BAKUNA SAPAT NA SA NCR PLUS 8

SAPAT na ang kailangang bakuna para sa mga taga-Metro Manila kasunod ng tuloy-tuloy na delivery ng bakuna nitong mga nakaraang araw.

Kaya wala nang nakikitang problema pa ang National Task Force against COVID-19 sa suplay ng bakuna sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Chief Implementer at Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na 14 milyong doses na ang dumating kamakailan lamang habang may 5 milyon pa ang paparating na bakuna kaya magagawa na nitong suportahan ang bakunang kailangan hindi lamang para sa NCR+ kundi pati sa Region 4A, Region 3, Region 6, Region 7 at Region 11.

“Sa ngayon nakita natin nakapag-supply naman tayo ng more or less four million pero iyan hindi iyan iyong one tranche lang, by tranches iyan. So, ang ano natin na tinatawag na parang ating commitment with the NCR+ including iyong 4A, Region III, Region VI, Region VII, Region XI and those priority areas ay makakapagbigay tayo ng four million at saka another 2.5 million,” ani Sec. Roque.

Sa kabilang dako, sinabi ni Galvez na ikakasa na nila ito sa gitna ng paparating pang mga vaccine sa bansa dahil sa susunod na buwan ay nasa 20 hanggang 25 milyong doses ang inaasahan. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment