SASABAK din ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group sa paghahanap sa 87 pasaherong nawawala matapos masunog ang pampasaherong ferry na MV June Aster sa karagatan malapit sa Coron, Palawan.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan niya ang PNP Maritime Group na suportahan ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para hanapin ang mga pasaherong napaulat na nawawala matapos masunog ang MV June Aster bago ito makarating sa Coron.
Nag-deploy na rin ang PNP ng karagdagang personnel at kagamitan upang tumulong sa search and rescue operation, imbestigasyon at pagbibigay ng medical assistance sa mga nakaligtas.
Batay sa passenger manifest, may 117 pasahero at 17 crew ang sakay ng MV June Aster nang umalis ito ng Maynila patungong Coron, Palawan.
Sa kasalukuyang tala, hindi bababa sa limang katao ang kumpirmadong nasawi, habang 43 pasahero at crew ang nailigtas mula nang mangyari ang insidente noong Miyerkoles ng gabi.
Samantala, 87 indibidwal pa rin ang itinuturing na nawawala.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng PCG at Maritime Industry Authority (MARINA) upang matukoy ang sanhi ng malagim na insidente.
(JESSE RUIZ)
88 