BADING NATAGPUANG PATAY SA TULAY

HINIHINALANG pinatay sa palo ang isa umanong bading dahil sa sugat nito sa ulo makaraang matagpuang walang buhay sa Quezon Bridge sa Quiapo, Manila noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Jonel Frio alyas “Jessa,” vendor, residente ng Oscariz St., Quiapo, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang madiskubreng patay ang biktima habang duguang nakahandusay sa tulay ng Quezon Boulevard sa Quiapo.

Ayon kay Anthony Cladio, delivery man, binabaybay niya ang nasabing tulay nang makita niyang nakahandusay ang biktima. Agad niya itong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Hinihinalang biktima ng holdap ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)

196

Related posts

Leave a Comment