CONTENTMENT

HOPE ni GUILLER VALENCIA SABI ni St. Paul sa Philippians 4:11-12, “I have learned to be CONTENT in whatever circumstances I am. I know how to get along with humble means, and I also know how to live in prosperity.” Remember, prior to conversion to Christianity of St. Paul, isa siyang educated and affluent and haven’t written this verse about contentment. However, nang isulat niya ito ay nakaranas na siya ng persecution sa kapwa niya mga Romano na katulad niya noon ay taga-usig ng mga Christian. Aside from persecutions, naranasan…

Read More

ANG PAGBABALIK NI MAYOR ISKO MORENO SA MAYNILA

TARGET ni KA REX CAYANONG MULING sumampa sa entablado ng pulitika si Francisco “Isko” Moreno Domagoso matapos ang kanyang matagumpay na pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa katatapos lamang na Eleksyon 2025. Sa isang makasaysayang tagumpay, tinalo niya ang kanyang dating pangalawang alkalde at re-electionist na si Mayor Honey Lacuna, kasama ang siyam pang kandidatong nagtangkang mamuno sa kabisera ng bansa. Ang pagbabalik ni Moreno sa City Hall ay hindi lamang isang personal na tagumpay, kundi isang malinaw na mensahe mula sa mga Manileño: handa silang bigyang muli…

Read More

IMPEACHMENT TRIAL KAY VP SARA ‘DI MAGIGING CIRCUS – CHIZ

TIWALA si Senate President Francis Chiz Escudero na hindi magiging circus ang mangyayaring impeachment trial sa pagpasok ng mga bagong halal na senador. Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Escudero na batay sa mga inisyal na resulta ng halalan, lima sa mga nanalong senador ay reelectionist, apat ang mga dating senador at tatlo ang mga kongresista. Sinabi ni Escudero na mga beterano at batikan na sa mga legislation ang mga ito kaya’t alam na rin ang parliamentary rules kaya’t inaasahan niyang magiging maayos ang proseso. Kasabay nito, sinabi ng Senate…

Read More

PAGBABA NG PRESYO NG BILIHIN PINATUTUTUKAN SA MARCOS ADMIN

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na dapat nang tutukan ang pagpapatupad ng mga hakbangin para maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, matapos maging abala sa halalan. Sinabi ni Gatchalian, ngayong humupa na ang election fever, marami sa mahihirap na komunidad ang umaasa sa pagpapatuloy ng proyektong P20 kada kilo na bentahan ng bigas. Binigyang-diin ng senador na hindi lang dapat presyo ng bigas ang maibaba kundi dapat ay sunod ding tiyakin ng gobyerno ang abot-kayang presyo ng basic goods para sa kaginhawaan ng mahihirap na…

Read More

SOLONS NA NANGGISA KAY VP SARA LAGLAG

MISTULANG minalas ang ilang kilalang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na gumisa kay Vice President Sara Duterte matapos mabigo ang mga ito na muling mahalal sa kanilang tinakbuhang posisyon sa nakaraang eleksyon. Nabigo sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at ACT-Teacher party-list Rep. France Castro sa kanilang senatorial bid matapos pumuwesto sa ika-33 at ika-40, ayon sa pagkakasunod, base sa partial at unofficial result sa senatorial race. Bigo rin si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na makabalik sa 20th Congress na magsisimula sa June 30, 2025 matapos talunin ni…

Read More

PHOTOCOPY O E-DOCUMENTS TATANGGAPING EBIDENSYA – SC

NILINAW ngayon ng Supreme Court na ang duplicate o photocopy ng original documents, maging ito man ay papel o electronic ay pwedeng tanggapin sa korte bilang ebidensya. Gayunman, kailangan na walang pag-aalinlangan o pagdududa sa original authenticity nito. Batay sa Supreme Court decision na pinonente o isinulat mismo ni Chief Justice Alexander Gesmundo ay pinagtibay ng First Division ang conviction ni Ybo Lastimosa sa kasong murder o pagpatay kay Ildefonso Vega, Jr. kung saan ginamit ang photocopy ng death certificate ni Vega bilang pangunahing ebidensya. Nabatid sa isinagawang pagdinig sa…

Read More

CA BINALIGTAD DESISYON NG LOWER COURT SA ISANG DRUG CASE VS DE LIMA

Binaligtad ng Court of Appeals ang pagpapawalang-sala ng Muntinlupa RTC Branch 204 kay dating Senadora Leila de Lima sa isang kaso ng droga noong 2023. Pinaboran ng CA ang hiling na petition for certiorari na inihain ni Office of the Solicitor General Menardo Guevarra. Paliwanag ng CA, ang isang desisyong may matinding pag-abuso sa kapangyarihan ay hindi maituturing na lehitimong acquittal na sakop ng proteksyon laban sa double jeopardy. Dahil dito, tinitingnan kung mabubuksang muli ang trial para sa drug charge ni de Lima na una nang binsura ng Muntinlupa…

Read More

20 PATAY SA MIDTERM ELECTION 2025

BAGAMA’T may naiulat na mga insidente sa ilang lugar gaya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at lalawigan ng Abra, ito ay isolated cases lamang at agad namang inaksyonan ng ating mga kapulisan,” ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Randulf Tuaño. Ayon pa kay Tuaño, ang mababang bilang ng ERIs ay bunga ng pinaigting na security operations, close coordination sa Commission on Elections (Comelec) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang maagap na deployment ng mga pulis sa natukoy na election areas…

Read More

LALAKI NIRATRAT SA TERRACE, PATAY

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-8:00 ng gabi noong Miyerkoles, Mayo 14, sa Purok 1, Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Ayon sa Candelaria Police, ang biktima ay kinilalang si alyas “Joe”, 35, residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, nakaupo umano ang biktima sa kanilang terrace nang biglang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito ng ilang beses sa ulo na agad nitong ikinamatay. Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong Candelaria-San Juan Road.…

Read More