1 PANG SALVAGE VICTIM ITINAPON SA QUEZON

QUEZON – Isa pang bangkay na lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa By-Pass Road ng Tayabas City, noong Martes ng umaga.

Ayon sa report ng Tayabas City Police, bandang alas-9:00 ng umaga nang makita ng mga nagdaraan sa highway ang bangkay na nakahandusay sa damuhan sa shoulder ng kalsada.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, natuklasan na nababalot ng packaging tape ang ulo nito at balikat at nakagapos ang mga kamay.

Teorya ng pulisya, itinapon lamang doon ang biktima noong nakaraang gabi.

Ito ang ikalawang sunod na bangkay na natagpuan sa magkatabing bayan sa Quezon.

Martes din ng umaga nang madiskubre ang unang bangkay na tadtad ng tama ng bala sa Eco Tourism Road sa katabi lamang na bayan ng Sariaya.

Ayon sa Sariaya Police, itinapon din lamang doon ang bangkay sa gilid ng kalsada.

Parehong hindi pa nakikilala ang mga biktima. (NILOU DEL CARMEN)

17

Related posts

Leave a Comment