INAASAHAN na ang pagkalugi ng mga negosyo partikular ang mga fastfood chain tulad sa southern Metro Manila dahil sa mahigpit na pagsunod nila sa precautionary measures na hiniling ng DOH, DILG at local government units laban sa banta ng COVID-19.
Sa Baclaran area, sakop ng Parañaque at Pasay City; sa Rotonda area at Libertad area kapwa sa Pasay City, nagsisunod ang mga mall owner at fastfood outlets na ipatupad ang social distancing.
Pansamantalang nagsara ang mga mall kagaya ng Citymall, Centerpoint at Wellcome Plaza.
Ang mga fastfood outlet naman sa mga mall ay tigil-operasyon din habang ang iba ay wala nang dine-in kundi takeout orders na lang.
Ang mga pampasaherong dyip na rutang Baclaran-Quiapo-Sta. Cruz-Blumenttrit ay nilimitahan na rin ang bilang ng mga pasahero. DAVE MEDINA
435 