RORE MISSION SA AYUNGIN TULOY

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nakalipas na linggo na muling magpapadala ng mga karagdagang kagamitan at pagkain ang militar para sa mga tropa nito sa Ayungin Shoal. Ayon sa AFP, kailangang umayos ang Tsina dahil ngayon nakasubaybay na ang buong mundo. Inihayag ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na si Col. Medel Aguilar na itutuloy nila ang rotation and resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing military garrison o detachment ng AFP sa Ayungin Shoal. Nagbabala ang AFP sa China Coast Guard (CCG)…

Read More

BARILAN SA TAGUIG, NAIS BUSISIIN NI PADILLA KUNG MAY KINALAMAN SA DISKRIMINASYON SA MGA MUSLIM

NAIS ni Senador Robin Padilla na alamin kung diskriminasyon sa pagkain sa pamamagitan ng paghain ng karne ng baboy ang naging mitsa ng pamamaril na ikinamatay ng isang pulis sa Taguig City. Sa kanyang Senate Resolution 743, nais ni Padilla na magsagawa ng pagsisiyasat ang Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs sa insidente makaraang igiit ng Muslim na pulis sa pamamaril na nagkaroon na ng ibang insidente ng diskriminasyon bago pa ito mangyari. “Given the recurring unfortunate incidents prejudicial to the Muslim community and their basic necessity for…

Read More

MAS MAGANDANG KALIDAD NG TRABAHO PARA SA MGA MANGGAGAWANG PILIPINO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ANG pagtindi ng kakulangan ng “soft skills” kagaya ng komunikasyon at resiliency ang sinasabing isa sa mga pagsubok na kinahaharap ng mga nagtapos ng pag-aaral sa kasagsagan ng pandemya. Pinunto ng iba’t ibang grupo at lider ng lipunan na kadalasan nakukuha ang mga kakayahang ito sa pakikisalamuha sa kapwa na naging mahirap dahil sa mga naging restriksyon nitong mga nakaraang taon. Para naman sa mga bagong graduate, mahalaga ang papel na ginagampanan ng una nilang mapapasukang kumpanya dahil dito masusubok ang natutunan nila sa paaralan…

Read More

MALINAW ANG DESISYON NG SC SA MAKATI-TAGUIG TERRITORIAL DISPUTE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAYROON nang mga naunang desisyon ang Korte Suprema sa mga territorial dispute. Ang mga hurisprudensiya o palabatasan ay magagamit nang “gabay” ng ating mga ahensya ng gobyerno, pangunahin na ang Department of the Interior and Local Government, Commission on Elections (Comelec) at Department of Finance (DOF), kung paano maresolba at agad na maipatupad ang kautusan ng Kataas-taasang Hukuman tulad na lamang ng Parcels 3 & 4 of Psu 2031 (na kinabibilangan ng 10 barangay) na nasa Makati City ay nasa legal na hurisdiksyon na ng Taguig…

Read More

MARAMING LINTA SA KONGRESO

BISTADOR ni RUDY SIM MALALAGAY ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alanganin kung ipagpapatuloy ng Ethics Committee ang kanilang isinasagawang hakbang upang mapatalsik bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Ang tila pagiging linta ng ilang kongresista sa administrasyon ay posibleng makasira sa tiwala ng taumbayan at ito ay pinalagan ni dating House Speaker Pantaleon D. Alvarez, na aniya ay hindi katanggap-tanggap ang rekomendasyon ng komite para sa expulsion ni Teves na inihalal ng taumbayan bilang kanilang kongresista. Base sa paliwanag ng komite,…

Read More

KAMPO NI GOV. MANUEL MAMBA, INILATAG ANG MGA HAKBANG KUNG BAKIT HINDI SIYA DAPAT ARESTUHIN!

TARGET ni KA REX CAYANONG INILAHAD ng kampo ni Gov. Manuel Mamba ang mga legal na basehan kung bakit hindi siya dapat arestuhin. Nakasaad iyon sa mga dokumentong iprinisinta kina Cagayan Police Director PCol. Julio Gorospe at PMaj. Jhun Jhun Balisi, hepe ng PNP Tuao. Isinilbi kasi ng mga pulis kay Mamba ang “Service of Contempt Order and Detention Order” ng Kongreso nitong Agosto 19. Ayon sa kampo ni Mamba, malinaw na nakasaad sa Article III ng 1987 Constitution na ang warrant of arrest ay maaari lamang mailabas sa kapangyarihan…

Read More

PULIS IIMBESTIGAHAN SA PANGUNGUPIT

IPATATAWAG ng Cavite Police ang isang pulis na nakatalaga sa Philippine National Police Academy (PNPA) matapos akusahan ng kanyang kabaro na kumupit ng kanyang pera sa Silang, Cavite, noong Sabado ng hapon. Ang inirereklamo ay si Patrolman Allen C. Cando, 29, kasalukuyang nakatalaga sa CSS, GSSD ng PNPA sa Camp General Castaneda, Brgy. Tartaria, Silang, Cavite. Nabatid sa ulat ni Police Staff Sergeant Emerson Busto ng Silang Police Station, ipinarada ng nagrereklamong si Patrolman Johnnie Estacio, nakatalaga rin sa nasabing tanggapan, ang kanyang motorsiklong walang plaka sa harapan ng parking…

Read More

BANGKA TUMAOB SA QUEZON, 11 SAKAY NAILIGTAS

QUEZON – Nailigtas ang 11 sakay ng isang bangkang de motor na tumaob matapos na abutan ng malakas na hanging habagat sa karagatan malapit sa baybayin ng bayan ng Panukulan, sa Polillo Island, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng tanghali. Ayon sa report ng Panukulan MDRRMO, kabilang sa nailigtas ang 23-anyos na piloto at may-ari ng bangka na si John Paulo Dela Cruz, kanyang misis at ang 2 buwang sanggol na anak ng mga ito, at 8 iba pang kaanak. Galing sa piyesta sa Barangay Bonifacio sa bayan ng Burdeos…

Read More

INUMAN SA OPISINA: 8 OPISYAL NG PPA SIBAK

WALONG opisyal ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Bohol ang sinibak makaraang madiskubreng nag-iinuman sa loob ng kanilang opisina. Nakarating kay PPA General Manager Jay Santiago na ang umano’y mga opisyal na nakatalaga sa Port Management Office (PMO) Bohol ay nahuli sa CCTV na nag-iinuman sa loob mismo ng multipurpose hall ng opisina ng pantalan noong Agosto 16. Ayon sa ulat, ang kasiyahan ay bunsod ng pagdiriwang ng kaarawan ng Acting Port Manager ng Bohol na kinilalang si Lord Tyrone Agaton. Base sa imbestigasyon ng PPA, nakita sa surveillance video…

Read More