ILOILO CITY – Kalaboso ang dating barangay tanod kasama ang kanyang live-in partner, sa ikinasang drug buy-bust operation noong Miyerkoles ng gabi sa Zone 1, Sto. Niño Norte, Brgy. Arevalo sa lungsod. Ayon sa ulat ni PCapt. Glenn Soliman, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), nasa priority watchlist ang suspek na si alyas “Toting”, 40-anyos, na target ng nasabing operasyon. Sinabi ni Soliman, dalawang linggo nilang mino-monitor ang suspek bago isinagawa ng drug buy-bust operation na nagresulta ng pagkaaresto nito, kasama ang live-in partner nito na si alyas…
Read MoreAuthor: admin 3
IKA-127 ARAW NG KALAYAAN GINUNITA SA CAVITE
MAGKASABAY na ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Bayan ng Kawit at Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite. Pinangunahan ito nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Congressman Jolo Revilla, ang ilang pamilya ng Aguinaldo sa bayan ng Kawit, at Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas na nanguna sa pagpapanatili ng seguridad sa pagdiriwang ng naturang okasyon, at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan. Sa Alapan, Imus City, Cavite pinangunahan naman nina Mayor Alex A. Advincula at Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang pagtaas…
Read MorePBBM sa mga Pinoy: PAIGTINGIN PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA BAYAN
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na paigtingin ang pagmamahal at paglilingkod sa Pilipinas kasabay ng pagdiriwang nitong Huwebes, Hunyo 12 sa ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan. Sa talumpati ng Pangulo sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila, sinabi nito na sa ngayon ay malayang naipapahayag ng bawat isa ang kanilang saloobin nang walang kinatatakutan, at malayang nagagawa ang naisin nang walang iniiwasan. At dahil aniya sa Bagong Pilipinas, hindi kasalanan ang pagbibigay ng opinyon. At lalong hindi aniya mali ang kritisismo. Bagkus, ito aniya ang…
Read MoreSUSPENSYON NG BSKE NIRATIPIKAHAN NG SENADO
NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral conference committee report kaugnay sa disagreeing provisions sa panukalang suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa December 2025. Ayon kay Senador Imee Marcos, author at sponsor ng panukala sa Senado, nagkasundo ang dalawang kapulungan na ipagpaliban sa Nobyembre 2026 ang halalan. Kasama rin sa inaprubahan ang pagtatakda sa apat na taon ang termino ng mga halal sa barangay at SK officials. Nakasaad sa panukala na hanggang tatlong sunod na termino ang maaaring takbuhan ng mga barangay officials, habang isang termino lang…
Read MoreIBA’T IBANG AKTIBIDAD BINUKSAN NG INTRAMUROS AUTHORITY PARA SA ARAW NG KALAYAAN
BILANG bahagi ng ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, naghanda ang pamunuan ng Intramuros Authority ng iba’t ibang aktibidad partikular sa publiko na nais magbalik-tanaw noong late 18th to early 19th century. Ayon sa Intramuros Authority website, nitong Huwebes ay mayroon silang Filipiniana Day, libre ang kahit sino na pumasok sa anomang gated attraction ng Intramuros basta nakasuot ang mga ito ng Filipiniana. Kabilang dyan ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, Baluarte de San Diego, at Museo de Intramuros – Centro de Turismo Intramuros. Mayroon ding tranventures kung saan iikot…
Read MoreCOMELEC: SOCE IPO-POST ONLINE
IKINOKONSIDERA ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-post ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato, party-list groups at political parties online para sa pampublikong pagsisiyasat. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, ang SOCE ay maaaring i-post online sa loob ng dalawang linggo ngunit kailangan ng pag-abruba ng Department of Information and Communications Technology para sa vulnerability assessment. Ayon kay Garcia, kapag nakita ng publiko na ang SOCE ay may mali o kulang ang isinumite, dapat nilang ipagbigay-alam sa Political and Finance Affairs Department upang agad na mapag-aralan…
Read MoreTEVES IBINIYAHE NA SA CAMP BAGONG DIWA
AGAD tumalima ang National Bureau of Investigation sa kautusan ng Manila Regional Trial Court na ilipat si dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr., ng kustodiya mula sa NBI Detention Facility sa Bureau of Correction. Si ex-Congressman Tevez ay kasalukuyan nang nakadetine sa Camp Bagong Diwa. Mula Building 14 ng NBI detention facility sa Muntinlupa City, dinala ito sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Metro Manila District Jail Annex 2 compound ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig. Isinagawa ang naturang paglilipat ng kustodiya matapos…
Read MoreONLINE SELLER ITINUMBA NG RIDER
PATAY ang isang online seller na makikipagkita sa kanyang supplier, nang pagbabarilin ng motorcycle rider sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets, San Andres Bukid, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Kyle Mario Castro, 28, ng nabanggit na lugar. Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek makaraan ang pamamaril. Batay sa naantalang ulat ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-5:10 ng hapon habang patungo ang biktima sa nabanggit na lugar nang bigla itong pagbabarilin ng suspek na lulan ng motorsiklo. Patuloy pang iniimbestigahan…
Read MoreARTICLES OF IMPEACHMENT HINDI TINANGGAP NG KAMARA
HINDI tinanggap ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ibinabalik ng Impeachment Court na Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng resolusyon na pinagtibay sa plenaryo kamakalawa ng gabi. Walang tumutol sa mosyon ni House deputy majority leader at Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy na ipagpaliban ang pagtanggap sa Articles of Impeachment laban kay Duterte hanggang hindi nasasagot ang mga tanong ng prosecutors sa pagbabalik sa mga kaso sa Mababang Kapulungan. “Mr. Speaker, I move to defer acceptance of the Articles of Impeachment until such time…
Read More