BABALA INILABAS VS. IMPORTED CARROTS

Ni JOEL O. AMONGO

WALANG katiyakang ligtas ang mga imported carrots na bumabaha ngayon sa merkado. Ito ang babala ni Agriculture Secretary William Dar kasabay ng panawagan sa publiko na huwag tangkilikin ang mga nasabing produktong pinaniniwalaang ipinuslit lamangsa bansa mula sa bansang Tsina.

Sa isang online press briefing, tahasang sinabi ng Kalihim na hindi dumaan sa tamang prosesong sumusuri sa kalidad at kaligtasan ang mga nasabing produkto.

Bukod sa mga naglipanang imported carrots, nagbabala rin si Dar laban sa mga dagsang repolyong pinaniniwalaang kasabay na ipinuslit papasok sa bansa.

Pagtityak ni Dar, wala silang ipinapalabas na import permits maliban sa mga frozen vegetables na karaniwang dinadala sa mga hotels at restaurants.

Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ma­laking bahagi ng mga ipinuslit na gulay ay ibinagsak sa Divisoria, sa lungsod ng Maynila.

Kaugnay nito, nagbuo na rin ng isang inter-agency investigation team ang BOC, DA at iba pang sangay ng economic intelligence agencies ng pamahalaan sa hangaring tukuyin ang pinagmulan at kung paano nakapasok sa bansa ang mga nasabing produkto.

Sa isang pahayag na unang inilabas ng mga magsasaka mula sa lalawigan ng Benguet na siyang pangunahing supplier ng mga gulay sa merkado, lubha silang nababahala sa kanilang kabuhayang nalalagay sa alanganin lalo pa’t higit na mababa ang benta ng mga imported
carrots sa mga pamilihan “The Bureau of Customs is already coordinating with the Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry, and the Benguet Farmers’ Coop­erative in looking into the circulating issue on alleged smuggling of carrots into the country,” saad ng kalatas na ipinaskil sa BOC sa kanilang social media page.

Paliwanag ng kawanihan, isa o dalawang reefer containers lang kasi ang kanilang binubuksan para inspeksyonin sa hangaring maiwasan ang pagkaantalang maaaring maging sanhi ng pagkasira ng mga “perishable goods.”

“Due to the perishable nature of all agricultural shipments, the current first border inspection is limited to opening and closing of reefer containers to avoid spoilage. Furthermore, a second border inspection is conducted inside the corresponding DA-accredited cold storage
warehouses,” dagdag pa ng BOC.

Gayunpaman, tiniyak ng kawanihan na patuloy ang kanilang mahigpit na border security, kasabay ng pahayag ng suporta sa kagawaran ng agrikultura sa pagtataguyod ng Agricultural Commodity Examination Area at sa pagrerebisa nito sa mga nai-release na nilang kargamento ng mga produktong pang-agrikultura.

250

Related posts

Leave a Comment