ITO ang pagtiyak kahapon ni Customs commissioner Bienvenido Rubio sa oras na magpositibo ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa napaulat na tangkang pagbebenta ng nasa mahigit ₱270 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo kamakailan. Hinihinalang may sangkot na taga Aduana o kawani ng Bureau of Customs (BoC) sa pagpuslit ng multi-milyong sigarilyo sa pantalan ng bansa.
“If reports are confirmed that some of the agency’s personnel were involved in the discovery of attempted resale of ₱270 million worth of seized contraband cigarettes from Capas, Tarlac,” sabi pa ni Commissioner Rubio.
Nabatid na kasalukuyang sinisiyasat ng NBI ang posibleng pagkakasangkot ng ilang opisyal ng BoC sa nadiskubreng pagbebenta ng bultu-bultong smuggled cigarettes na nakumpiska ng mga tauhan ng BoC kasunod ng isinagawang buy-bust operation.
Ayon kay Rubio, mananagot ang mga opisyal na mapapatunayang sangkot sa pagtatangkang resale ng mga smuggled na sigarilyo sa Capas, Tarlac.
“I already instructed the Intelligence Group’s Customs Intelligence and Investigation Service to look into this matter and report to me immediately. The NBI has our full cooperation and I promise that anyone found involved in this will be held accountable. Heads will roll,” wika ng commissioner.
Pagtitiyak din ng BoC na ang hakbang na ito ay isa lamang patunay na patuloy ang kanilang operasyon laban sa smuggling at ilan pang ilegal na aktibidad na nagaganap sa iba’t ibang pantalan at paliparan sa bansa.
“We are one with the NBI and thank them in the fight against cigarette smuggling,” punto ni Rubio.
Samantala, noong nakaraang taon, nasabat ng BoC ang higit ₱9.3-B halaga ng mga ilegal na sigarilyo, electronic cigarette at vaping gadget. (JESSE KABEL RUIZ)
