GRAFT ISINAMPA VS PAGCOR OFFICIALS

SINAMPAHAN ng kasong ‘graft and corruption’ sa Office of the Ombudsman ang limang dating opisyal at dalawa sa kasalukuyang administrasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at tatlong iba pa, nitong nakalipas na August 31 na kinapapalooban ng P75 milyong halaga ng anomalya. Ang mga inaakusahan ay kinabibilangan nina dating PAGCOR Chairman Andrea Domingo, former Board Members Gabriel Claudio, Carmen Pedrosa, Reynaldo Concordia, James Patrick; Jewel Castro at mga magulang nitong sina Rizalina and Simplicio Castro. Kasamang kinasuhan ang bagong PAGCOR Chairman na si Alejandro Tengco at Dianne Erica…

Read More

ORGANIZED SYNDICATE SA TEXT SCAMS TINUTUGIS

TINUTUNTON na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga organisadong sindikato na gumagamit ng pre-registered SIMs para i-scam ang mga tao. Ito’y sa gitna ng mga tanong kung paano nagpapatuloy ang ganitong pamamaraan. Nauna nang sinabi ng mga mambabatas sa ahensiya na ipaliwanag ang paglaganap ng text scams sa kabila ng presensiya ng SIM Registration Law. Para naman kay DICT Secretary Ivan Uy, bumibili ang mga sindikato ng pre-registered SIMs sa halagang P500 bawat isa. Dahil dito, nagbabala si Uy sa publiko na umiwas o huwag makisali…

Read More

5 CAFGU PATAY SA AMBUSH NG ‘BICOLANO NPA’ SA QUEZON

QUEZON – Limang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang namatay habang dalawang sundalo ang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng kasapi ng Bicol Regional Party Committee of the Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA) ang nagpapatrolyang mga tauhan ng 85th IB ng Army at CAFGU sa Sitio Pag-Asa, Brgy. Mapulot, malapit sa boundary ng bayan ng Tagkawayan, Quezon at Labo, Camarines Norte, dakong alas-7:00 ng umaga nitong Biyernes. Ayon sa inisyal na report ng Quezon Police Provincial Office, base sa opisyal ng Army detachment, nagsasagawa…

Read More

LALAKI TINUSOK SA ULO NG MANUGANG

CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang isang 43-anyos na lalaki makaraang tarakan sa ulo ng kanyang manugang na nagalit nang sunduin ng biktima ang kanyang anak na kinakasama ng suspek, para iuwi sa kanilang bahay, sa Imus City, noong Huwebes ng gabi. Nakaratay sa ospital ng Imus ang biktimang si Jonathan De Vera y Yumang, vendor, ng Carsadang Bago 2, Imus City, dahil saksak sa ulo mula sa kinakasama ng kanyang anak na si Teofilo Wilmer Corro y Fernandez, 32, ng Brgy. Bucandala 3, Imus City, Cavite. Napag-alaman, nag-text ang…

Read More

HVI HULI SA P220K SHABU

CAVITE – Mahigit sa P220,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, Sections 5 at 11 ng RA 9165 ang suspek na si Jojie Decena y Eliseo, 23, residente ng ng Pasay, City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement…

Read More

CONVENIENCE STORES SA CAVITE, PABORITO NG MGA HOLDAPER

CAVITE – Tila naging paboritong puntiryahin ng mga holdaper ang mga sangay ng isang convenience store na muling hinoldap at natangayan ng P200,000 cash sa Dasmariñas City, nitong Biyernes ng madaling araw. Nabatid na ito na ang pang-limang beses na hinoldap ang Alfamart convenience stores sa loob lamang ng apat na buwan. Ayon sa tala, noong Abril 26 nang holdapin ang isang branch sa Brgy. Molino 3, Bacoor City; noong Hulyo 8 nang pasukin ang isang branch sa Bgry. Biga 2, Silang, Cavite; noong Hulyo 19 sa Congressional Road, San…

Read More

4 bantay na pulis sugatan sa atake AFP, PNP, COMELEC NAGPULONG PARA SA SEGURIDAD NG BSKE SA BARM

MISMONG si Philippine Army commanding general at kasalukuyang AFP Western Mindanao Command chief, Lt. General Roy Galido ang nakipagpulong kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia at mga opisyal ng Philippine National Police, para tiyakin ang seguridad sa area ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, sumama si Lt. Gen. Galido sa ginanap na Regional Coordinating Conference sa Alnor Hotel and Convention Center, sa Rosary Heights IX, Cotabato City para talakayin ang gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 30, 2023 at ang mga security…

Read More

TAGUIG, NAGSIMULA NANG MAMAHAGI HOUSE TO HOUSE NG BIRTHDAY CASH GIFT SA MGA SENIOR CITIZEN SA EMBO BARANGAYS; NAGTATAG NG ONE-STOP SHOP PARA SA SOCIAL SERVICES

OPISYAL nang nagsimula ang Lungsod ng Taguig noong Huwebes, Agosto 31, ng house to house na pagpapamahagi ng birthday cash gift sa mahigit 270 na senior citizen na nagdiwang ng kanilang kaarawan nitong Agosto mula sa 10 barangay ng Embo na nasa pangangalaga nito. Sa ilalim ng programang ito, tumatanggap ang mga senior citizen ng lungsod ng cash gift na nagkakahalaga mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang edad: P3,000 para sa mga may edad na 60-69, P4,000 para sa mga may edad na 70-79, P5,000 para sa mga may…

Read More

DALAGA TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA

NADAKIP ang isang 27-anyos na dalaga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang suspek na si alyas “Maan”, residente ng Barangay 20, Tondo, Manila. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Celso Sorita na isinumite kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, bandang 7:15 ng gabi, nagsagawa ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Area ng…

Read More