INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang P20 Bigas Program sa Tondo, Maynila nitong Biyernes. Ang P20 bigas o “Benteng Bigas, Meron Na!” program ng kasalukuyang administrasyon ay layong mabigyan ng P20 kada kilong bigas ang minimum wage earners para mapagaan ang kanilang gastusin. Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., katuparan ito ng pangakong kampanya ng Pangulo para sa mahihirap. Ayon naman kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay malaking tulong sa pang-araw-araw na budget ng mga manggagawa. Paliwanag ni Laguesma,…
Read MoreAuthor: admin 3
PULIS NA MANGANGAMOTE SA ‘PUTUKAN’ BABAWIAN NG BARIL NI TORRE
BABAWIAN ng baril ang mga pulis na babagsak sa “Proficiency Standards” ng pagpaputok ng baril. Sa ambush interview sa Camp Karingal sa ginanap na “3rd PNP Press Corps Invitational Shootfest”, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, na hihigpitan niya ang pagpapatupad ng standards na itinakda ng PNP- Directorate for Human Resource and Doctrine Development. Mismong ang hepe ng Pambansang Pulisya ang mangunguna sa pagsusuri at pagsusulit. Kung sakali aniya na bumagsak siya ay handa siyang agad magretiro. Hindi lamang mga baguhang pulis ang isasailalim sa pagsasanay kundi pati…
Read MoreMAGANDANG BALITA PARA SA MERALCO CUSTOMERS: PRESYO NG KURYENTE MULING BUMABA
Sa ikalawang sunod na buwan, nag-anunsyo ang Meralco ng pagbaba sa presyo ng kuryente. P0.1076 kada kWh ang bawas ngayong Hunyo, dahilan kaya pumatak sa P12.1552 kada kWh ang kabuuang rate para sa pangkaraniwang pamilya. “Patuloy na mapapakinabangan ng aming mga customer ang mas mababang singil sa kuryente ngayong buwan na dulot ng mas mababang generation charge. Para sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P22 na bawas sa kanilang kabuuang bill,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications…
Read MoreUSAPIN DIN NG DIGNIDAD ANG NAKABUBUHAY NA SAHOD
EDITORIAL LINGGO-LINGGO, may bagong balita tungkol sa pagtaas ng presyo — bigas, gulay, itlog, kuryente, pamasahe. Parang wala nang hindi naapektuhan. Pero ang sahod? Parang tahimik na bato sa ilalim ng tubig — hindi gumagalaw. Marami na ang nabubuhay sa utang. Marami na rin ang nagbabawas ng pagkain, nagpapaliban ng bayarin, at umaasa na lang sa promo, diskwento o ayuda. Samantalang ang iba, nagtatrabaho nang doble pero kulang pa rin ang kita. Ang mas masakit pa, tila walang nakikinig. Ang mga manggagawa ay matagal nang sumisigaw. Pero ang sagot? “Pag-aaralan…
Read MoreHMO SA BAWAT EMPLEYADO NG GOBYERNO MARAMING ‘DI NAKAKAALAM
RAPIDO ni PATRICK TULFO BUNSOD ng kaliwa’t kanang batikos kay Pangulong Bongbong Marcos, maraming mga proyekto ng gobyerno ang natatabunan at hindi naipapaalam sa mamamayan. Katulad na lang nitong P7,000 na medical allowance kada taon ng bawat lehitimong empleyado ng gobyerno. Sa SONA ni Pangulong Marcos noong 2024, sinabi nito na maglalaan ng pondo ang gobyerno na umaabot ng P9.5 bilyon, para sa health benefits ng mga empleyado. Layunin ng nasabing pondo, na idaraan sa pamamagitan ng Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) bilang HMO (Health Maintenance Organization) o insurance ng…
Read MoreKASO NG KORUPSYON ISINAMPA LABAN SA MGA OPISYALES NG BFAR
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA GRABE pala ang “cooking makaw” sa bidding ng mga kontrata sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ito ang ibinulgar ng isang magaling na abogado na si Atty. Fay Singson, at hindi tsismis ang yarian sa bidding involving P2.165 billion sa ilegal na pagbili ng mga bangkang pangisda ng mga opisyal ng ahensiyang ito na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA). May personal knowledge si Atty. Singson sa lutong makaw na transaksyon na ito, dear readers, at ‘pag may personal na kaalaman…
Read MoreKALAYAAN SANA SA KAHIRAPAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGPAHAYAG si President Ferdinand R. Marcos Jr. ng pakikiisa sa bansa sa pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa kanyang mensahe, pinarangalan ng Pangulo ang sakripisyo ng mga bayani na nagkaloob ng kalayaan ng bansa. Panawagan ni PBBM: pahalagahan ang pamana sa pamamagitan ng pangangalaga ng karapatan at kalayaan, at gamitin itong proteksyon at pagpapaunlad sa buhay ng kapwa mamamayan. Sa mga nangyayari sa kasalukuyan, kinikilala pa ba ang mga nagsakripisyo para sa bansa? Sa ngayon, marami ang nagsisikap upang umunlad at…
Read MoreDESIGNED BY GOD
HOPE ni GUILLER VALENCIA ANG nakaraan natin ay designed by God. Kung pag-aaralan natin ang mga karanasan ng believers sa Old Testaments tulad ni Joseph, “The dreamer” ay mahirap isipin ang kanyang karanasan sa kamay mismo ng kanyang mga kapatid. Si Joseph ay ibinenta sa Egyptian traders. Nabilanggo rin siya nang walang kadahilanan. He was framed up! For many years he suffered much. We knew the story, until he was asked to interpret the dreams of the king, until he was released from the jail. Aside from freedom, he was…
Read MoreWAITING SHED INARARO NG PICK-UP; 1 PATAY, 4 SUGATAN
QUEZON – Isa ang patay habang apat ang sugatan makaraang araruhin ng isang pick-up ang waiting shed sa Bondoc Peninsula Highway sa Brgy. Mabini Ilaya, sa bayan ng Macalelon sa lalawigan noong Miyerkoles ng tanghali, Hunyo 11. Kinilala ang nasawing biktima sa pangalang “Marife”, 54, tindera, at residente ng Brgy. Lawigue, Tayabas City, agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente. Kabilang naman sa mga sugatan sina alyas “Carl”, 16; Eloisa, 84; at Divina, 58, agad isinugod sa Gumaca Hospital para lapatan ng lunas. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol…
Read More