DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) WALANG karapatan ang China na pagsabihan ang Pilipinas na umayos sa sarili nating teritoryo. Ito ang naging reaksiyon ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa panawagan ng China sa Pilipinas na huwag magsimula ng gulo sa Bajo de Masinloc sa Zambales. Ang pahayag ng mga Tsino ay nag-ugat sa ginawang pagtanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa floating barrier na inilagay nila para hindi makapangisda sa lugar ang mga mangingisdang Pilipino. Sabi ni Tulfo, “Kahit ano pa ang itawag nila sa…
Read MoreAuthor: admin 5
2,956 PARAK SIBAK SA PWESTO DAHIL SA BSKE 2023
INUTOS na ang pansamantalang paglilipat sa puwesto sa 2,956 tauhan ng Philippine National Police na may mga kamag-anak na kandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre. Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Police General Benjamin Acorda Jr., layunin ng paglilipat ng assignment ng mga pulis na may kaanak na tatakbo sa nalalapit na halalan, na matiyak na magiging patas ang isasagawang botohan Kinumpirma ni PNP Spokesman Col. Jean Fajardo, naglabas na ng kautusan si General Acorda para sa 2,956 PNP personnel na napasama sa…
Read MoreMajority at minority bloc sanib-pwersa ‘HOUSE’ OF ROMUALDEZ GINIGIBA SI VP INDAY
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGSANIB-PWERSA na ang majority at minority bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso para gibain si Vice President Sara Duterte. Obserbasyon ito ng isang political critic na humiling na huwag na siyang pangalanan, kaugnay ng mga pagbatikos ngayon kay Duterte. Ayon sa kritiko, nagsisiguro na si House Speaker Martin Romualdez na una nang nabalitang may planong tumakbo sa susunod na presidential elections kaya kinukuha ang suporta ng magkabilang pwersa. Malinaw aniyang ngayon pa lamang ay pinatatatag na ni Romualdez ang kanyang tsansa na pumalit sa pinsang si…
Read MoreBILYONG AYUDA IPINAGKAKAIT SA AGRI SECTOR
PARANG dumadaan sa butas ng karayom ang tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba dahil sa sangkaterbang requirements na hinihingi ng ahensya. Inihalimbawa ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee ang P19.36 billion na nakalaan para sa post-harvest program ng DA ngayong 2023. Patapos na aniya ang taon ay mahigit P5 billion pa lamang ang nagagamit dahil 50 requirements ang kailangang ipasa ng mga magsasaka, mangingisda at mga kooperatiba bago sila matulungan sa pamamagitan ng nasabing programa. “Dito po tayo talagang nadidismaya at nanghihinayang. We want…
Read MoreRESULTA NG PRICE CAP NI BBM SA BIGAS SUSURIIN
POSIBLENG makipagpulong ang mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na linggo para pag-usapan ang kinalabasan ng pagpapataw ng price cap sa bigas. “We’ll more likely meet again next week because he did say he wants us to meet again and see the numbers, see the indicators, see the outcomes versus the objectives of the price cap and we’ll make a decision,” ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa sidelines ng paglulunsad ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD)…
Read MoreP4-B CIF NI MARCOS PINALULUSAW
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang ang mga ahensya ng gobyerno na walang kinalaman sa seguridad ng bansa ang dapat tanggalan ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) kundi ang Office of the President (OP) mismo. Ito ang iginiit ng Makabayan bloc kasunod ng joint statement ng mga political party sa Kamara na ilipat sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang CIF ng mga ahensya ng gobyerno kasama na ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).…
Read MoreChild marriage, iba pang pag-abuso binisto SENYOR AGILA, MGA BIKTIMA NAGHARAP SA SENADO
HINDI napigilan ng ilang batang biktima ng sinasabing kulto sa Socorro, Surigao del Norte ang mapaiyak habang isinasalaysay ang kanilang naranasan sa loob ng organisasyon. Humarap sa pagdinig sina Alyas Renz at Alyas Koko na kapwa 12 anyos at kinumpirma na sinasanay sila ng mga tauhan ni Senyor Aguila na maging kanyang mga sundalo. Bukod anila sa paghahakot ng mga buhangin ay palaging isinasailalim sa ‘masimasi’ na isang uri ng parusa sa mga pulis at sundalo. Iginiit ng dalawang victim-survivor na hindi sila pinag-aaral sa katwirang si Senyor Aguila mismo…
Read MoreBALLOT PRINTING PARA SA BSKE TINAPOS NA
WALA nang dapat na alalahanin ang mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan election dahil natapos na ang pag-imprenta ng official ballots, ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco. Aniya ang naka-livestream na lang ay ang patuloy na cutting and sheeting at inspeksyon sa mga balota. Ang nasabing batch accounts ay para sa official ballots na kailangan sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City District 6 na may 60,766 na botante; kasama ang Barangay Paliparan III, at Barangay Zone II sa Dasmariñas City, Cavite, na may 51,435 at 1,475 na…
Read MoreFEU NABULABOG SA BOMB THREAT
NAGKAROON ng tensyon sa mga estudyante ng Far Eastern University ( FEU) makaraang makatanggap ng “bomb threat” noong Miyerkoles ng hapon sa Art Building ng unibersidad sa Claro M. Recto Avenue, Sampaloc, Manila. Ayon sa ulat ng District Explosive Canine Unit (DECU) ng Manila Police District, bandang alas-3:05 ng hapon nang makipag-ugnayan sa kanilang opisina ang mga tauhan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct hinggil sa tawag na may “bomba” sa loob ng Art Building ng unibersidad. Dahil dito, pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Edward Raguindin ng…
Read More