sa nabistong “honeytrap plot” na sinasabing naglalayong bitagin si Executive Secretary Ralph Recto ng Malacañang.
Sinabi ng NBI director na pormal nilang ihahain ang reklamo sa National Prosecution Service ng Department of Justice ngayong Biyernes, Setyembre 4, 2026.
Ang pagsasampa ng reklamo ay kasunod ng isinagawang imbestigasyon at pagbuo ng kaso ng NBI kaugnay ng naturang insidente.
(JULIET PACOT)
125 