NAGKAKABIT NG SOLAR PANEL, NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki nang makuryente habang nagkakabit ng solar panel sa isang bagong tayong poste ng kuryente sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Manas Hospital ang biktimang si Archie Manlanat y Quilaw, binata, ng Sitio Villalota, Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Sitio Postema, Brgy. Sahud, Ulan Tanza, Cavite kung saan nagkakabit ang biktima ng electrical solar panel sa isang…

Read More

Mistulang New Year COC FILING SA LANAO SUR SINABAYAN NG PUTUKAN

BINULABOG ng walang habas na putukan ng baril ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa Comelec office sa Malabang, Lanao del Sur noong Huwebes ng umaga. Sa Facebook post ng isang residente, makikita sa video na tila balewala lamang sa mga residente ang nangyayaring putukan ng baril malapit sa Comelec office sa Barangay Chinatown at normal na naglalakad sa kalsada ang mga tao. Makikita rin sa video na may nagbabantay naman na mga pulis sa lugar pero pinuna ng mga residente ang tila hindi pag-aksyon ng…

Read More

PAGKILALA SA HUWARANG PUBLIC SERVANTS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita at social media nitong nakaraang linggo ang kaliwa’t kanang insidenteng kinasasangkutan ng mga personalidad na dapat sana ay kaisa ng pamahalaan sa pagsusulong ng pampublikong kaligtasan. Sangkot sa mga road rage at isyu ng pagpositibo sa paggamit ng illegal na droga ang ilang miyembro ng kapulisan at isang dating sundalo. Hindi maiiwasang mapailing dahil talaga namang nakadidismaya ang mga pangyayari lalo na para sa ating mga ordinaryong mamamayan na wala namang kapangyarihan. Paano na tayo kung ang mga tao na mismong dapat…

Read More

SAKRIPISYO TAUMBAYAN SA TAMAD NA GOBYERNO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINIHINGI ng gobyerno ang sakripisyo ng mga rice retailer para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Asst. Sec. Agaton Uvero makaraang magreklamo ang mga nagbebenta ng bigas na maaaring malugi matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng price ceiling para sa regular milled rice sa presyong P41 kada kilo at P45 kada kilo naman ang well-milled rice na P45 per kilo. Pwede naman daw mabenta na hindi lugi pero wala lang kita, at pansamantala lang…

Read More

ANG HEALTHCARE ADVOCACY NI SEN. GO AT ANG PAGDALO NI SEN. PADILLA SA CLOSING CEREMONY NG SCOUT RANGER

DI KO GETS! ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) KILALANG healthcare advocate itong si Sen. Christopher “Bong” Go. Isinusulong niya ang karapatan ng bawat Pilipino para sa abot-kayang health care services. Aminado si Go na ilang barangay ang matagal nang humaharap sa mga hamon pagdating sa emergency medical services. Sinabi niya na ang kawalan nila ng dedikadong ambulansya ay kadalasang humahantong sa pagkaantala sa tulong medikal at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Kaya naman, gumanap ng mahalagang papel si Go, chairman ng Senate Committee on Health, upang…

Read More

1 PATAY SA NABUWAL NA NARRA, 1 PATAY RIN SA ROCKSLIDE SA ILOILO

NAMATAY ang isang 46-anyos na tricycle driver habang sugatan ang pasahero nito nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng narra habang bumibiyahe sa Gen. Trias City, Cavite noong Sabado ng hapon. Isinugod sa Gen. Trias City Medicare Hospital ang biktimang si Abelardo Garcia Adriano, 46, subalit hindi umabot nang buhay, habang sa Gen. Trias Medical Center naman isinugod ang pasahero nito na si Bonn Carlo Rubia, 20, dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Tierra Nevada Road, Brgy. San Francisco,…

Read More

2 MWPs NATUNTON SA MEYCAUAYAN JAIL

NATUNTON ng mga operatiba ng Tracker Team ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang dalawang most wanted person sa kasong robbery holdup, sa male dormitory ng Meycauayan City Jail sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan. Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, bandang alas-5:35 ng hapon nang magtungo sa nasabing piitan sina Police Captain Vianny Ortiz at Police Captain Ramel Lucero at ilan nitong mga tauhan upang isilbi ang arrest warrant sa dalawang suspek na sina Roland Dela Cruz, 44, at…

Read More

PANGAMBA NG RICE RETAILERS NA MAAAPEKTUHAN SA PRICE CEILING PAKIKINGGAN – ROMUALDEZ

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pakikinggan nila ang mga pangamba ng retailers ng bigas na maaapektuhan ng price ceiling na itinakda ng Palasyo sa bigas. Kaugnay nito, sinabi ni Romualdez na plano niyang kausapin ang lider ng rice retailers sa buong bansa ngayong linggo hinggil dito. “Hindi naman manhid ang gobyerno kaya we want to listen to their concern and we will try to find a solution doon sa pangamba nila na malulugi sila,” ayon kay Romualdez. Dagdag pa niya, “Alam naman natin na mataas na ang…

Read More

EX COP SA ROAD RAGE ‘DI PA NAGSAULI NG RETIREMENT PAY

KINUMPIRMA ni Senador Francis Tolentino na hindi pa rin ibinabalik ng dating pulis na nasangkot sa road rage ang kanyang retirement pay kahit ipinasasauli na ito sa kanya. Sinabi ni Tolentino na may kautusan na ang Philippine National Police kay Wilfredo Gonzales na ibalik ang kanyang retirement pay. Naniniwala si Tolentino na sinasadya ni Gonzales na hindi sundin ang atas ng PNP. Dapat din anyang sumailalim sa psychological tests si Gonzales bago isyuhan ng bagong lisensya. Inirekomenda ni Tolentino sa PNP na ipagpatuloy ang ebalwasyon sa mga pulis upang maiwasan…

Read More