BAGYONG ENTENG, LUMAKAS PA

MAS lumakas ang Bagyong Enteng habang patuloy na tinatahak ang direksyon na pa-hilaga.

Agad namang nilinaw ng PAGASA na hindi ito tatama sa kalupaan, pero magdadala ito ng mga pag-ulan.

Huling namataan ang bagyo kahapon ng umaga sa layong 445 kilometers east northeast ng Basco,
Batanes, at may hangin na aabot sa 65 km per hour at pagbugso na papalo sa 80 kph.

Bukod sa nasabing bagyo ay may isa pang sama ng panahon na namataan ang PAGASA, 215 km west southwest ng Iba, Zambales.

Inaasahang palalakasin pa nito ang habagat na naunang pinalakas ng Bagyong Enteng.

Magiging maulan sa bahagi ng Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, MIMAROPA, at Antique.

Inaasahan din ang patuloy na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Visayas, at natitirang bahagi ng Ilocos region. (CATHERINE CUETO)

242

Related posts

Leave a Comment