Ayon sa mga doktor, walang gamot na masasabing 100 porsyentong ligtas.
Ito ay dahil ang isang gamot ay maaaring walang side effects sa iyo ngunit mayroon para sa iba o vice versa. Kung tutuusin ay lahat ng gamot ay sadyang may side effects.
Gayundin naman, mas lalong walang 100% safe na gamot sa mga buntis kaya mas pinag-iingat ang mga ito sa pag-inom ng gamot at pinapayuhan din na agad na ireport sa doktor kung anuman ang nararamdamang negatibo sa katawan.
Karaniwang side effects na nararamdaman ay may kinalaman sa gastrointestinal system. Halos lahat ng mga gamot ay nakakapagbigay ng pakiramdam na pagduduwal o discomfort sa tiyan, at mayroon din namang nangangati ang balat.
BAKIT MAY SIDE EFFECTS ANG MGA GAMOT?
May mga gamot na nabibili lamang over the counter sa mga botika o kahit pa sa simpleng sari-sari store. Samantala may mga tinatawag rin na prescription medicines na hindi mabibili basta-basta nang walang kalakip na reseta ng doktor. Ito ay dahil maaaring mas mataas ang peligro ng side effects nito kaya kailangang may doktor na magrereseta sa isang pasyente dahil nasuri na niya mismo ang sakit nito para matapatan ng gamot o mga gamot na kailangangan niya.
May side effects ang lahat ng gamot dahil sa katwirang walang kabuuang himalang maibibigay ito sa mga tao.
Kung tutuusin lahat ng bagay ay may side effects, hindi lamang ang mga gamot. Kahit din ang hangin.
Lahat ng gamot ay naglalayon na makaaapekto sa mangyayaring mga proseso sa isang partikular na bahagi ng katawan na hindi gumagalaw o gumagana nang tama.
Sa karaniwang mga kaso, ang pag-target sa prosesong ito ay karaniwang naroroon o nag-e-exist sa maraming bahagi ng ating katawan kaya naman ang gamot ay nakaaapekto sa lahat ng lugar, kahit pa sa non-tartget areas.
Gayundin, ang lahat ng gamot ay mga chemical compound at ang sobra nito ay maaaring makasira ng selula, kaya naman nauuwi ito sa generalized na side effects bilang resulta ng tissue damage sa certain regions ng katawan.
Bilang payo, kailangang maging maingat lahat tayo sa gamot na iinumin at iwasang mag-self medicate. Kailagang alam ng inyong doktor ang mga gamot na dapat inumin upang ito ay hindi ikapahamak ng ating kalusugan. (ANN ESTERNON)
